Yn's pov
I patiently waited outside whilst spacing out. Iniisip na baka nag-away na sila ng hindi ko nalalaman. Maya-maya lang ay unti-unti ng bumukas ang pinto at lumabas si kuya Evan. He has this cold expression on his face but he immediately smiled after he sees me.
"What happened?" kabado ko na tanong sa kanya. He slowly spread his arms waiting for me to hug him.
"Maging mabait daw ako sayo..." hindi ko mapigilan ang mapangiti at yinakap sya ng mahigpit na mahigpit. Hindi ko inakala na yung kinatatakutan ko ay hindi naman pala nakakatakot kung susubukan ko.
"He said yes? Absolutely yes?" tanong ko dahil hindi parin ako makapaniwala. After what we've been through on keeping this secret, now we can love each other without any thoughts that runs in our mind.
Unti-unti ako na bumitaw sa kanya at tumingin sa kanya ng diretso.
"Talaga ba na pumayag sya?" tanong ko ulit sinisiguro na hindi ako nananaginip.
"Oo nga" nakangiti nya na saad sakin.
"Walang kapalit?" tumango lang sya sa tanong ko dahilan para mapatalon ako ng kaunti. Narinig ko ang bell na tumunog, oras na para magsimula ang klase namin. Dahan-dahan ako na lumayo sa kanya at nakangiti na tumalikod para tumakbo sa classroom namin, napatigil ako sa pagtakbo at lumingon ulit sa kanya.
"Sa bahay ka mamaya mag dinner!" sigaw ko habang nakangiti at bakas din sa kanyang mga labi ang ngiti, masaya ako na tumalikod ulit sa kanya at pa talon-talon na naglakad papasok ng classroom namin.
Evan's pov
Hindi ko maitago ang aking ngiti ng makita ko sya na masaya dahil sa balita na sinabi ko sa kanya. My smile slowly faded away when I remember the conversation with Sevhastian's lately. I should face the consequences. I immediately shrug away my negativeness, I should cherish every moment with her. Susulitin ko na talaga.
Kaagad ako dumiretso sa bahay na tinutuluyan ni Yn, hindi ko na sya hinintay kasi kailangan ko maghanda. Mabuti nalang iniiwan nya yung susi sa ilalim ng paso at nakapasok ako sa bahay ng walang kahirap-hirap. I immediately tap the switch on button of the lights.
Feels like deja vu.....
Day off kasi ngayon ng mga katulong kaya walang tao dito ngayon maliban sakin. Kaagad ko hinubad ang jacket na suot-suot ko at nagsimula na maglinis. Halos naubo-ubo pa ako sa mga alikabok, grabe dalawang araw palang na wala dito mga katulong pero parang isang dekada na kaagad ang alikabok.
Hindi ba sya naglilinis?...
Red flag kaagad....
Charot lang, siguro sa sobrang busy nya ay hindi na nya namamalayan ang dumi ng bahay. Tiningnan ko ang refrigerator at wala akong ibang nakita kundi langaw na lumabas mula sa fridge.
Hanep parang evacuation center bahay ng bata na to, walang kalaman-laman ang fridge... saan sya kumakain?
Pagsara ko ng fridge ay may nakadikit na mga food flyers sa pinto nito. Ah so, kapag gutom sya ay order lang sya ng order. That's not good, she must eat healthy foods at her age.
Binuksan ko ang lahat ng bintana at inaayos ang kurtina. Grabe na to, naging half katulong na ako. 3 in 1, racer na, CEO pa tapos may pagka katulong pa. Hays iba talaga pag naging mabait ako.
Habang pinapagpag ko ang mga unan ng sofa ay napaubo ako sa alikabok. Sinubukan ko din na linisin ko pati ang kwarto nya.
"Oh fuck" kaagad ako lumabas ng kwarto nya sabay lock nito dahil sa mga nakita ko. What the fuck, her bra is everywhere. No, I'm not gonna clean her room, sumusobra na sya. Bumaba ako mula sa ikalawang palapag ng marinig ko na tumunog ang doorbell ng bahay. I immediately open the door to meet the delivery guy. Nag order ako sa foodpanda, ng mga pagkain na may halo na mga veggies. Bumili rin ako ng mga ingredients at pinuno ko na din pati fridge nya, para kahit papano may silbi yung refrigerator, diba?
Various of food ang mga linuto ko. It's adobo'ng manok, kimchi stew, steamed veggies para healthy, and ofcourse her favourite, torta'ng talong with itlog. Nagluluto ako habang nakikinig ng kanta ni Taylor swift, which is sparks fly.
"Drop everything now, meet me in the pouring rain, kiss me on the sidewalk, take away the pain" hindi ko mapigilan ang sumabay sa kanta at sumayaw habang nagluluto. So, this what's love makes me.
Syempre hindi lang basta basta na nagluto ako dito. Bago ako nagluto ay nanood mona ako ng mga anim na cooking tutorial. Kaagad ko hinugasan ang mga ginamit ko sa pagluluto, medyo magulo kasi tignan yung kusina.
Matapos ko magluto ay kaagad ako naligo at nagbihis, mabuti nalang parati ako naka red alert. May dala ako na damit dahil alam ko na pagpapawisan ako sa paglilinis ng bahay. Kulang nalang pati bubong linisan ko pa.
I immediately made my way on the sofa to open the TV and watch some shows, kakatapos ko palang kasi prepare ng lahat.
I hope it all goes smoothly just what I thought.Nakasuot lang ako ng simpleng pang bahay, just a white tee shirt with bears printed and a brown shorts below. See, nagmuka ako na manong....
Grabe ang ganda pala ng bahay nila Yn kapag na linisan. Unti-unti ko naalala ang pinag-usapan namin kanina ni Sev at nakaramdam ako ng kirot ng maalala ko yun. Halos buwan na ang nakalipas na wala si tita Sylvia at hindi alam ni Yn.
Napahilamos ako sa aking mga palad dahil sa mga mangyayari di kalaunan. I am doing this for her own good, right?
"Right Evan, ginagawa mo to para sa kanya..... all you need to do is to make her happy and cherish all your moments with her" saad ko sa sarili at tipid na napangiti. My mind suddenly went black when I heard the doorbell ring twice. Maya-maya lang ay pumasok si Yn, iniwan ko kasi na bukas ang pinto para sa kanya. She immediately run towards me and hug me. Napahiga ako sa sofa dahil sa higpit ng yakap nya.
"Baby, wag dito... don tayo sa kama ng kwarto mo, mas komportable don" I whispered on her ears and she immediately back away from me and hardly slap my shoulder causing me to....
"Ouch" saad ko habang hinihimas ang balikat, grabe maka react napaka OA.
"OA mo ang hina kaya nun" sagot nya sakin sabay upo sa tabi ko at nanood sa TV.
"You should not slap my shoulder that hard.." I pouted in a baby voice.
"Kung sayo ko kaya gawin yun" rebata ko sa kanya at matalim lang sya na tumingin sakin.
"Sige try mo" she nonchalantly replied. I mischievously smiled to her and lean forward.
"Sige ba, pero hindi sa balikat...." sagot ko sabay dapo ng aking mga tingin sa kanyang dibdib pababa sa pagkababae nya dahilan para itulak nya ako palayo. Her cheeks flush in red after she pushed me away. Nahulog ako sa sofa dahil sa ginawa nya.
Wala kang awa.....
Napaupo ako na napahilot sa balakang dahil sa pagbagsak ko. Kahit kaylan mapanakit talaga sya.
"Teka, bakit nauna ka dito?" tanong nya sakin dahilan para mapatigil ako sa paghilot ng balakang ko.
"Hays, hindi pa ako nakapag luto... dito ka pa naman kakain" reklamo nya habang nakatingin sa ibang direksyon. She looked so cute when she said, her dimple was showing up on her cheek.
"Don't worry about that" saad ko sa kanya. I slowly stood up and hold her hands to guide her.
"Anong ginagawa mo? Saan tayo pupunta?" tanong nya sakin.
"On the rooftop..." sagot ko sa kanya.
__________________________________________
Vote ( ꈍᴗꈍ).....
Shersh... blush malala
BINABASA MO ANG
My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]
Romance"No one will know" saad sayo ni Evan habang hawak hawak ang mga kamay mo. You are just a shy girl when you came back from Spain. Noon pa man gustong-gusto mo na ang kaibigan ni stepbrother mo pero hindi nya lang yun basta kaibigan kundi pinsan di...