Chapter 6: Crush

51 7 0
                                    

Yn's pov

Pagtingin ko sa orasan ay napaupo ako kaagad dahil malapit na pala pumatak ng alas-otso ng umaga at mukang napalalim ang tulog ko.

Masaya ako na tumayo mula sa aking higaan para dumiretso sa banyo at maligo. Swerte may klase ngayon si kuya at abala sya ngayong araw.

Lumabas ako ng kwarto na nakabihis, syempre naka dress ako ngayon. Kahit naka dress ako ay sinubukan ko na maging maayos ako sa paningin ni kuya Evan at sa mga pinsan ni kuya. Talagang naghanap pa ako sa Instagram ng nga esthetics outfit.

"Saan ka pupunta ang ganda mo ngayon anak" nakangiti sakin si mama hanggang naggugupit ng kanyang paborito na halaman.

"Ma nagmana kasi ako sayo" sagot ko sa kanya.

"Seryuso ako saan ka pupunta?" ulit nya na saad sakin.

"Satin lang to" napatango lang si mama sakin saka ako lumapit sa kanya.

"May pupuntahan kami ni kuya Evan, parang mamasyal" saad ko sa kanya sa mahinang boses at napangiti si mama sakin na para bang may iba syang sasabihin.

"Kayo ng crush mo?" natatawa na saad sakin ni mama pero agad din ko naman sya hinahawakan sa braso baka may makarinig sa kanya.

"Ma hindi ko sya crush" sagot ko sa kanya habang naglalakad ako palabas ng bahay at malaking ngiti lang ang nakita ko kay mama.

Actually hindi ko talaga sinabi kay kuya Evan kung kaylan kami pupunta sa mga pinsan nila ni kuya, pero ako mismo ang pupunta sa bahay ni kuya Evan. Dati noong wala si mama tsaka si kuya ay si kuya Evan ang nagbantay sakin at nasa bahay nya ako ng mga oras na yun. Buti nalang tanda ko pa bahay nya.

Sumakay lang ako ng taxi at pagdating ko sa lugar na kinaroroonan ng bahay ni kuya Evan ay parang wala itong pinagbago pero hindi luma tignan. Nakangiti ako na naglakad palapit sa gate para mag doorbell pero nahalata ko na bukas pala ang gate kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumasok.

Inayos ko muna ang aking sarili bago naisipan na kumatok sa malaking pinto na nasa harapan ko. Apat na beses ako na kumatok at hindi ko alam kung may magbubukas ba ng pinto dahil inabot ako ng limang minuto. Napangiti ako dahil unti-unti ng bumukas ang pinto pero agad ako napatigil sa aking nakita. Walang suot na pang-itaas na damit si kuya Evan. Mula sa braso ay napunta ang mga mata ko sa tyan nya. He has six pack abs.

Kaagad nya sinara ang pinto ng magtama ang tingin naming dalawa at tumalikod ako para mapakalma ang sarili.

Pero imbes na kumalma ako ay mas lalong bumilis ang tibok ng aking dibdib dahil naramdaman ko na may humila na saakin papunta sa loob ng bahay at namalayan kona lang na nasa harapan kona si kuya Evan. Tumingin-tingin sya sa labas bago nya sinara ang pinto. Nakasuot na sya ngayon ng sleeveless black shirt.

"What are you doing here?" he immediately asked me with irritation in his eyes. Napayuko ako dahil nairita sya sakin at parang galit. Narinig ko sya na napabuntong hininga nalang.

"What are you doing here?" he asked me again but now in a gentle way that made me look up in his eyes.

"I- I thought we're going to meet other Vergaras?" patanong ko na saad sa kanya.

"Yes but not now" saad nya sakin habang nakahawak ang magkabila nya na kamay sa kanyang beywang.

Tiningnan nya ako at mukang napansin nya naman na nakaayos ako, pero pinahalata ko talaga sa kanya na gusto ko ngayon na.

"Fine..... pupunta tayo" kaagad ako napangiti sa sinabi ni kuya Evan. Sa wakas pagkatapos ng labinwalong taon ko dito sa mundo ay makikilala ko na ang family side ng kuya ko.












Evan's pov

Tinawagan ko ang buong pinsan na gusto ko sila makausap pero si Ace, Gabrielle at Zach lang ang libre ngayon. Sa rest house kami magkikita-kita ngayon at kasama ko si Yn papunta doon.

Pagkatok ko ng pinto ay kaagad na nila binuksan at silang tatlo kaagad ang sumalubong sakin. Napatingin silang lahat kay Yn na kasa-kasama ko.

"She's Yn, Sevhastian's stepsister" saad ko sa kanila dahilan para mapatakip ng bibig si Ace.

"What?" sabay na tanong saakin ni Zach at Gabrielle. Kaagad nila kami pinapasok ng bahay at dumiretso sa living room. Masaya nilang binati si Yn at nahalata ko din na masaya si Yn.

"How are you, by the way I'm your kuya Ace" nakangiting bati ni Ace sa kanya.

"I'm your kuya Gab"

"And I'm your kuya Zach" tipid na ngiti ni Zach kay Yn at halata ko ang titig nya sa kapatid ni Sev. He likes Yn, I knew it.

"Wala pa dito si Ricky at si kuya khairo mo ay nakipag-ayos palang sa fiancee nya" biglaang saad ni Ace dahilan para mapatawa si Yn. She indeed looked like an angel when she smiled with those dimple on her left cheek.

"Alam ba ni kuya mo nandito ka?" tanong ni Gabrielle sa kanya at napatahimik sya kaagad.

"Hindi po" sagot ni Yn sa mahinang boses, pero kaagad sya napangiti ng makita nya si Layla ang alagang aso ni Zach. Kaagad nya ito nilapitan at naiwan kaming apat sa salas. Napatingin silang tatlo sakin.

"What the fuck, hindi alam ni Sev na andito si Yn?" tanong ni Gab.

"Please walang magmumura hanggat andito ang batang yan" pagpapaalala ko sa mga tao na palaging nagmumura sa buhay nila.

"Sigurado ililibing tayo ng buhay ni Sev kapag nalaman nya to" dagdag na saad ni Zach habang nasa kay Yn ang atensyon nya.

"Sabi ni Sev kay Zach na layuan nya daw si Yn" pagpaalala saamin ni Ace.

"He is talking about us, he wants us to get away from her" dagdag ko na saad sa sinabi ni Ace.

"So why did you brought Yn here?" tanong ni Gab. Napalingon ako kay Yn na masaya na nakikipaglaro kay Layla.

"Nakiusap sya sakin" sagot ko sa mahinang boses at alam ko na narinig nila ako.

"Siguradohin nalang natin na hindi to dapat malaman ni Sevhastian" saad ni Zach at kaagad naman napatango si Gabrielle.

"She's pretty" napalingon kaming tatlo kay Zach dahil sa sinabi nya. Hindi nya kami napansin dahil nasa kay Yn ang kanyang atensyon at hindi ko alam bakit may sa loob ko na parang galit na hindi ko maintindihan.

_____________________________
Vote for this chapter bhe (⁠ ⁠ꈍ⁠ᴗ⁠ꈍ⁠)

Papunta palang tayo sa exciting and kakilig part na medyo may away-away part hehehe loading pa next chapter bhe........

My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon