Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 44
Maria Isabel / Aysa POVNapalunok ako ng laway ko sa kaba at kinakabahan akong hinihintay ang mangyayari, Kahit sila Klerisa at Kathleen ay kanina pa hindi kumikibo mula ng pumasok kami dito sa building na pinagtataguan ni kuya Delio.
Hindi din sila sigurado kung si kuya Delio ba ang malaking lalaki na ito.
Pero feeling ko sya talaga.
Sa ngayon ay tuloy lang ang pagtutuk ni Lelani ng Armalite sa malaking lalaki na ngayon ay parang ano mang oras ay susugod.
Bumibigat na lalo ang pakiramdam namin sa lugar na ito hanggang sa...
Binaba na din ni Lelani ang baril at ngumiti "Nakilala mo ang pangalan ko kaya ikaw nga yan kuya pasensya kana, Gusto ko lang kasi makasigurado"
"Haa...." Napabugtong hininga ako na parang nailabas ko lahat ng init ng hangin sa dibdib ko.
Tindi...akala ko makakalaban na namin si kuya Delio, Hindi pa namann ako sigurado kung kakayanin namin sya.
"Wewww" Bugtong hininga din ni Kathleen at napahawak pa sya sa dibdib sa kaba.
"Buti naman" Sabi naman ni Klerisa na medyo komportable pa ang itsura.
Baka iniaasahan nya na walang mangyayaring away kaya ok lang si Klerisa?
"Hindi pa ko lubusan naniniwala kaya paki sabi mo nga daw ang mga pangalan nila kuya para makasigurado kami" Simpleng sabi ni Lelani na tuloy lang sinusuri si kuya Delio.
Walang emosyon ang mukha ni kuya Delio hanggang ngayon at tinalikuran nya lang si Lelani para ipagpatuloy ang paghahanap ng pagkain, Ilang segudno pa ay nakita na ni kuya Delio ang ilang delata na tinago nya ata sabay binuksan nya ito.
Maamo kaming naghintay lang sa kanya at hindi nagtagal ay nagsalita na si kuya Delio ng hindi lumilingon sa amin.
"Si Klerisa pula ang damit at matambok ang pwet" Sagot ni kuya Delio sabay tagay nya ng cornbeef na akala mo umiinum ng alak.
Namula sa hiya si Klerisa sa narinig na komento ni kuya Delio.
Kahit ako nagulat.
"Si Kathleen puti ang damit yung malaki ang dede" Sabay tagay nya muli ng sunod na cornbeef at nginuya nya ito ng mabuti sabay humarap na sya sa amin.
Napakamot nalang si Kathleen sa likod ng kanyang ulo sa pag-describe sa kanya.
"Si Maria Isabel green ang damit malusog ang hita" At tuloy lang sya sa kain at nakatuon lang ang kanyang pansin sa mga delatang nakapila.
Nahiya din ako ng sinabi nya na malusog ang hita ko, Ako nga ata talaga ang pinakamatabang hita sa aming apat na babae.
Sa kaka-Taekwando ko kasi ito.
Pansin ko na kanina pa natatawa ng kaunti si Lelani sa mga narinig na komento ni kuya Delio.
Alam kong ayos i-describe ang damit doon palang tama na si kuya Delio pero bakit kailangan pa i-describe ang tambok ng pwet, malaking dede at malusog na hita?
"Tama kana kuya...ang weird lang ng pagkakabanggit mo sa itsura nila" Nakangiting komento ni Lelani.
"At least tama" Sagot ni kuya Delio at dagdag nya pang tanong "Bakit mo pa kailangan siguraduhin na ako to? May nangyari ba?"
Kaya nga, Bakit kailangan pang siguraduhin?
"Naisip ko lang na baka naging halimaw kana sa kakain mo ng crystal" Simpleng sinabi ni Lelani at umupo muna sa isang upan malapit sa kanya.

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HorrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.