Chapter 35: Free but Caged

65 12 2
                                    

Yn's pov

Unti-unti akong nagising at ramdam ko ang pananakit ng mga mata ko. Napatingin ako sa kisame dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Napapatanong kung panaginip lang ba ang lahat. Hindi ko inakala na ang tao na pinagkatiwalaan ko ay ang syang tatraydor sakin. Mali ako na ibigay sa sakanya ang tiwala ko.

Bumangon ako mula sa kama at napatingin sa dati ko na kwarto. Malinis at walang bahid ng kung ano ako ngayon. Ito ang kwarto na puno ng pagpapanggap. Pagpapanggap na isa lang akong normal na dalaga na gustong-gusto ang pag-aaral at badoy manamit, pagpapanggap na isa akong masayang anak na kunwari nararamdaman ang pagmamahal ng isang pamilya.

Kung andon ako spain, anak sa labas ang turing nila sakin tapos ganon din pala dito. Grabe gusto kolang mamuhay ng tahimik at yun pa ang kinakaila saakin ngayon.

Matapos ko ayusin ang higaan ay kaagad ako bumaba mula sa kwarto. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si kuya na nag-aayos ng umagahan at si kuya Evan na nakaupo. Napatigil ako banda sa may pintoan hanggang sa una ako napansin ni kuya Evan at sumunod si kuya.

"Come here and eat" saad ni kuya saakin ng hindi man lang ako tiningnan ng diretso. Wala na talagang nangyayari na talaga. Naglakad ako papalapit at naupo. Wala akong balak na lumingon man lang kay kuya Evan dahil malayo na ang loob ko sa kanya.

But he's still my boyfriend....

Hindi, siguro nilinlang nya lang ako at nagpalinlang naman ako... diba ang tanga.

"After this, you need to meet the board of directors after your enrollment in Medical School" kaagad ko binaba ang kubyertos na hawak-hawak ko at napahinga ng malalim.

"I already told you, I don't want a Medical School" sagot ko sa mahinang boses. My brother just sighed after what I had just said.

"Makinig ka..... kung hindi kita madala sa pakiusapan hindi ako magdadalawang isip na
dalhin ka ng puwersahan" napatigil ako sa sagot ni kuya at hindi ako nakasagot.

"Mauuna na ako, tapusin mo yan at maghihintay ako sa kotse" saad ni kuya bago sya tumayo mula sa upuan at umalis. Tanging kami nalang ni kuya Evan ang naiwan sa kusina at ramdam ko na sakin sya nakatingin.

"You should listen to your brother-"

"Bakit ka nandito?" tanong ko dahilan para maputol ang pagsasalita nya.

"I'm here because I'm worried about you" napangiti ako ng mapait dahil sa narinig ko. Nag-aalala sya matapos nya sinira ang pangako na binitawan nya.

What a fake person....

"You should not be worried after you broke your promise" sagot ko naman sa kanya at kaagad nandilim ang muka nya.

"I've never break any promises to you" napatingin ako sa kanya ng diretso sinisiguro na hindi nya dapat mabasa ang nararamdaman ko ngayon.

"Parte ba ito ng plano nyo?" tanong ko sa kanya at unti-unting napatayo sya mula sa pagkakaupo.

"What are you talking about?"

"What am I talking about? you promised me na hindi mo sasabihin sa kanila pero ginawa mo parin" saad ko habang pigil ang galit na nararamdaman ko ngayon.

"Listen to me, wala akong alam sa nangyari" sagot nya sakin. Napatingin ako sa ibang direksyon dahil hindi ko na kaya ang tumingin sa kanya ng diretso.

"Tell me..... yung mga nangyari, totoo ba yun o ginamit ka ni kuya para magawa akong pabalikin dito" napatigil sya sa sagot ko at hindi sya nakapagsalita.

Madali lang magsabi na totoo yun diba?
Pero bakit nahihirapan sya sumagot.

"Nagtiwala ako sayo kuya......" I managed to say while tears is leaking down to my cheeks.

"Yn, makinig ka-

"No hindi na dapat ako makikinig sayo, pati pangarap ko nasira na ng dahil sayo, ayos na sana ang lahat pero sinira mo" napahinga ako ng malalim dahil sumisikip na ang dibdib ko. Napayuko ako at nagdadalawang isip na sabihin ang gusto ko sabihin

"I want to break up with you" huli ko na saad bago ko sya iniwan at hindi na nilingon. Inaamin ko may nararamdaman pa ako kay kuya Evan at mas lalo yung lumago dahil sa matagal ko sya na nakasama. Gusto ko na mawala na ang nararamdaman ko sa kanya dahil alam ko wala itong patutunguhan lalo na at alam ko na marami ang magiging tutol saamin lalo na si kuya.

Paglabas ko ng bahay ay napatigil ako dahil nakita ko si kuya na naghihintay sa kotse at nasa tabi nito ang kotse ni kuya Evan.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at huminga ng malalim bago ako tuluyang naglakad palapit sa kotse kung nasaan si kuya.

Kaagad ako pumasok sa loob ng kotse at tumabi kay kuya na ngayon ay nakatingin ng diretso na para bang wala ako sa tabi nya.

Pinaandar ng driver ang kotse at maya-maya lang ay biglang nag overtake sa sinasakyan namin ang kotse ni kuya Evan.

"You should thank your kuya Evan" napalingon ako kay kiya dahil sa sinabi nya.

"Bakit naman?" I nonchalantly questioned.

"Because he is worried about you" mapait ako na napangiti kay kuya kahit na alam ko na hindi saakin nakatuon ang atensyon nya.

"Diba gusto mo na mawalan ako ng pake sa mga pinsan mo tapos ngayon gusto mo magpasalamat pa ako" mataray ko na sagot at wala na akong narinig mula sa kanya. Ang hirap ng ganito, yung nagpapanggap ka na walang nangyari.

"Why are you crying?" napaangat ako ng tingin at saka kolang napansin na kanina pa pala ako umiiyak, my brother noticed me crying. Napatingin ako sa bintana at naalala naman ang pinag-usapan namin ni kuya Evan kanina.

We just broke up..

"Dahil to sayo" sagot ko kay kuya. Yung totoo, hindi si kuya ang dahilan kundi dahil ito sa desisyon ko na pinagsisihan ko ngayon. Sigurado ako na plano lang nila ang lahat, at talagang si kuya Evan pa. Kaya pala andun si kuya Gab sa Switzerland ng mga oras na iyun.

I'm so dumb to realize na wala palang katotohanan ang lahat ng iyun.....

Yung lalaki na naging kakampi ko noon ang syang nagtraydor sakin....

Makinig ka Yn hindi ka dapat magtiwala sa kanila dahil pwede nila yun gamitin laban sayo....






___________________________
★ voteeeeeeeeeee

Halaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!
Pa support ng official tiktok account ng wattpad account ko which is twilight_0602

My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon