Chapter 58

10 2 0
                                    

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 58
Delio Mother POV

Umalis na ang asawa ko kasama ang mga lalaki para kumuha ng mga pagkain namin, Mas tamang sabihin na pagkain lang nila Mayor pati ng kanyang mga taohan, Kung may maibigay man sila sa amin ay sapat lang para mabuhay kami.

Sa kada labas nila kasama ang asawa ko dito sa munisipyo ay lagi ako natatakot na ano mang oras ay baka...

Kunin na sya sa akin.

Nanalangin muli ako na sana ayos lang sya.

"Te Gem may pagkain ka pa dyan?" Tanong sa akin ng kapatid ng asawa ko.

Matapos kong manalangin ay napatingin ako sa siraulong babae na ito, Mas mataba pa nga sya sa akin tapos hihinge pa sya?

"Wala akong pagkain dito" Simple kong sinabi ng hindi man lang ako tumitingin sa kanya.

Nandidiri nako tingnan ang mga kapatid ng asawa ko na ito.

Kahit mga anak nila nakakairita na.

"Damot mo naman te Gem alam ko meron ka pa dyan ilabas mo na" Panget na tono nyang sinabi sabay hinablot nya ang bag ko.

Nainis ako na binawi ang bag ko pero mas malakas sya sa akin kaya madali lang nya ito nakuha.

"Walang hiya ka? Sinabi ko nang walang pagkain di ba!?" Sabay sinubukan ko muli kunin ang bag ko.

Nabuksan nya na agad ang bag at kinuha ang nag-iisang fudgee bar na chocolate.

"Wala daw sinungaling ka te Gem, Nanghihinge lang gaganyan ka pa? Damot mo" Sabay kinain nya ang fudgee bar sa isang iglap at binato pabalik sa mukha ko ang bag.

Nag-init ang ulo ko sa kanya, Ito ang pagkain na tinira ko para sa aking asawa pagbumalik sya tapos ganito nalang na ninakaw!?

"Walang hiya talaga kayo! Matapos namin kayo tanggapin sa bahay namin at pakainin ito pa ang sasabihin mo!? Inubos nyo ang mga pagkain namin na mag-asawa ganto pa talaga sasabihin mo!? Ayos na kami ng wala kayo pero dumating pa kayo! Sinira nyo ang buhay namin!" Malakas kong sigaw dahilan para pag-tinginan kami ng mga tao dito at lumapit ang mga kapatid at pamangkin ng asawa ko na galit nakatingin sa akin.

Sa panig ko lumapit naman si Jena para suportahan ako.

"Anong kasalanan naman dun? Kapatid namin ang asawa mo kaya dapat lang magtulungan kami, Asawa ka lang hindi ka kadugo" Sagot ng babae na ito.

Sobrang kapal ng mukha talo pa ang bakal.

"Tita Gem tama na umalis nalang kayo para hindi na magkagulo" Sagot pa ng babae nyang panganay.

"Akala mo ikaw nagbigay sa amin ng pagkain, Asawa mo ang tumulong sa amin hindi ikaw" Sagot pa ng isang kapatid na babae ng asawa ko.

Nanggigigil ako at gusto ko sanang sabunutan sila pero tiniis ko nalang para hindi lumala. Hindi na ko kumibo at lumayo nalang ako kahit magmuka pa akong aso na talunan. Napansin nila na hindi na ko kumikibo kaya umalis nalang sila na sila pa ang galit.

Makarma sana kayo!

Bwesit sila lalo na tong babae na ito na ninakaw ang pagkain ko, Mas baboy pa sa baboy.

"Pag-nakauwi ang anak ko aalis kami dito" Bulong ko ng mahina habang nalakad ako palayo kasabay si Jena.

Gantong paniniwala nalang ang nagpapatibay sa puso ko, Tinitiis namin ang hirap dito dahil may pagkain na binibigay dito kahit papaano, Lalo na ang kaligtasan namin na meron dito sa munisipyo. Kung lalabas naman din kasi kami ay puro puno na ng Zombie ang mga malapit na tindahan kaya kahit umalis kaming mag-asawa sa munisipyo ay wala naman kaming pupuntahan na may pagkain.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon