Chapter 36

21 4 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 36
Maria Isabel POV

Hindi ako kumibo sa simula na baka iba ang tinutukoy ng malakas na lalaki pero sabi nya ay nagtago daw sa jeep...

Baka ako ang tinutukoy nya?

Ako ang kinakausap nya?

"A-ako po tukoy nyo...sir?" Kabado kong tanong habang nasa pinakalikod ako ng grupo.

Sumenyas ang malakas na lalaki na lumapit daw ako sa harap, Medyo natatakot ako kung ano ang gawin nya pero...

Madami naman ang tao sa paligid. Wala naman sya siguro na gagawing masama kaya marahan akong lumapit sa harapan at nakatabi ko ang leader ng grupo na ito para makita ako ng maayos ng malakas na lalaki.

Ito na ang pagkakataon ko.

"Hello kuya pasensya na sa abala ako nga pala si-" Magsasalita pa sana ang leader ng grupo na kasama ko sa ngayon ng biglang sumenyas ang malakas na lalaki na tumigil daw sya.

"Hindi ikaw ang kausap ko kaya tumahimik ka" Nakangiting sinabi ng malakas na lalaki ng hindi man lang tumitingin sa leader ng grupo namin.

Napasilip ako sa mukha ng leader na nakangiti pa ding tinanggap ang pagbawal sa kanya pero alam ko na hindi sya masaya.

Pansin ko yun dahil napahigpit ang hawak nya sa kanyang palakol na naiinis sya ng sobra.

Binalik ko muli ang aking tingin sa malakas na lalaki na tuloy pa din ang titig sa akin at tinanong ako "Ang pangalan mo ay?"

"Maria Isabel po sir" Naaalis ko na ang kaba sa aking dibdib.

Ito ang unang beses na may nagtanong ng pangalan ko.

Kahit ang grupo ko na ito ay hindi man lang inalam ang aking pangalan patunay na hindi nila ako binibigyan ng halaga.

Natawa nalang ako sa aking isipan na dapat pala talaga naging alerto na ako sa kanila sa simula palang.

Napabugtong hininga nalang ako na lalong na dismaya sa grupo ko nato.

"Ayos ka lang?" Tanong ng malakas na lalaki sa akin na may ngiti pa din sa kanyang mukha na malayo sa wala nyang emosyon na mukha ng inubos nya ang mahigit dalawang daan na Zombie kahapon.

Ramdam ko ang tunog ng pag-aalala sa boses ng malakas na lalaki.

Napataas ang kilay ko sa tanong nyang ito at nalungkot din ako nang narinig ko ang tanong na ito.

Napasilip muli ako sa mukha ng leader ng grupo namin, Ayos sana lahat dito at mabait naman sila na walang ginagawang masama sa akin.

Pero...

Hindi ko nagustuhan ang pamamalakad nila tungkol sa pagkain.

Na kailangan magbayad ng babae ng kanilang katawan.

Hindi ko tuloy mapigilang magalit na tiningnan ang leader ng grupo na ito at binalik ko ang aking atensyon sa malakas na lalaki na sinabi.

"Hindi po...ako ayos dito" Naluha ng kaunti ang aking mga mata na naiinis sa nangyari sa akin  kagabi.

Tinawanan lang nila ako

Walang pumansin sa akin

Walang tumulong sa akin

Naiinis ako...

Pinipigilan kong maging emosyonal at huwag umiyak.

Dahil sabi ko sa sarili ko na isa akong malakas na babae na kinayang mabuhay mag isa sa madilim at malungkot na paligid.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon