Chapter 52: She's back

24 8 0
                                    

Yn's pov

It's new morning, new day, new happenings in life. Kusot kusot ko ang aking mga mata pababa sa living room mula sa kwarto ko. Dumiretso ako kaagad sa kusina at napansin ko na wala na ang mga flyers ko na nakadikit sa pinto ng fridge. Hays order sana ako ng kape.

But something captured my attention, a simple note on the fridge, note from Evan.

______________________________________________

May pagkain sa fridge for breakfast mo and wag puro order, ok? May mga gulay ako na binili andyan sa fridge, alam ko na marunong ka magluto tamad ka lang,
and DON'T BE LATE pag may pasok ka!!

from: your bambi :⁠-⁠)

_____________________________________________

Napangiti ako ng mabasa ko ang sulat kamay ni Evan, binuksan ko ang fridge at puno nga ito ng laman. May sa angkol din pala si Evan.
Napatingin ako sa iba't ibang sulok ng bahay at napansin ko na malinis. Hindi ako naglinis, pero bakit malinis?

Pagdating ko sa school ay kaagad ako pumunta sa opisina ni kuya para batiin sya, hindi nya kaarawan o ano, basta gusto ko sya batiin.

"Kuya~" pati si kuya natigilan dahil sa pakanta ko na pag tawag sa kanya. He has this confuse look in his eyes. Napansin nya siguro na bigla ako bumait.

"Good morning, hindi ako late" pagbati ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi at kaagad din naman ako tumalikod para umalis sa loob ng silid. Nakangiti ako na bumabati sa mga propesor na nadadaanan ko. Pagpasok ko sa classroom namin ay mukang napansin din ng mga kaklase ko na iba ang kilos ko ngayon.

"Ay andyan na ang bobo, tyamba lang naman yung makapasa sya sa exam" napatigil ako sa pag upo dahil sa narinig ko, walang iba kundi si Thea. Huminga ako ng malalim at nakangiti na liningon sya.

"Sino'ng bobo?" inosente ko na tanong habang nakangiti pa rin, lahat ng kaklase namin ay saamin nakatingin.

"Ummm ikaw?" nakataas ang kilay ni Thea sakin na ikinulo ng dugo ko. Kahit papano ay nagawa ko pa rin na ngumiti sa harap nya.

"Hays minsan kailangan din natin tanggapin sa buhay na may mas magaling satin minsan o di kaya palagi" sagot ko sa kanya na mukang naiirita, wala pa ang propesor namin.

"Kaya nga lang kailangan matanggal ang mga immaturities sa utak ng tao" dagdag ko na paliwanag sa kanya na ngayon ay parang naguguluhan.

"Ha?" mukang hindi nya ata ako naintindihan.

"Sa haba ng sinabi ko, wala kang naintindihan?" tanong ko sa kanya habang may pilyo na ngiti sa aking labi. Tinaasan nya lang ako ng kilay at nakakunot ang noo.

"Ganito, kailangan mo talaga ng brain surgery" huli ko na saad bago ako tumalikod sa kanya.
Narinig ko ang mahina na tawanan ng aming mga kaklase.

"What the heck, brain surgery? Ano ako? May sakit sa utak para mag pa brain surgery?" she immediately said, ngayon ko lang talaga to pinatulan. Humarap ako sa kanya na kunwari ay nagulat ako.

"Oh my god, may sakit ka sa utak? Girl anong stage? Oh my gosh wag mo sabihin na stage four kana, malala yan girl" saad ko sa kanya na kunwari ay naaawa ako sa kanyang kalagayan. Kita ko kung paano umusok ang ilong ni Thea sa galit dahil sa tawanan ng aming mga kaklase. Hindi na sya naka rebata sakin kasi dumating na ang propesor namin, masama lang sya na nakatingin sakin na ngitian ko lang.



My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon