Chapter 56

15 4 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 56
Kathleen POV

"Boring...." Sabi ko kahit wala naman nakikinig.

Ka boring talaga...

Sa ngayon nag-dadrive lang ako ng L300 Van na may dalang pagkain pauwi sa Manila port kung saan kami lalayag ngayong araw ata, Nadelay lang dahil sa L4. Umaandar ng may bilis ang mga sasakyan namin at nakapasok na kami sa Binondo na puro sarado ang tindahan tulad ng pagbebenta ng armas at babae. 

Tahimik ah, Kanina ang ingay dito.

Nalaman nila siguro na may L4 na halimaw na papunta dito kaya nagsitakas sila o nagsitago kung saan dito.

Iilan nalang ang natitira dito na survivor na nasa labas

Nakamasid lang sila sa gilid ang mga survivor na ito na kinakabahan sa dala naming mga tanke, Well tanke yan na lampas 30 tolinada kada isa kaya parang lumilindol ang paligid dito ng kaunti.

Ilang minuto pa ay nakapasok na kami sa Manila port at hindi nagtagal ay may aberya na nangyayari.

Yata.

Ano nangyari?

"Nasaan ang tatlong container truck?" Bulong ko habang nasa loob ako ng sasakyan na ngayon ay tumigil na din.

 Tumigil lang ako ng napansin ko na tumigil ang dalawang armored truck sa harap ko.

Pinatay ko ang makina ng sasakyan na dina-drive ko at lumabas ako para makichismis, Syempre close ako kay kuya Delio kaya may karapatan ako na lumapit sa kanya.

Ako lang naman talaga ang tunay nyang babae.

Sa paglapit ko ay narinig ko nalang ang naiinis nang boses ni kuya Delio.

Lagot...bakit galit si kuya Delio?

"Ano ang nangyari dito?" Malalim na boses ni kuya Delio na halatang nagpipigil ng galit.

Ano nga ba ang nangyari?

Lumapit ako sa likoran ni Lelani para manood at makinig.

"Sir...patawarin nyo po kami, Hindi namin na protektahan ang mga container truck po, Kinuha sila sa amin ng Blue Army at umalis po gamit ang barko" Nahiyang natatakot na sinabi ng kanang kamay na sundalo ni Reginales.

Patay...hindi na protekahan ang tatlong truck na puno ng pagkain!?

Lagot...

"MGA WALANG UTAK!!" Sabay dinampot ni kuya Delio ang sundalo sa leeg at inilapit nya ito sa kanyang muka na nagsalita muli.

"MAY MGA BARIL KAYO DI BA!? BAKIT HINDI NYO PINAGPAPATAY ANG PUTANG INANG BLUE ARMY KUNG ANONG TAWAG PA SA KANILA!!??" At tinitigan ni kuya Delio ng mabuti ang sundalo na natatakot na sa oras na ito. 

Napatakip ako sa aking tenga sa lakas ng boses ni kuya Delio na nanggigil na talaga sa galit.

Natatakot ako tumingin kay kuya Delio kahit si Lelani na nasa harap ko nanginginig, Lahat kami dito napa-atras na kinakabahan sa mangyayari.

Ito ang unang beses na nakita kong magalit ng ganito si kuya Delio...

"P-patawad po sir" Lumuhod ang sundalo ng malakas at iniuntog pa nya ang kanyang noo ng malakas sa sahig matapos syang bitawan ni kuya Delio.

"K-kasabwat po nila ang ilang...ilang White Rebel na kasama namin na nagbantay kaya nagulat nalang po kami na matutukan sa likoran ng mga inaasahan namin na kamkampi...ayokong mamatay kaming lahat ng walang kalaban-laban...kaya sumuko kami sir." Tuloy na luhod at paliwanag ng sundalo na iiyak.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon