Evan's pov
Kaylanman hindi ko naisip ang saktan sya. Napahigpit ang hawak ko sa manibela dahil naalala ko naman ang kanina. She just broke up with me and I don't know what to do. Napakagat nalang ako sa labi sabay tigil ng pagpatakbo ng kotse.
Do I really deserve her?..
Napabuntong hininga nalang ako dahil naguguluhan na sa nangyayari. Napapatanong kung ako nga ba ang dahilan kung bakit nalaman nila kung nasaan si Yn. Halos nasuntok ko na ang manibela dahil sa pagkakaalam na nangyayari ang lahat ng ito dahil kay Zacharias.
"Magpapaubaya na naman ba ako?" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa tanawin.
"Saakin mo ba yan tinatanong o sa sarili mo?" napatigil nalang ako bigla ng makarinig ako ng boses na nagmumula sa aking likuran. Paglingon ko ay walang ibang tumambad sakin kundi si Gabrielle na nakaupo sa passenger's seat ng aking kotse.
Hays nakalimutan ko kasama ko pala sya, nagpaiwan lang sya sa loob ng kotse habang ako nasa bahay ni Sev.
"Anong nangyari?" tanong nya sakin at hindi ko alam kung sasagotin ko ba ang tanong nya o hindi.
"Yn.... just broke up with me" I silently replied while looking outside.
"Ahhh kaya pala-wait.... naging kayo?!" patanong na sigaw nya sakin at ako naman na biglang rumindi ang tenga. Oo nga pala, hindi nya alam na naging kami.
"So yung sinasabi ni William na gf mo ay walang iba kundi si Yn? Kapatid ni Sev? Totoo?" hindi na ako makapagsalita dahil sa sunod-sunod nya na tanong. Napatahimik nalang sya bigla ng hindi na ako umimik at napatulala nalang sa magandang tanawin sa labas. Hindi nagtagal ay napagdesisyon ko na lumabas ng kotse para matingnan ng maayos ang tanawin. We're on the mountain where we can see the whole village. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse, lumabas din si Gabrielle.
"Right now, silence is so loud" saad ko sa sarili na parang bulong nalang sa hangin.
"Ha? Kaylan lang naging maingay ang silence?" narinig ko si Gab na napatanong sa tabi ko. Yung pakiramdam na gusto mo mag moment ng mag-isa kaso may kasama ka na medyo kago ang utak.
"You won't understand it" sagot ko sa kanya.
"Masyadong tahimik dito, hindi ka ba na boboring?" tanong nya sakin.
"Sometimes, all you just need is calm and silence... kasi minsan dyan mo masasagotan ang sarili mo na mga tanong" saad ko sa kanya at alam ko na hindi nya naintindihan ang pinagsasabi ko.
"No, you just need a distraction" nakangiti nya sakin na saad sabay sakay sa aking kotse.
"Tara, libre ko" hindi kaagad ako nakasagot kay Gab dahil alam ko na sa club na naman ang bagsak nito.
"Minsan lang ako manlibre alam mo yan" natawa lang ako sa sinabi nya dahil sa pagkakaalam na minsan lang sya manlibre pero maya-maya maniningil kaagad. Hindi na ako nagsalita pa at sumakay na din sa kotse. Hinayaan ko lang si Gab na sya ang mag maneho ng aking kotse.
Maya-maya lang ay tumigil na ang kotse at paglabas namin ay dinig na dinig ko kaagad ang malakas na hiyawan at tugtugan na nagmumula sa loob. It's a luxurious club, owned by Attorney Gabrielle Agustin.
Pagpasok namin ay kaagad lumapit saamin ang dalawang babae na halos naka bra at panty nalang. It's a club near the beach, there's a pool but the sea is more fun. Kaagad ako umiwas ng tingin sa babae na nakakapit na saakin ngayon.
Heto kami nakaupo ngayon habang umiinom ng whiskey.
"Feel free to choose your woman" saad ni Gabrielle saakin at tipid lang ako na napangiti.
"I don't need a woman, I already have one" sagot ko sa kanya.
"Asus, wala ka ng magagawa kung natapik kana ng pagkalalaki mo" sagot nya sakin at binalewala kolang. I refused to entertain any woman in this club. Hinayaan kolang ang aking sarili na umiinom ng umiinom, maya-maya lang ay may isang babae ang lumapit sakin ay binigyan ako ng whiskey sa baso.
"Come on man drink it, nag mamagandang loob na nga sayo" reklamo ni Gab dahilan para kunin ko sa kamay ng babae ang baso na may alak saka ininom ko na walang pag-aalinlangan. Narinig ko ang hiyawan ng nakapaligid sakin matapos ko uminom.
Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng hilo at nanlabo ang paningin ko, that is when I realized that someone put a drug in the whiskey. Nilabanan ko ang hilo na nararamdaman ko ngayon dahil sigurado ako na hindi maganda ang resulta nito.
Someone approached me and she laid her hands on my shoulder. Lumingon ako sa babae pero hindi ko mamukaan dahil malabo na ang paningin ko.
"Yn?" yan lang ang tanging salita na lumabas sa aking mga bibig. Kahit hindi malinaw ang paningin ko ngayon ay alam ko na nakangiti ang babae.
Is it Yn?...
Hinawakan nya ako sa kamay at dahan-dahan hinila paalis sa inuupuan ko, maya-maya lang ay pumasok na kami sa isa sa mga VIP room ng club. Then suddenly she kissed me while holding the belt of my pants. The kiss is so unfamiliar, it's passionate but empty. Tinulak nya ako sa kama dahilan para mapaupo ako at nagsimula na syang maghubad ng damit.
"Yn..." lumapit sya sakin at hinalikan ako ng paulit-ulit pababa sa aking leeg, napahawak ako sa kanyang beywang dahilan para unti-unti akong magduda. Napaatras sya para hubarin ang natitira na tumatakip sa kanyang kaselanan. That is when I realized that she is not Yn.
Yn is not that kind of girl na huhubad nalang basta-basta. I know the movement of her lips, she is not Yn. I know every inch of Yn's waist, and she is not Yn.
Kaagad ako tumayo para lumabas ng kwarto pero kaagad ako hinawakan ng babae sa kamay.
"Hey, hindi pa tayo nagsisimula" tawag nya sakin.
"Who are you?" I sternly asked.
"I'm Yn...... diba yan ang tawag mo saakin kanina pa" saad nya sakin habang hinahaplos ang dibdib ko.
"Get the fuck away from me, or I'll kill you" mahina ko na saad dahilan para mapaatras sya. I saw fear in her eyes and she run away.
____________________________
★★ bhe exam na sa lunes!!!!! goodluck with star ng pasko hahahapa support ng new tiktok acc ko twilight_0602 dito ako magpopost ng content ng wattpad stories ko (';ω;`)
BINABASA MO ANG
My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]
Romance"No one will know" saad sayo ni Evan habang hawak hawak ang mga kamay mo. You are just a shy girl when you came back from Spain. Noon pa man gustong-gusto mo na ang kaibigan ni stepbrother mo pero hindi nya lang yun basta kaibigan kundi pinsan di...