Chapter 7: Comfort

53 9 4
                                    

Yn's pov

Masaya ako na tumulong sa paghahanda ng haponan namin. Kahapon nakilala ko ang mga pinsan ni kuya at ang babait nila kaya nga lang hindi ko pa nakilala yung iba.

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng bahay at pumasok si kuya na naka eyeglasses. Propesor na propesor dating ni kuya, para syang binatang tito kung tignan.

Lumapit ako kay kuya at hinalikan sya sa pisngi. Ganito kami noon ng mga bata pa kami at normal na yun saamin. Nakangiti lang si mama habang pinagmamasdan kami ni kuya.

"Tumulong ako sa pagluto kaya sigurado masarap yan kuya" saad ko sa kanya habang nakaupo at nagsisimula ng kumain.

"Next week is the start of your classes" saad nya sakin habang nagsisimula na syang kumain at napangiti ako sa sinabi nya.

"Talaga kuya, saan na Law School ako mag-aaral?" tanong ko sa kanya at napatigil sya sa sinabi ko.

"Nabalitaan ko din po na Law din si kuya Gabrielle at sigurado na matutulungan nya ako" nakangiti ako habang nagsasalita pero parang hindi maganda para kay kuya ang narinig nya.

"Pano mo nakikilala si Gabrielle?" he asked me while looking deeply in my eyes and I can see anger in his eyes.

"How many times I told you that I don't want you to get involve in my cousins" he is now furious and I can tell it by tone of his voice. Napatigil ako sa aking kinakain at ito ang unang beses na marinig ang ganitong pananalita ni kuya. Hindi ko alam pero bakit parang natatakot ako ngayon.

"Kuya......" walang ibang lumabas na salita sa aking bibig dahil hindi ko alam kung anong dapat ko sabihin at baka mas lumalala pa ang sitwasyon.

"You will take Medical school not Law school" saad nya sakin sa matiim na boses at iyun ang nagbigay dahilan sakin para magsimula ng manubig ang aking mga mata.

"Pero kuya-"

"Pwede ba makinig ka sakin kahit isang beses lang, hindi porket nasa tamang edad kana ay ikaw na ang magdidesisyon para sa sarili mo" and please stop acting like a child because you're not a child anymore" kahit anong pigil ko ay lumabas padin ang mga luha sa aking mga mata dahil sa sinabi nya.

Marahang hinawakan ni mama ang balikat ni kuya.

"Sev, you're sister wants to take Law it's her dream-"

"No mom, she's not going to take it because my cousin is involve in it, she will encounter Gabrielle in the future because he is a professional Lawyer" napahinga ako ng malalim dahil sa narinig ko. Bakit ba ayaw na ayaw nya na makipag halobilo ako sa mga kodugo nya.

"Bakit kuya......" napalingon silang dalawa sakin.

"Dahil ba wala akong dugong Vergara kaya ayaw mo ako makipag halubilo sa family side mo?" I asked him.

"Ganun na nga, dahil wala kang dugong Vergara...... dahil kapatid kita sa labas" hanggang naramdaman ko nalang saaking sarili na hindi kona kayang marinig ang susunod nyang sasabihin. Hindi na ako nagdalawang isip na tumuya paalis sa upuan at dire-diretso na naglakad papunta sa pinto, palabas ng bahay.

"Yn where are you going?!" narinig ko ang pagsigaw ni kuya pero hindi ako lumingon. Pupunta ako kung saan pwede ako tumahan sa pag-iyak. Pupunta ako kung saan hindi ko maririnig at makikita si kuya.

Tama sya, magkapatid lang kami sa ina at wala akong dugong Vergara. If he hates me as his stepsister he doesn't need to said it all. Hindi nya kailangan ipamuka sakin na ako ay bunga ng kasalanan. Hindi kasal si mama at papa, pero matagal ng wala ang papa ni kuya.











Evan's pov

"I can make her mine" napataas ang mga kilay ko dahil sa narinig ko mula kay Zach. We're in his house and it's four blocks away from my house.

"Si Sevhastian makakalaban mo nyan" saad ko habang may sarkastikong ngiti sa aking mga labi.

"Nothing is possible when it comes to love" sagot nya sakin. So he is inlove with Yn. He is head over hills with that girl. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko maramdaman at hindi ko maintindihan kung bakit may sa loob ko ang galit pero nasasaktan.

Magiging masaya ba ako o magagalit?

"I think it's time for me to go, may aasikasuhin pa ako" pagpapaalam ko sa kanya at tumango lang sya sakin.

"Pupunta ako mamaya sa bahay mo" napatigil ako sa sinabi nya.

"Bawal" madalian ko na sabi sabay alis. Alam ko na kahit sinabi ko yun ay hindi parin sya makikinig pero sana lang makinig sya. Gusto ko ng pahinga.

Naglakad lang ako pabalik ng bahay dahil malapit lang naman ang pinagmulan ko. Pagpasok ko ng bahay ay agad ako napahiga sa sofa. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, yung tahimik at makakaidlip ka ng maayos pero biglang may kumatok sa pinto ng bahay ko dahilan para mairita ako. Kung si Zach to talagang sisigawan ko sya na umalis. Hinawakan ko ang doorknob at binuksan ko ang pinto.

"Zach would you please-" napatigil ako sa aking sasabihin dahil sa tumambad sakin. It's not Zacharias, it's Yn and she's crying.

"Kuya...." tanging salita na lumabas mula sa kanyang mga labi at yinakap nya ako. Napaatras ako ng kunti dahil sa yakap nya. She's crying heavily, at ramdam ko ang mga luha nya na ngayon ay nasa damit ko. Mga ilang segundo ako na napatulala bago ko napagdesisyon na dahan-dahang himasin ang likuran nya. Parang bumalik lang ang dati na kapag umiiyak sya ay ako ang nagpapatahan sa kanya at hindi ko naisip na mauulit pala.

Halos nakasubsob ang muka nya sa aking dibdib at ramdam ko pati ang paghangos nya. Dahan-dahan ko sinara ang pinto ng hindi binibitawan si Yn. I sing for her through humming just to make her calm and it worked.

"Tahan na" I gently pat her back while my other hand is on the back of her head. Hanggang sa maya-maya ay unti-unti na syang tumahan at mabigat na paghinga nalang ang aking naririnig.

What happened?....

______________________
Vote for this chapter (⁠.⁠ ⁠❛⁠ ⁠ᴗ⁠ ⁠❛⁠.⁠)

Ehem....... next chapter loading pa.....

My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon