Chapter 16: Completely fall

70 9 4
                                    

Yn's pov

"Saan ka ngayon nakatira?" tanong nya sakin na para bang walang nangyari na alitan sa pagitan namin.

"Bakit ko naman po sasabihin sa inyo?" tanong ko pabalik habang may sarkastikong ngiti saaking mga labi.

"Kailangan kolang malaman kung saan ka nakatira" saad nya pabalik saakin.

"Pano kung hindi ko sabihin?" tanong ko pabalik dahilan para magkaroon sya ng kunting ngiti sa gilid ng kanyang mga labi.

"Gusto mo ba na malaman to ng kuya mo?" tanong nya pabalik dahilan para mandilim ang aking muka. Ngayon ay ginagamit nya si kuya laban sakin.

"Fine sasabihin kona" sagot ko sa kanya at tanggap kona ang pagkatalo.

"Dalhin mo ako kung saan ka nakatira" kaagad ako napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya. Talaga bang seryuso sya sa saad nya sakin.

"I just want to make sure if you're safe there" dagdag nya na saad. Ayan na naman sya, pinaparamdam nya naman sakin na mahalaga ako tapos mamaya biglang mawawala.

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya at hinawakan nya nalang ako sa kamay tapos marahan nya akong hinila palabas ng office. Halos pinagtitinginan kami ng mga estudyante na dinadaanan namin, halos lahat ng babae na nadadaanan namin ay napapatingin kay kuya Evan. Sinubukan ko na kumawala sa kamay nya pero mas lalo nya pa ito na hinigpitan.

Paglabas namin ng building ay diretso kami sa parking lot kung nasaan naka parada ang kotse nya.

Sa driver seat nya ako pinaupo habang sya naman ay nasa passenger seat katabi ko.

"Ako yung nagmamaneho?" tanong ko sa kanya at ngumiti sya sakin.

"Ituturo mo sakin bahay mo o sasabihin ko to kay kuya mo" saad nya sakin at ito na naman sya ginagamit nya naman si kuya. Hindi na ako nakapagsalita at pinaandar ko na ang kotse nya.

Matapos ng ilang minuto na pagbyahe ay nakarating na din kami. Inabot din kami ng ilang minuto sa paglakad papunta sa condominium ko. It's a VIP condominium kaya nasa pinakatuktok ito ng building.

Pagdating namin sa condominium ko ay kaagad ko binuksan ang pinto gamit ang passcode at swipe card ko.

"Dito ako nakatira" I bluntly said to him and he walks in the room making me flinch a bit.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko at napatigil ako bigla ng yumuko sya at may binulong saaking tenga at dito ko nasabi na pamilyar talaga ang boses nya.

"Making sure that you are safe" bulong nya nya sakin at kaagad ako lumayo sa kanya. His voice was husky and low, it made me weak a bit.

Ngunit hindi parin mawala sa isip ko yung babae na sinasabi nya at maraming katanungan ang aking isip.

Maganda ba sya?
Sexy ba sya?
Makinis, matalino, matangkad at mayaman ba sya?

Hindi ko alam kung kaylan masasagot ang mga katanungan kong ito. Hindi ko din alam kung hanggang kaylan ko kaya magpanggap sa harapan ni kuya Evan na wala akong nararamdaman sa kanya. Hanggang ngayon napapatanong parin ako kung kaylan mauulit ang halik na naranasan ko sa kanya.

"Pwede kana po umalis, nakita mo na tinitirhan ko" saad ko sa kanya.

"Saan ka kumuha ng pera?" biglaan nyang tanong dahilan para mapatigil ako at hindi ko din alam kung ano isasagot ko sa kanya.

"You used a gold swipe card which means that this condominium is a VIP one, so where did you get money to paid for this?" tanong nya sakin na para bang alam na alam nya ang lahat. Kahit anong mangyari hindi ko sasabihin sa kanya kung bakit.

"Online games or car racing? or both?" napatigil ako sa sinabi nya. Napapaisip ako ngayon kung paano nya nalaman ang lahat ng yun at sa pagkakaalam ko wala akong pinagsabihan kung saan ako kumukuha ng pera.

"Pag sinabi ko na hindi-"

"Nagsisinungaling ka" madalian nyang sagot dahilan oara maputol ang pagsasalita ko. I don't have any choice but to say yes to him.

Hindi ako nagsalita at mas pinipili ko na wag sabihin sa kanya, dahil kapag nalaman nya maaring sabihin nya kina kuya at mama.

"So you'll not gonna talk?" tanong nya sakin at nagsimula na syang naglakad papalapit saakin dahilan para mapaatras ako hanggang sa naramdaman kona lang saaking likuran ang pader, ibig sabihin hindi na ako makakaatras pa.

Dahan-dahan sya na lumapit saakin at halos natatakpan nya na ako dahil sa tangkad nya at sa lapad ng kanyang balikat. Napakalapit nya sakin at amoy na amoy kona ang pabango ni kuya Evan.

Hanggang sa nalaman ko nalang na unti-unti na nyang hinihimas ang aking braso dahan-dahan papunta saaking balikat.

"Doon ka ba kumukuha ng pera?" tanong nya sakin habang nilalakbay ang kanyang mga kamay sa aking braso at napasinghap nalang ako ng maramdaman ko ang kanyang kamay sa likod ng aking balakang. Bumilis ang aking paghinga hanggang sa hindi kona lang namalayan na bumuka na aking bibig para magsalita.

"Oo" kaagad tumigil si kuya Evan sa kanyang ginagawa at lumayo sya sakin at saka ko lang nalaman na naisahan nya ako. He tricked me, he used psychology trick. He used his body to trick me.

When people felt sensation in body, people can't think properly and no other choice but to say the truth.

"Bibigay ka din pala" saad nya habang may kunting ngiti sa kanyang labi at napaupo sya sa malapad na sofa. Para akong tanga na naiwan sa pader iniisip kung pano yun nangyari. He is a smart one...... masyado ko syang minaliit. Kung magsalita sya parang wala syang ginawa sakin.

"Kaylan ka babalik kay kuya mo?" biglaan nyang tanong dahilan para matauhan ako.

"I'm independent now, I don't need him" saad ko bago ako pumunta ng kusina para humanap ng makakain. Pagbukas ko ng refrigerator ay parang nahimasmasan ako ng makita ko ang strawberry at chocolate na nasa loob. Kaagad ko ito kinuha at linagay sa mesa. Paglingon ko sa counter ay andun na pala sya nakaupo, sinundan nya pala ako.

"Ano ba talaga pakay mo sakin kuya?" inosenteng tanong ko sa kanya.

"I'm sorry" tanging salita na lumabas mula sa kanyang mga labi.

"Sorry para saan?" tanong ko.

"Sa mga nasabi ko sayo bago ka umalis" sagot nya saakin sa mababang tono ng boses.










Evan's pov

"Hindi mona po kailangan mag sorry, tapos na yun" she answered me with innocence in her eyes, and I really don't know what to do knowing that she is rainywinter.

"And about.... the time that we kissed?" tanong ko sa kanya at kita ko ang pagngiti ng kanyang labi.

"Opo malinaw na sakin, walang ibig sabihin yun" napakurap ako sa sinabi nya sakin. Ako mismo ang nagsabi sa kanya ng mga salitang iyun pero hindi ko inakala na masasaktan ako ng ganito. Putangina, talagang nahulog na ako ng tuluyan sa kapatid ni Sevhastian.

"Pwede ko paba bawiin ang sinabi ko dati?" tanong ko sa kanya.


__________________
Vote for this chapter (⁠'⁠⊙⁠ω⁠⊙⁠'⁠)⁠→

Ehem ehem eyy ka muna eyy....

My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon