Yn's pov
The way he talked back to my brother made me feel safe yet doubts running in my mind.
"Hindi mo dapat pinagbubuhatan ng kamay ang kapatid mo" saad nya kay kuya. Halos matahimik kaming lahat dahil sa nangyayari ngayon.
"Siguro nga tama ka, pero kung kailangan nya masaktan para matuto baka hindi ako magdalawang isip" sagot ni kuya sa kanya at dahan-dahan na napalingon sakin si kuya Evan.
"Yn...... sumama kana" napaatras ako sa sinabi nya at mas lalo akong nasasaktan sa pagkakaalam na papayag sya sa gustong mangyari ni kuya. His voice was so soft yet stern. Humarap sya sakin at paatras ako ng paatras habang sila naman ni kuya ay paabante ng paabante sakin.
"Yn.... magiging maayos ang lahat" dagdag nya na saad dahilan para mapatigil ako sa paghakbang ng paatras.
Magtitiwala pa ba ako?.....
Hindi.
Hindi ako nakapagsalita at namalayan ko nalang na hawak-hawak na ni kuya ang kamay ko at hila-hila nya na ako palabas, paglingon ko sa likuran ay nakita ko na sumunod sina kuya Evan saamin.
This is it.....
Pagdating namin sa bahay ay kaagad nya isinara ang pinto ng malakas dahilan para mapaigtad ako.
"Did you know how mom got affected because of your immaturity?" tanong nya sakin sa malamig na boses. Sana andito si kuya Evan para ipagtanggol ako katulad ng kanina. Sana andito sya para kahit papano maramdaman ko na may kakampi ako, pero ang tanong...
Kakampi ko nga ba sya?....
"Pinadala ko si mama sa Spain para mapatingin sa psychiatrist..... muntik na mabaliw si mama ng dahil sa ginawa mo" napatigil ako sa sinabi nya.
"Si mama?" I managed to say near in whisper.
"Yn.... please, I didn't mean to hurt you but please just for once makinig ka sakin" he softly said making me cry. Naiiyak ako ngayon hindi dahil sa mga sinasabi ni kuya, kundi sa mga nalalaman ko ngayon tungkol kay mama.
Mom is the only one who pushed me to follow what my heart wants..... I want to be a lawyer not a fucking doctor or a professor.
Narinig ko na napabuntong hininga si kuya at malalim nya ako na tiningnan sa mga mata.
"Tomorrow is the start of your classes in Medical School whether you want or not" he sternly said causing my eyebrows to furrowed. Hindi na ako nag aksaya ng oras at tumalikod ako sa kanya saka naglakad ng mabilis papunta sa dating kwarto ko at sinara ng malakas ang pinto.
For him, I'm not his sister. Anak ako sa labas yan ang alam nya.
Evan's pov
Andito kaming lahat sa Vergara's Bar at ito si Sevhastian naglalasing.
"I'm still asking myself, where did the fuck she got money to buy a VIP condominium?" tanong nya habang may hawak-hawak na alak. I did not replied on him instead I patted his shoulder.
Napalingon ako kay Ace na ngayon ay nakaupo sa hindi kalayuan saamin.
"Ace, can you bring Sev to his house?" tanong ko sabay turo ni Ace sa kanyang sarili.
"Ako na naman? Bakit palaging ako?" reklamo nya sakin at blangko lang ako na tumingin sa kanya pabalik.
"Oo na, oo na, ito na nga oh" saad nya sabay lapit saka tinulungan si Sev na makalakad ng maayos. Paglingon ko sa kabila ay nahuli ko si Zach na nakatingin sakin. Tanging kami lang ang nasa Bar ngayon.
"Gab" tawag ko kay Gabrielle dahilan para mapatingin sya sakin.
"Pwede mauna kana" I said in a low voice causing him to raised his eyebrows. Napalingon sya kay Zach bago sakin at alam nya na siguro ang dahilan. Ngumiti sya samin bago sya umalis at ngayon tanging kami nalang ni Zach ang nandito.
"All this time, you knew where she really is" walang patumpik-tumpik na saad nya sakin matapos makaalis ni Gab.
"Dahil ba hindi ka namin tinanong kaya hindi mo sinabi?" tanong nya na may halong sarkastikong ngiti sa labi. Napangiti lang ako dahil alam ko na hindi mali ang wag sabihin sq kanila ang totoo.
"No" napatigil si Zach sa saad ko.
"It's because I respect her, I respect her decision" dagdag ko na saad na walang pag-aalinlangan. Yn is the kind of girl that needs someone to respect her decisions and I can be that someone. If she need someone who can understand her, I can be that someone. Yn is the kind of girl that wants to feel what really love is, because she didn't feel it before, because she is a fruit of sin. Ang alam nya sa kanyang sarili ay isa lamang bunga ng kasalanan, anak sa labas.
"You like her" Zacharias coldly said. I know, he likes Yn.
"Sinungaling ako kapag itinanggi ko" saad ko sa kanya at mapait lang sya na napatawa.
"Diretsohin mo ako, gusto mo sya tama ba?" tanong nya ulit sakin pero alam ko na alam nya na ang ibig sabihin ng sinabi ko kanina.
"Why'd you want to know?" Instead of answer I asked him back.
"Gusto ko lang linawin kung magiging sagabal ka" saad nya habang tinitingnan ako ng masama kulang nalang tutukan ako ng baril sa ulo, pero alam ko magiging mahirap ang lahat. Dalawang beses na ako nagpaubaya, dalawang beses na din ako pumayag na masaktan. Nagpaubaya ako noon dahil pinsan ko si khairo, pero pinsan ko din si Zach.
Magpapaubaya ba ako?....
No, it's time for me to prioritize my feelings. Hindi na ako papayag magpaubaya at masaktan. Alam ko aabot ako sa punto na susuko na pero, hinding-hindi ako papayag.
I will fight for this, I wil fight for the possibility of us for being together."Hindi mo pa ako nakita na lumaban ng patas dahil palagi akong nagpapaubaya" saad ko habang naglalakad ng palapit sa kanya.
"Ayuko na umabot tayo sa punto na magiging mortal tayo na magkaaway" huli ko na salita bago ako tumalikod at umalis sa harapan nya. Hindi ko sya nilingon at dire-diretso lang ang paglalakad ko palabas.
Iniisip nya siguro na magpapaubaya naman ako, nagkakamali sya.....
_________________________
★ star star tayo dyan...Ayan na!!! Si jake tsaka si heesung na naman yung magkalaban bhe, doon sa series #1 ang makalaban dun ay si jungwon at Heesung hahaha
BINABASA MO ANG
My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]
Romance"No one will know" saad sayo ni Evan habang hawak hawak ang mga kamay mo. You are just a shy girl when you came back from Spain. Noon pa man gustong-gusto mo na ang kaibigan ni stepbrother mo pero hindi nya lang yun basta kaibigan kundi pinsan di...