Chapter 40: Still get jealous

58 14 4
                                    

Yn's pov

It's another new day in Medical School. Marami akong naririnig sa mga estudyante dito tungkol saakin. My brother owned this school, they said that my brother is a genius and obedient so why I can't be like him. Sabi nila masyado ko daw inaabuso ang mga teachers dito kasi hindi nila ako pwede ibagsak. Actually mabuti nga iyun e, kasi may tyansa na ako na lumipat ng Law school.

"Ok class you may all proceed into our laboratory for demonstration" nahimasmasan ako sa kakaisip ng kung ano-ano ng marinig ko ang teacher namin. Napabuntong hininga ako na tumayo mula sa kinauupuan. Habang nag sisialisan ang mga estudyante sa kanilang upuan ay may narinig ako na babae na bumulong sa mga kasamahan nya.

"Alam mo, nakakahiya lang na naging kapatid sya ni Professor Vergara, walang binatbat bobo pala" mahina silang nagtawanan matapos magsalita ng isa. Syempre hinayaan kolang sya, mabuti nga iyon na magkalat ang ganun tungkol sakin at sana makarating kay kuya. Alam ko makakaalis ako dito at itutuloy ang pagiging Attorney-at-law.

Pagdating namin sa laboratory locker ay nagsuot na kami ng gloves and white mascots. Kaagad kami pumasok sa laboratory area, ngunit hindi namin inasahan ang mangyayari.

"Bago tayo pumasok, I need to announce something" panimula ng teacher.

"This will serve as your examination" nagulat ang lahat matapos nila marinig ang aming guro. Syempre hindi na sakin yun bago kasi handa na ako na ibagsak ang exam na ito.

"Pustahan tayo, bagsak na naman dito si Yn" napalingon ako sa tagiliran ko matapos ko iyun marinig. It was Thea, she is a top notcher in our School. Palagi syang nangunguna sa lahat, sa lahat-lahat. Tapos ako naman ito ang natutulog lang sa loob ng klase. Simula noong pumasok ako sa Medical School ay hindi ako nakikipag-usap sa mga estudyante dito. Minsan sinasabi nila na weird at creepy daw ako tignan pero wala akong pake.

"Before we officially enter this laboratory, there is someone in this lab and it's the judges... they're going to approve if you're pass or not" dagdag na saad ng teacher. Binuksan na ng aming guro ang pintoan at naka linya kaming lahat na pumasok.

Kaagad na tumambad saamin ang mga hurado na nakaupo sa likod ng mahabang mesa. Kaagad ako nakaramdam ng kaba ng malaman ko na isa sya sa mga hurado.

"Class, this judges, has a significant background in Medical Sciences" nakangiti na pakilala ng aming guro sa kanila.

"This is Mr Jade Amaro, he is a Medical Master Teacher" ngumiti saamin ang sinasabi ni Mam na Mr Jade. Pagkatapos pinakilala ng aming guro ang apat na hurado ay kaagad nya saamin pinakilala ang susunod at ang pinakahuli.

"This is Mr Wiliam Ace Vergara, he has a background of a Bachelor of Medical Science in United States. Napapalakpak ang lahat at ngumiti sakin si kuya Ace pero hindi ko pinansin. Ngunit ng lumingon ako sa katabi nya ay pakiramdam ko tumigil ang lahat na nakapalibot sakin. The way he look at me, yung tingin kung paano nya ako tinitingnan dati. Napalingon nalang ako sa ibang direksyon para maiwasan ang mga mata nya na mapanlinlang.

"Our last judge, Mr Evan Vergara has also a background of a Bachelor of Medical Science and Philosophy in Italy" saad ng teacher dahilan para magpalakpakan ang lahat. Napalingon ako kay Thea na bumubulong sa kaibigan nya.

"Alam mo si Sir Evan, hinatid ako last week sa bahay namin" kinikilig na saad ni thea sa kanyang katabi. Rinig na rinig ko ang lahat dahil isang dangkal lang ang layo ko sa kanila.

"Liniligawan ka?" tanong ng kaibigan nya.

"Ano ka ba, ganun na yun" saad nya habang nakangiti. Hindi ko alam pero parang uminit ang ulo ko ng marinig yun. Hindi ako nagalit sa mga masasama na sinasabi nila tungkol saakin pero hindi ko alam bakit nagagalit ako ngayon.

My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon