Chapter 1

67 7 1
                                    

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 1
Delio POV

February 23, 2023 na ngayong araw nandito ako ngayon sa isa mga siksik na lugar ng Sagana sa Quezon City.

"Friday na ngayon...bukas wala ng pasok....hmmmmp! PPE subject sasakit na naman muscle ko nito" Bulong ko habang na-unat ako ng aking katawan para magising-gising ako kahit papaano.

Gigising na naman ako ng maaga para pumasok sa school para sa gayon magkaroon daw ng magandang trabaho.

Yan naman lagi ang sinasabi ng kahit sinong magulang, Ok lang naman dahil at least pag-may natapos ako ay mas malaki ang chance ko sa matino at stable na trabaho.

Ayos lang, ganyan talaga ang tipikal na buhay ng ordinaryong tao tulad ko.

Tiningnan ko ang cellphone ko na may pangalan ko na Delio at ang oras.

Kailangan ko ng mag-ayos para pumasok.

Inayos ko ang aking kama na pinaghigaan, Uminum, Nagluto, Kumain syempre inum uli then naligo, maglabas ng milagro sa banyo tapos nagtoothbrush, nagsuklay at handa na akong lumayas dito sa aking apartment para mag-aral.

Medyo tinatamad pa ako dahil napuyat ako ng kaunti sa kakapanood ng palabas pati kakabasa nadin.

Sarap talaga manood ng mga movie, anime, novel, short story tungkol sa Zombies.

Hindi ko mapigilan kahit alam kong gasgas na ang story ng tungkol sa Zombie.

Mga istorya ng mga taong bida sa kwento kung paano ang pipiliin nilang desisyon, katangahan nila, kagalingan nila, paraan nila kung paano sila traydorin o ipakain sa Zombie.

Tulad nalang paborito kong palabas ang Resident Evil.

Yan ang pinaka kilala na Zombie Apocalypse mapa movie man o laro na sumikat sa buong mundo noon. Well sumikat din ang Walking Dead Series pero mas gusto ko talaga ang Resident Evil na may pagka-fantasy at may pagka-scientific.

Kaya nag search ako tungkol sa kung ano ba talaga sila.

Kung ano ba talaga ang Zombie?

Sabi sa google ay nagawa lang ang salitang 'Zombie' noong 1810, Pero noon pa ay marami ng naniniwala tungkol sa kanila na mas kilala noon sa tawag na 'Undead' sa tagalog ay Patay na Buhay.

Base din sa nalalaman ko ay galing nga sila sa kwento ng Greek Mythology at kung Chinese story naman ay Iron Corpse ang tawag.

Ano ang Greek Mythology?

Sila Zeus, Medussa, Hercules, Hades, Poseidon ang kanilang kwento ang isa sa pinaka sumikat sa buong mundo.

Hindi pa buhay si Panginoong Jesus Cristo noon ay may ganito ng kwento.

Sa pagkakatanda ko ang Zombie ang mga halimaw na walang buhay at pinapagalaw lang ng isang peste na insekto sa utak para pumatay ng lahat ng may buhay na gumagalaw sa mundo.

Tulad ng tao o hayop mapa isda, ibon pa man iyan ay kakainin nila.

Depende sa napasok ng maliit na insekto galing sa katawan nila kaya nilang mangontrol, Sa pamamagitan ng pagkalmot o pagkagat ay malilipat ang insekto at kokontrolin nito ang utak ng nilalang na inatake nila at papatayin hanggang ang insekto na ito na ang magpapagalaw sa katawan.

Parang sakit na nakakahawa.

Hindi maipaliwanag ng syensya/science kung paano ba ito nangyayari.

Bakit gumagalaw parin sila kahit hindi na tumitibok ang puso?

Paanong nakakagalaw kung patay na ang kanilang utak?

Bakit hindi sila nakakakita?

Bakit hindi sila nakakaramdam?

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon