Chapter 34

17 4 0
                                    

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 34
Kathleen POV

"SABI KO TIGIL!" Gigil na sabi ng lalaking naka safety helmet.

Hindi naman tumitigil si kuya Delio kaya matapang pa din akong tumuloy sa paglakad.

Ito ang unang beses kong makakita sa malapitan ng ibang tao bukod sa amin apat nila kuya Delio.

"BINGI KA BA!?" Sigaw nya muli na handa ng umatake.

Kakairita naman ang lalaki na to.

Kailangan talaga naka sigaw?

Papatayin kaya ni kuya Delio to?

Sana patayin.

Lumalapit pa ng kaunti ang isang lalaki na may kalakihan na parang manyak makatingin sa amin nila Klerisa.

Isa pa to buti tumigil sya kung hindi ididikit ko sa mukha nya itong palakol ko.

Sumilip muli ako sa mukha ni kuya Delio na syang nasa gitna naming apat, ilang segundo pa ng paglalakad ay malapit na kami sa lalaking naka safety helmet mga isang metro lang ang pagitan namin sa isat-isa katabi ang pito nya pang mga kasama na handa ng umatake ano mang oras.

"Mga kaibigan gusto sana namin makakuha ng makakain dito, Ayos lang?" Nakangiting sinabi ni kuya Delio habang nakapatong ang palakol sa kanan nyang balikat na ibinaba nya din.

Simple ang pagkakasabi ni kuya Delio pero parang ang angas ng dating ng kanyang pagkakahawak sa palakol buti nalang binaba nya na din sa pormang hindi aatake.

Hindi umimik ang lalaking naka safety helmet at nakatingin lang sya ng mabuti kay kuya Delio, Base sa galaw ng kanyang mata ay tumingin sya sa palakol ni kuya Delio at sa bewang kung saan kitang-kita ang baril na naka-display sa holster.

"Akin na ang baril mo" Utos ng lalaki.

Walang hiya tong lalaki na to, Seryoso ka boy!?

"Kaibigan ayoko ng away marami namang pagkain oh" Katwiran ni kuya Delio.

"Ang sabi ko ibigay mo sa akin ang baril mo!" Sigaw muli ng lalaki.

"Huwag mo palalain aalis din kami agad pagkatapos namin makakuha ng sapat na pagkain"

"HINDI KA BA NAKIKINIG!? ANG SABI KO IBIGAY MO ANG BARIL MO SA AKIN!"

Nakangiti pa si kuya Delio makipag-usap kanina pero ngayon ay nawala na ang ngiti sa kanyang mukha.

Pakiramdam ko tuloy nagyelo ang buong paligid sa nararamdaman kong inis ni kuya Delio.

"Bakit ko naman ibibigay to?" Simpleng tanong ni kuya Delio nang hindi na nakangiti.

Gigil na nga sya.

Ano kaya gagawin ni kuya Delio?

Paano nya kaya ito lulutuin to?

Papatayin nya kaya silang lahat?

"Yan ang bayad sa pagkain!" Sagot ng lalaking naka safety helmet.

Napahampas nalang sa mukha si Lelani na parang natangahan na sya sa lalaking kausap ni kuya Delio.

"Hehehe...hehehehe"

Kahit si kuya Delio ay hindi na mapigilang matawa dahilan para mainis ang mukha ng lalaking kausap.

"Anong problema? Ano ang nakakatawa!?" Masamang tingin ng lalaking naka safety helmet, Ganoon din ang tingin ng mga kasama nya sa amin.

Lalong natawa ang mukha ni kuya Delio pati ako natatawa na din.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon