Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 43
Maria Isabel / Aysa POVWala akong maramdaman na awa ng tinapos ko ang buhay ng mga tao na ito, Ang una kong mga tao na pinatay.
Napatingin nalang ako sa hawak ko na palakol, Tumutulo pa ang mga dugo galing sa kanila at napatanong ako sa aking sarili.
"Yun na yun?" Na medyo may gulat ako na nararamdaman na hindi kontento.
Dismayado ako, Hindi man lang ako nahirapan.
Malaking tao sya na mukang player sa basketball kahit ang mga kasama nya ay puro at least 180cm ang tangkad, Pero heto sila puro wala ng buhay.
Dahil sakin.
Napatingin lang ako sa ganda ng dugo na tumutulo sa aking palakol.
"Ayos ka lang Aysa?" Alalang tanong ni Klerisa na lumapit na sa akin.
Medyo nagulat ako sa tanong nyang ito pero sumagot agad sa kanya.
"Ok lang ako ate Klerisa" Simple kong sagot.
Bakit sya nagtatanong ng ganito?
"Hindi ka nasusuka or ano?" Tanong naman ni Kathleen.
Napailing ako na sumagot ng "Hindi naman ate Kathleen...bakit anong meron po?"
Nagtataka sila na nagugulat, Hinayaan ko nalang at kinuha ko ang mga palakol na hiniram ko sa kanila na pinambato at binalik ko kala Klerisa at Kathleen.
"Bakit ganyan kayo makatingin mga ate?" Hindi na ako komportable sa tingin nila.
Ano bang meron?
"Wala lang...kahit si kuya Delio nasuka ng kaunti ng pumatay sya ng tao kaya nagtataka lang kami na parang baliwala saiyo ang pagpatay" Sagot ni Klerisa.
Ahhh nakuha ko na kaya pala nagtataka sila.
"Hindi ko alam mga ate, Mas nandiri pa ako sa pagpatay ng una kong Zombie pero sa mga demonyo na to ang naramdaman ko lang ay.....Hindi ko mapaliwanag basta ang tingin ko lang sa kanila ay mga nagsasalitang Zombie lang" Magulo kong banggit na nahiya ko din nasabi.
Hindi naman nagkaiba ang mukha nila sa mga Zombie dahil hindi naman nabubulok ang laman ng mga Zombie pwera nalang pag-namatay o nasugatan.
"Nagsasalitang Zombie hmmm..." Narinig kong bulong ni Lelani.
Ano ang iniisip nya kaya?
"Kung ok kana dito Aysa pwede na tayo umalis?" Tanong ni Lelani na may ngiti.
Medyo hindi ko pa gusto umalis pero kailangan, Lumingon ako saglit sa aking likod at nakita ko ang dalawang babae na nakadungaw sa isang bahay sa 2nd floor na nakatakip lang ng kumot ang kanilang dibdib.
"Sila ate Lelani? Hindi natin sila isasama?" Tanong ko at sabay binalik ko ang aking tingin kay Lelani na pinapakita kong nag-aalala ako sa ibang tao.
Nakita ni Lelani ang tinutukoy ko na mga babae na dati kong kasamahan, Nagtago na sila pabalik para hindi na namin sila makita.
"Walang saysay isama sila, Una pabigat lang sila, Pangalawa duwag sila, Pangatlo marami na silang pagkain halata naman sa mini-store na wala ng laman at pang apat ayaw ni kuya Delio dumami ang grupo natin sa ngayon" Paliwanag ni Lelani.
Maganda ang mga dahilan ni Lelani.
"Sige ate Lelani walang problema po" Simple kong sagot na susunod sa kanya.
Sa totoo lang wala talaga akong paki-alam sa kanila, Nandidiri pa nga ako sa kanila ng nalaman ko na binebenta nila ang kanilang katawan para makakain.
Wala silang respeto sa kanilang pagkatao mabuhay lang.

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HorrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.