:song recommendation How do I breathe by
MarioYn's pov
Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kusina kasi ramdam kona ang gutom matapos magbabad sa computer. Pagdating ko sa kusina ay tama-tama lang na naghahanda na si mama ng hapunan. Nakangiti ako na lumapit sa hapag-kainan.
"Asan po si kuya?" tanong ko kay mama.
"Your brother have his own house, nagbibisita lang sya dito" sagot ni mama sakin habang nilalagyan nya ng pagkain ang plato ko. May bahay na pala si kuya. Muntik kona makalimutan na nasa tamang edad na si kuya para bumukod.
"Ma, sino pala yung lalaki kanina na sumundo Kay kuya?" tanong ko kay mama.
"It's Zach, your brother's cousin" sagot nya sakin sabay kindat na para bang may ibang ibig sabihin.
Maya-maya lang ay may narinig ako na kumatok sa pinto. Weird, hindi ko narinig ang pagtunog ng doorbell. Tatayo na sana si mama pero pinigilan ko sya at ako na ang tumayo para mabuksan ang pinto at makita kung sino.
Hinawakan ko ang doorknob saka ko ito binuksan, pero ng makita ko kung sino ang kumatok kanina ay para bang binuhusan ako ng isang dram na malamig na tubig. Halos napatulala ako sa tangkad nya.
Kuya Evan....
He looked me in my eyes before he flashed a smile on his lips. His doe eyes, the way he looked at me as if I am his first love. No, I am just being delusional. Mas matangkad pa sya sa inakala ko, at mas lalo syang gumwapo.
"Hi Yn" bati nya sakin dahilan para bumalik ako sa sariling pag-iisip. Nakilala nya ako. Ngumiti ako sa kanya at binati ko din sya.
"H-hello" halos napamura ako sa sarili dahil nautal ako.
"Andito ba si Sev?" tanong nya sakin.
"W-wala po" hindi ko napigilan na pasikretong kurutin nalang ang tagiliran ko dahil nautal na naman ako.
"Oh Evan, andito ka pala. Halika iho pasok ka sabayan mo kami kumain" saad ni mama kay kuya Evan at wala syang kalaban-laban na hinila sya ni mama papunta sa kusina.
Ako na naiwan sa pintoan na medyo napatulala sa nangyari. Napahawak ako sa dibdib ko na sobrang bilis ang pagtibok, tumingin ako sa malapit na salamin at kitang kita ko na parang kamatis ang mga pisngi ko. What the heck, nakakahiya.
Pinaypayan ko ang aking mga pisngi gamit ang nga palad ko. Nakakahiya nag eyes to eyes pa naman kami ni kuya Evan tapos ganito pa suot ko. Teka, bakit ngayon lang ako nag-alala sa suot ko samantalang hindi naman ako ganito dati. Huminga muna ako ng malalim bago ko napagdesisyon na sumunod sa kusina.
Dire-diretso ako na umupo sa upuan na kaharap ni kuya Evan habang si mama naman ay nilalagyan nya ng pagkain ang plato nya.
"Ako na po tita" saad nya kay mama sa mahinang boses. His voice, it's so sweet to hear. Pinagpala ang aking ginintoang tenga....
"Kumain ka ng marami" saad ni mama kay kuya Evan at nakayuko na napatango lang sya. The way he respects my mom made my heart flutter, pero ganito na sya dati pa.
Bigla syang napalingon sakin dahilan para mapayuko ako bigla at sinimulan ng kumain. Shit, he caught me staring at him. Kahit nakayuko ako ay nakita ko parin kung paano sya nagkaroon ng kunting ngiti sa gilid ng kanyang mga labi.
"Kaylan ka lang dumating?" tanong nya sakin dahilan para madagdagan ang kaba ko.
Bakit ganito ako kakaba sa harap ni kuya Evan?..
"Kanina lang po" sagot ko sa kanya habang nasa pagkain parin ang atensyon ko. Baka kasi mautal naman ako kapag tumingin ako ng diretso sa mga mata nya. Napatango lang sya sa sinabi ko at sana hindi nya mapansin ang mala kamatis ko na pisngi na ngayon ay pulang-pula na.
"Are you planning to go in a Medical school?" tanong nya sakin at halatang komportable sya na kaharap ako, tapos ako na sobrang kaba.
"Gusto ko po sana Law School" sagot ko sa kanya at hindi nya inaalis ang mga tingin nya sakin na mas lalong nagbibigay kaba saakin. Buti nalang wala akong sakit sa puso.
Evan's pov
She's not looking in my eyes and she's just paying all her attentions to her food.
"Maybe.... we can hangout sometimes" I suddenly said causing her to look straight at me.
"P-po?" nauutal na naman sya, at hindi ko ikinakaila na parang may masaya sa loob ko na hindi ko maipaliwanag. She's shy... but I found it cute.
Her dimple was showing up and it made her more adorable. Napakurap sya sakin ng ilang beses bago sya nakapagsalita ulit.
"Sige po" sagot nya sakin at tumuloy na syang kumain. There's something in her that I really want and I don't know what it is. Napatingin ako sa suot nya ngayon at halatang introvert parin sya hanggang ngayon. Noong bata pa sya, floral dress ng kadalasan nya na sinusuot tapos ngayon palda naman na mahahaba. Ano ba relihiyon nito?
She still wearing her round eyeglasses, malabo parin mga mata nya. Mas lalong kumapal eyeglasses nya ibig sabihin mas lalong lumala ang kondisyon ng kanyang mga mata.
"Do you still like reading books?" tanong ko at nakita ko kaagad ang kunting ngiti sa kayang mapupulang labi pero pinigilan nya lang ngunit hindi nya iyun matatago sapagkat lumalabas ang dimple nya. Marahan syang napatango sakin.
Maybe I could bring her to the bookstore that she used to go when she's young.
"Mukang magkasundo na kayo ng bunso ko" napalingon ako kay tita Silvia na kumakain.
"Yn, why don't you go for a walk with your kuya Evan" kaagad ako napalingon kay Yn na ngayon ay parang gulat na gulat. Tumingin muna sya sakin bago sya lumingon kay mama nya.
"B-baka po magalit si kuya" saad nya dahilan para mapatanong ako sa sarili ko.
Bakit naman magagalit si Sev?....
Saka ko kang ulit naalala ang sinabi kanina ni Sev na lumayo kami sa kapatid nya. He is just being protective to his little sister. Magsasalita pa sana si Tita kay Yn pero kaagad naman ako nagsalita.
"Ok lang po tita and by the way thank you po sa food" saad ko at ngumiti lang sakin si tita. Dahan-dahan ako na umalis sa upuan para makapag-paalam ng maayos.
"Una na po ako, si Sev po talaga pakay ko" saad ko kay tita at sinabi kona rin sa kanila na ayos lang na ako na mismo ang magsasara ng pinto paglabas ko.
Lumabas ako ng bahay at dumiretso agad ako sa kotse at biglaan naalala ko si Yn. She can't make a steady eye contact on me.
Pinaandar ko na ang kotse, aalis na sana ako pero nakita ko sa side mirror na may tumatakbo palapit sa kotse ko.
Yn?
Lumabas ako ng kotse at tumigil sya sa pagtakbo. Nakayuko sya na lumapit sakin tapos may dala-dala syang lunch box.
"P-pwede po sumabay? Ibibigay ko po ito kay kuya" saad nya sakin sabay turo sa dala-dala nya na lunch box.
_____________________
Vote for this chapter,( ⚈̥̥̥̥̥́⌢⚈̥̥̥̥̥̀)loading pa next chapter natin.....
Bhe may pasok na kami sa lunes (╥﹏╥)
BINABASA MO ANG
My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]
Romance"No one will know" saad sayo ni Evan habang hawak hawak ang mga kamay mo. You are just a shy girl when you came back from Spain. Noon pa man gustong-gusto mo na ang kaibigan ni stepbrother mo pero hindi nya lang yun basta kaibigan kundi pinsan di...