Chapter 4: With him

87 11 3
                                    

:song recommendation Kiss it better by Rihanna.








Yn's pov

Heto ako kasama ni kuya Evan papunta sa bahay ng kuya ko. Seryuso lang sya magmaneho at hindi man lang sya lumilingon sakin. His side profile is so damn gorgeous. How does he manage to stay charismatic without doing anything that makes him.

Mabuti nalang hindi nya napapansin na kanina pa ako nakatingin sa kanya. Mas matanda pa sya kay kuya at hindi yun hadlang para hindi ko sya magustuhan.

Napayuko ako dahil naisip ko na kaylanman hindi ako titingnan ni kuya Evan bilang isang babae na kanyang magugustuhan, para sa kanya ay kapatid lang ang turing nya sakin dahil kapatid ako ng pinsan nya na matalik nya ding kaibigan.

Ang tagal ng byahe at hindi ko alam kung nalibot na ba namin ang buong Pilipinas. Inayos ko ang aking pagkaupo matapos ko na mapagdesisyonan na magsalita.

"Kuya Evan" tawag ko sa kanya sa mahinang boses. Napalingon lang sya sakin.

"10 years po ako sa Spain...." nagdadalawang isip ko na saad at hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang gusto ko itanong.

"Wala ka po bang sasabihin sakin?" tanong ko sa kanya at kahit ako, nahalata ko ang alinlangan sa boses ko.

"What do you mean?" tanong nya sakin pabalik at napahinga ako ng malalim dahil sa lalim ng boses nya. Boses nya lang yun pero grabe ang epekto sakin.

"I mean.... did you even...missed me?" pahina ng pahina ang boses ko at parang narinig nya naman ang tanong ko dahil may mga ngiti ang kanyang mga labi.

Ayan na naman ang kanyang mga ngiti na tila gayuma sa aking mga mata.

Pinatong nya ang kanyang kanang kamay sa ibabaw ng aking ulo habang ang kabilang kamay nya ay nakahawak sa manibela.

"Ofcourse I missed you, you're like a little sister to me" saad nya habang nakangiti at imbes na maging masaya ako ay parang may sa loob sakin na nasaktan.

Little sister, it's a lovely word and it means a lot but it hurts a lot.

Noon sobrang tuwa ko dahil wala akong dugong Vergara at malaya ako na magkagusto sa kanya. Walong taong gulang lang ako noon pero hindi ko inakala na sya parin ang aking gusto kahit na sampung taon na ang nakalipas.

Palagi syang pumupunta noon sa bahay at sinusulit ko talaga kapag nasa bahay sya. Minsan kapag bumibisita sya sa bahay gumagawa ko ng paraan para makausap sya. Kapag umiiyak ako noon dahil kay kuya hindi ko alam bakit sya lang ang nakakapatahan sakin.

Naramdaman ko na inalis nya na ang kanyang kamay na nakapatong sa ulo ko. Maya-maya lang ay dahan-dahan ng tumigil ang kotse at mula sa kotse ay nakikita ko ang isang malaking bahay na nag-iisa sa gitna ng gubat kulang nalang pati si tarzan isama namin dito.

Lalabas na sana ako ng kotse pero agad nya akong napigilan sa pamamagitan ng paghawak nya sa kamay ko na tinatanggal ang seatbelt. Napatigil ako sa ginawa ni kuya Evan at sobrang bilis ang tibok ng dibdib ko. Napansin nya ang reaksyon ko at inalis nya kaagad ang kanyang kamay na nakapatong sa aking kamay.

"Magagalit ang kuya mo kapag nalaman nyang nandito ka na kasama ko" he said it in a low voice and it made me confused.

"Bakit sya magagalit, diba malapit naman kayo sa isa't isa" inosenteng sagot ko sa kanya pero napabuntong hininga lang sya.

"What will you're brother think if he knew that his sister is with a man?" tanong nya sakin at nalinawan naman ako.

"He will be mad" nakayuko na sagot sa kanya. Tama, pinagbabawalan ako ni kuya na hindi makipagkilala o makita ang mga pinsan nya saka mga kaibigan pero hindi ko alam kung bakit.

"Stay here" napalingon ako kay kuya Evan dahil sa sinabi nya.

"Ako lang ang pupunta doon at ibibigay ko to" saad nya sakin na may tipid na ngiti sa kanyang mga labi.

"And one more thing..." dagdag nya na saad bago nya nilapit ang kanyang katawan saakin at amoy na amoy ko ang pabango nya. Marahan nyang tinanggal ang salamin ko sa mata saka nya tinanggal ng marahan ang tali ko sa buhok. Ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko sa likod ng aking leeg dahil sumagi ang daliri nya saking tenga. Ngayon ay nakababa na ang aking buhok at malabo ang paningin.

"Just stay here" saad nya dahilan para mapatango ako kahit hindi ko sya makita ng maayos at sigurado na pulang-pula na ang pisngi ko ngayon.









Evan's pov

Dahan dahan ko na isinara ang pinto ng aking kotse bago ako naglakad palapit sa bahay ni Sev habang dala-dala ang lunch box.

Kaagad ako nag doorbell sa bahay ni Sevhastian at wala pang isang minuto ay binuksan nya na ito.

"Bro, what are you doing here?" tanong nya saakin at napatingin sya sa dala-dala ko na lunch box. Binigay ko sa kanya ang dala ko.

"Pinapabigay ni tita Silvia" saad ko sa kanya at tumango lang sya.

"Wait, anong ginagawa mo sa bahay ni mama?" tanong nya sakin.

"Hinanap kasi kita at akala ko andun ka, bakit kasi hindi ka sakin nag reply kung nasan ka" pagrereklamo ko sa kanya at natawa lang sya sakin.

"Ano ba kailangan mo?" tanong nya sakin at dito lang ako napaisip na masyado ako natagalan sa bahay nina tita at wala ng oras para sa pakay ko talaga kay Sev dahil alam ko na hinihintay pa ako ni Yn sa kotse.

"Natagalan kasi ako sa bahay ni tita, masyadong gabi na siguro bukas nalang" saad ko sa kanya sabay tapik sa balikat nya.

"But it's around 9 PM and you usually goes home at 11" saad nya sakin habang nakataas ang isang kilay nya. Totoo, halos andito na ako sa bahay nya palagi at palaging nasa alas-onse ng gabi ang uwi ko sa bahay.

Sigurado mapupuyat ang kapatid mo Sev...

"My personal assistant called on my phone earlier, she said there's a little bit of problem in my company" saad ko habang tinitingnan sya ng diretso sa kanyang mga mata. Ito ang pinakauna na nagsinungaling ako kay Sev dahil sa stepsister nya. Tumango kang sya sakin pero agad ako napatigil ng lumingon sya sa kotse ko at nakita nya si Yn. Fuck....

"Who's with you?" binalik ko ang aking atensyon kay Sev na ngayon ay nakatingin na sakin. Kaya ko tinanggal kay Yn ang salamin at tali nya sa buhok para hindi sya makilala ng kuya nya sa malayoan.

"Just my...." nag-iisip pa ako ng pwede isagot sa kanya.

"You're new girl?" tanong nya sakin at nagkunwari ako na napatawa sa sinabi nya.

Kapatid mo sya Sev at wala akong balak na magalit ka sakin....at kapatid lang turing ko sa kanya.

"Kakilala ko lang" sagot ko sa tanong nya at tumango lang sya. Matapos ng ilang minuto na pag-uusap namin sa ay nagpaalam na din kami sa isa't-isa.

Pagbalik ko sa kotse ay kaagad ko kinuha ang salamin ni Yn at ako mismo ang nagsuot nun sa kanya. Kaagad ko na pinaandar ang kotse para maiuwi kaagad si Yn. Mahirap na baka mamaya tumawag si Sev sa bahay ni tita at tanungin kung tulog na si Yn tapos sabihin na kasama ko. Sigurado sira pagkakaibigan namin ni Sevhastian.

Habang nagmamaneho ako ay hindi kona naririnig si Yn na umiimik at paglingon ko sa kanya saka ko lang nalaman tulog na pala sya. Napangiti ako ng makita ko ang mala anghel nya na itsura habang natutulog pero unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi ng dumapo ang mga mata ko sa kanyang dibdib papunta sa kanyang hita. Nakabukas ang dalawang butones ng damit nya dahilan para makita ang cleavage ng kanyang dibdib tapos yung palda nya ay hindi nakaayos dahilan para makita ang balat ng kanyang hita.

When my eyes lingered on her legs it's soft like a porcelain. Kaagad ko na binalik ang aking atensyon sa pagmamaneho at linakasan ko ang aircon level ng kotse para mahimasmasan ako sa iniisip ko.

_________________
Vote for this chapter ᕙ⁠ ⁠(⁠°⁠ ⁠~⁠ ⁠°⁠ ⁠~⁠)

Ayan na bhe, sisiguradohin ko na mas magiging grabe to keysa kay khairo ehehehe....

Next chapter loading up...

My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon