Chapter 50

22 3 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 50
Delio POV

Sa paglabas ko sa restaurant ay nakita ko ang dalawang L3 na titingin-tingin sa paligid sa pagitan ng dalawang building sa parang kanto, Narinig ko ang sigaw nila habang nakain ako pero hindi ito masyado rinig ng mga survivors o ng mga kasama ko na babae dahil maingay din ang loob ng restaurant.

Ilang saglit pa ay natigil na ang kanilang titig sa aking pwesto, Narinig ko din muli ang mahinang putok ng baril sa malayo ng mas malinaw.

Sa tingin ko dalawang daan o tatlong daan ata ang layo nila sa akin.

Mas lumakas nga muli ang mga pakiramdam ko kumpara noon.

Pinisil ko ang aking bisig na mas tumibay muli ang balat kahit ang aking muscle ay mas tumigas ng kaunti kumpara sa nakaraan, Ewan ko lang kung kaya ko ng baliwalain ang kagat ng L1 o L2 o kaya ang bala ng baril.

Masusubukan ko din yan.

Sa ngayon pinatay ko muna ang L3 Zombie na nakangiti dahil nakakairita ang mukha habang ang isa naman ay naisipan ko munang paluin lang ang ulo nya gamit ang likod ng aking palakol.

Hindi makatulog agad kaya sinubukan ko paluin lang ng paluin ang batok hanggang nawalan sya ng malay.

Mahirap patulugin pero sapat para hindi agad bumangon.

Ibig sabihin ang katawan ng malaking L3 Zombie ay halos tugma pa din sa kahinaan ng tao, May natutunan ako.

O baka dahil sa kakahampas ko sa batok nya na konektado sa utak ay naparalisado muna ang virus sa utak nya?

Hindi ko nalang inintindi muna.

Hinatak ko ang paa ng malaking Zombie na ito para ilayo sa restuarant at gawing pasalubong sa military.

Nang nailagay ko na ang L3 Zombie sa tamang pwesto ay tumakbo na ako ng mabilis papunta sa military hindi sa gitna ng daan kundi sa gilid para hindi ako mapansin masyado.

Hindi nagtagal ang pagtakbo ko dahil napansin ko na ang anino ng kanilang tanke ng mas malinaw na marahan umaandar na parang lakad ng tao sa bilis.

Dito na ako tumigil at lumapit sa isang building.

Kaya ko ng tumalon ng higit dalawang metro ang taas mula sa lupa o sahig na inaapakan ko na imposible dati noon ng wala pa ang mga Zombie, Ngayon ay posible na sa lakas ng aking katawan ang ganito lalo nat matibay na rin ang daliri ko pang kapit na parang rock climber.

Tumalon ako paakyat sa isang building at pumasok ako dito, Sinira ko ang mga hawakan ng pinto gamit ang lakas ng aking kamay na may tulong ng katawan ko para makapasok at dumaan ako sa mga bintana palabas.

Hindi kasi ako pwede dumaan sa kanto lang dahil malayo ang iikutan ko, Pagkakataon ko na din ito para makita ko sila mula sa taas kung paano ang pwesto ng bawat saksakyan nila at sundalo.

Inulit ko lang ang proseso sa bawat bahay o building dahil dikit-dikit naman ang mga ito na lugar bentahan ng kung ano-ano hanggang tumigil na ako sa huling building para masdan sila.

Nalikoran ko na ang military na ngayon ay tumigil din sa sandali na ito.

Bakit sila natigil?

"Base sa nakita ko kanina sa taas ay may sampung tactical truck sila na walang bubung, Sa lakas ng katawan ko ngayon ay kaya kong baliin ang kanilang mga leeg ng walang ingay gamit lang ang aking braso. Sayang naman na patayin sila ng ganun nalang...hmmmm...." Nag-iisip ako paano ko sila mapapatigil.

Pokpokin ko ang kanilang batok para makatulog?

Maari silang mamatay pag-ganun.

"Pigain ko nalang kaya ang leeg nila para mawalan sila ng malay?" Plano ko na napapatanong pa ako.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon