Chapter 38: Trauma

57 12 3
                                    

Yn's pov

His breath caressed my cheek making me want to hug him. I want to hug him tight then say that I am sorry. Kaya nga lang natatakot na ako magtiwala, kasi ayuko na tumanggap ng pangako mula sa kanya. I look at him on his eyes and I actually couldn't say the next word that I need to utter. Napahinga ako ng malalim sa pagkakaalam na nagsisinungaling ako ngayon.

"H-hindi na kita mahal" his eyes immediately softened, softened because of pain. Napangiti sya, mga ngiti na noon ay palagi kong ginagamit sa harapan nya, mga pekeng ngiti.

"You're lying" saad nya sa mahinang boses dahilan para mapatigil ako.

"Ngayon na sinabi kona tapos sasabihin mo na nagsisinungaling ako" kaagad ko na salita at tumalikod sya sakin para isara ang pinto at para ma e-lock ito. Humarap ulit sya sakin, seryuso ang muka nya at walang bakas ng ibang emosyon. Unti-unti syang lumapit sakin.

"Sabihin mo...... may nagawa ba ako? may nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan? may kulang ba sakin?"

"Dahil ayaw ko na magtiwala ulit sayo" napahinto sya sa pagsasalita dahil sa sinabi ko.

"Diba pinangako mo sakin na bibigyan mo ako ng oras na makapag-isip, sa pag-uwi ko?" tanong ko sa kanya.

"Wala akong alam sa nangyari, trust me" he softly replied while looking at me softly. His Doe eyes meet mine making me want to kiss him right now.

Unti-unti syang gumalaw para hawakan ang aking kamay pero kaagad ako umatras palayo sa kanya.

"Please my little angel...." kaagad ako nanghina matapos ko syang marinig na bitawan ang mga katagang iyun. His voice was so gentle, gentle like a song, gentle like a melody of a song.

"Magmula ngayon, kilalanin mo na po ako bilang kapatid ng pinsan mo, kilalanin mo po ako bilang stepcousin mo" saad ko sa kanya at mapait syang napangiti.

"No, don't say that" sagot nya sa pabulong na boses pero narinig ko parin.

"Pinagsisihan ko ang pagkatiwalaan ka..... pinagsisihan ko din na minahal kita" huli ko na saad sabay lakad paalis sa harapan nya. Wala akong nakita na kahit ano na reaksyon na nagmula sa kanya. Kaagad ako umalis sa silid at ng nakaalis na ako, doon kona iniyak lahat-lahat. Ang hirap pala ng ganito, yung gusto ko lang na maramdaman kung paano mahalin kasi lumaki ako na palaging may kahati sa pagmamahal.

Bigla ko naalala ang lahat, yung nasa Switzerland kami. Yung kung paano nya ako tinanong na maging girlfriend nya, yung kung paano nya ako yinakap at alagaan habang may dalaw ako. Yung kung paano nya sakin iparanas na karadapat-dapat akong mahalin ng ganun. That is when I realized that it was fake, because my brother used him to find me.

Pinunasan ko ang aking mga luha at naglakad ako papunta sa likod ng bahay namin kung saan kami dapat mag-aagahan. Andun sila sa mahaba at malaking mesa, kami nalang ang hinihintay. Umupo ako katabi ni kuya at pag-upo ko saka din dumating si kuya Evan. He looked so cold and empty as if like nothing happened. Parang hindi sya apektado.

Heto ako tahimik na kumakain habang nakikinig sa pinag-uusapan ng mga nakakatanda saakin.

"Balita ko andito daw si Sandra" narinig ko na saad ni kuya khairo.

"Eh? Tapos hindi nya man lang tayo dinadalaw" reklamo ni kuya Ace.

"Don't worry pupunta daw sya, pero para lang sa isang tao" natatawa na saad ni kuya Gabrielle at nakita ko kung paano napahinto sa pagkain si kuya Evan.

"Edi sino pa, edi si kuya Evan" nakangiti na saad ni Ricky sabay tukso sa kanya ng lahat. Biglang humigpit ang hawak ko sa tinidor at kutsara.

"Naalala mo Evan, yung time na sinabi mo samin na sya na yung papakasalan mo" tipid na nakangiti si kuya Evan na para bang wala ako sa kanyang tabi. Nakaupo ako sa gitna nila ni kuya Sev.

"Oo, tapos yung first kiss nyo ano.... ano daw yun?"

"Taste like vanilla daw haha"

"What if maging kayo ulit ni Sandra kapag nagkita kayo?"

"She's a famous model now, kung ako sayo kumilos kana"

"Teka diba tinago mo yung kwintas na binigay sayo ni Sandra?"

"Ahh yung kwintas na may picture nila ni Sandra"

"Diba sya ang first mo?"

Heto ako nakayuko nakikinig parin sa kanila. Pero hindi ko narinig si kuya Evan na makipag-usap sa kung sino man ang Sandra na iyan.

Nagseselos ba ako?...

No hindi dapat!!

So which mean ang sandra siguro ang tinutukoy nya na naging first love nya noon. I know that first love never dies. Siguro kung pipili sya, mas pipiliin nya yung famous model na Sandra kaysa saakin na lampa at pabigat tapos Anak pa sa labas.

Nabitawan ko ang hawak-hawak ko na tinidor at kutsara at mahigpit ako na napahawak sa upuan. Napahinto nalang ako bigla ng hinawakan ni kuya Evan ang aking kamay habang nakikipag-usap sya sa iba. Nasa ilalim ng mesa ang magkasiklop na mga kamay namin, mahigpit ang pagkahawak nya saaking kamay pero malambot at marahan. Hindi ko alam pero napakalma nya ako sa pamamagitan lang ng paghawak sa aking kamay.

Napatingin lang ako sa kanyang imahe, seryuso syang nakikipag-usap sa mga pinsan nya habang marahan na hinihimas ng kanyang hinlalaki ang ibabaw ng aking kamay. Gusto ko syang paniwalaan pero natatakot na ako. Ramdam ko ang init ng kanyang mga palad sa aking kamay. Palagi ko noon na pinapangarap na sana ay hagkan nya ang aking kamay ng higit pa sa pagtingin ng isang kapatid, ngayon na nararanasan kona ay natatakot na ako magpatuloy.

It feels like an slow motion when I stared at him. He didn't change, he is still effortlessly handsome and charismatic in any angle. I want to hate him but I really can't, I want to be mad at him but I actually can't.

Ang hirap, kasi alam ko na kahit mahalin ko sya ng paulit-ulit, paulit-ulit din ang tutol ng lahat saamin at ayuko sumugal sa walang kasiguradohan.

Nakakatakot ang masaktan....

If lying was the best thing to protect myself, I'll do it.


________________________
★★★ awwweeee na trauma na si Yn bhe..

My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon