Chapter 21: Convince her

58 10 3
                                    

Yn's pov

I was having my dinner but I heard something from the glass sliding door of my balcony. Kaagad ako pumunta ng balkonahe at nakita ko sa sahig ang maliliit na bato na nakakalat.

"Yn" Kaagad ako napatingin kung saan nanggaling ang boses na tumawag sakin at saka ko lang nalaman na si kuya Evan pala. Nada balkonahe din sya, magkaharap ang balkonahe namin pero malayo.

"What?" tanong ko habang nakahawak sa aking beywang ang aking mga kamay.

"Pwede ba dyan pumunta?" tanong nya pero kaagad ako tumanggi.

"Parang may naiwan ka kasi sa kotse ko kanina" saad nya dahilan para maalarma ako. Saka kolang naalala na kanina ko pa hindi makita ang Diary ko. Kaagad ako tumakbo palabas sa condominium ko papunta sa condo ni kuya Evan at nanalangin ako na sana hindi nya binasa ang Diary.

Kaagad ko nabuksan ang pinto dahil alam ko ang door password, at kaarawan ko iyun. Hanggang ngayon hindi ko pa alam bakit birthday ko ang passcode ng condominium niya.

Pagpasok ko ay kaagad ko sya pinunta sa balkonahe na ngayon ay nakaupo habang nagkakape.

"Asan na?" tanong ko pero nasa cellphone parin ang atensyon nya.

"Ang alin?" tanong nya sakin pabalik at di nya man lang ako nilingon.

"Yung kung ano man ang naiwan ko sa kotse mo" saad ko na naiirita na.

"Sabi ko parang may naiwan ka, hindi ko sinabi na may naiwan ka" kaagad kumunot ang noo ko dahil sa sagot nya sakin.

Pinagtitripan ba ako nito?

"Don't waste my time" huli ko na saad bago ako tumalikod sa kanya at naglakad papunta sa pinto para lumabas. Hahawakan ko na sana ang doorknob pero kaagad ako napatigil ng naramdaman ko ang katawan nya sa aking likuran at hinawakan nya ang doorknob para ma lock ito gamit ang passcode. Saka kolang napagtanto na magkaiba pala ang passcode sa labas kaysa dito sa loob, at hindi ko nasundan ang mga daliri nya ng pinindot nya ang passcode.

Great, and now I'm locked up with him....

Sinadya nya na papasukin ako dahil alam ko ang passcode papasok at alam nya na hindi ko alam ang passcode palabas. It's not my lucky day...

Hindi ako nakagalaw at naramdaman ko na unti-unti na syang lumayo sakin.

"We need to talk" he said in a firm voice with a bit of aussie accent.

"Tungkol saan?" tanong ko habang nakatalikod parin sa kanya.

"About you..... going back home?" napalingon ako sa kanya na ngayon ay nakatayo malapit sa sofa habang ang mga kamay nya ay nasa loob ng kanyang mga bulsa.

"Going back home?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

Kaylan lang sya naging interesado sa pag-uwi ko?

Naglakad ako papalapit sa kanya at halos mapatingala ako para lang matingnan sya ng mata sa mata.

"Kuya...... are you worried about me?" tanong ko sa kanya.

"Para na din pamilya ang turing ko sa pamilya mo, nag-aalala silang lahat sayo" sagot nya sakin dahilan para mapangiti ako ng mapait.

"Habang buhay nalang ba ako susunod sa mga gusto nila para sa sariling interes nila? I am young that's why they think I know nothing.... akala nila palaging sila ang tama at ako ang mali.... kahit mali magiging tama yun dahil alam nila na mas matanda sila sakin.....sampid lang ako sa pamilya kahit saan ako pumunta, kahit andon ako sa pamilya ni Papa sa spain ay sampid lang ang turing nila saakin.... tapos pagdating ko dito ganun parin" saad ko.

"We're not family because I'm just his stepsister" dagdag na saad ko at binalik nya saaking mga mata kung paano ko sya tiningnan kanina.

"You're talking about your brother..... but how about your mother" napatigil ako sa sinabi ni kuya Evan at bigla ko naalala si Mama.

"She's worrying about you.... don't you feel guilty?" saad nya sakin dahilan para maramdaman ko ang panunubig ng aking mga mata. Ginagawa ko ang lahat para hindi ako umiyak sa harapan nya, gusto ko sa kanya ipakita na hindi na ako bata para umiyak sa harapan nya patahanin ako.

"Why should I feel guilty?" tanong ko habang may sarkastiko na ngiti sa aking labi.

"Hindi ba dapat ikaw ang ma guilty, dahil alam mo kung nasaan ako pero mas pinili mo parin na wag sabihin sa kanila kahit na alam mo na marami ang mahihirapan" napatigil sya sa sagot ko.

Tama naman ang sinabi ko. Ngunit hanggang ngayon hindi ko parin mabigyan ng sagot kung bakit mas pinili nya na wag sabihin sa lahat ang tungkol sakin.

"Dahil sa isang dahilan na dapat ako lang ang nakakaalam" sagot nya sakin sa malamig na tono. His cold voice send shivers in my body.

"Then I don't care whatever is that reason" I talked back with full confidence.

"Talaga?..... pero parang iba ang sinasabi ng mata mo" napatigil ako sa sagot nya sakin.

Nababasa nya ba ang isip ko?

"Mahal ka ng pamilya mo, kaya sila ganun dahil ayaw nila na mapunta ka sa maling landas" he replied with big concern on his voice.

"Maling landas..... sila nga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito..." sagot ko at unti-unti ng linulokub ang dibdib ko ng aking emosyon.

"Kuya...." tiningnan ko sya sa kanyang mga mata.

"Akala ko ba kakampi kita" saad ko na para bang bulong nalang sa hangin at kahit anong pigil ko ay unti-unti ng lumabas sa aking mga mata ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"No,no,no don't cry" he immediately said while holding my cheeks that is red right now in crying. He caressed my hair on the back of my head.

"I'm sorry if I brought this stupid topic" saad nya sa malambot na boses na para bang marahan nya akong pinapatahan.

"All I want is a treatment of a real family that will long lasts, maramdaman ko man lang na hindi ako anak sa labas" saad ko habang umiiyak at yinakap nya lang ako, hanggang sa bumagal na ang aking paghinga at unti-unti ng nanilim ang aking paningin dahilan para mawalan ako ng malay sa kanyang mga bisig.

_________________________
Bhe pa vote para tumaas rank ng story na ito kahit papaano hahaha (⁠◕⁠દ⁠◕⁠)

My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon