Chapter 3

42 6 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 3
Delio POV

Huminga ako ng malalim sa oras na ito habang tinitingnan ang labing dalawang Zombie na nagagawang makapaglakad at nakapalibot sila sa amin.

Mabilis gumana ang utak ko sa oras na ito kung ano ba ang dapat kong gawin.

Lumaban para na rin mailigtas ko ang tangang babae na ito?

Maliit ang tyansa lalo nat hindi nya ginagamit ang kanyang ulo sa ginawa nyang pag-iingay.

Tumakbo kasama ang babae na ito?

Malabo din dahil maliit lang ang espasyo na pwede naming lusutan sa pagitan ng mga Zombie na nakapalibut sa amin. Sa oras na mahawakan kami ng mga Zombie ay sigurado mahirap ng makawala pa.

Tumakas ako mag-isa at hayaan ang walang laban na babae na ito?

Mas malaki ang tyansa ko pag-ganun ang ginawa ko.

Gawin syang pain at tumakas ako ng mag-isa?

Sigurado mapapadali ang pagtakas ko pag-ginawa ko syang pain para maagaw ang atensyon ng mga Zombie.

Kung matibay lang ang puso ko sa oras na ito ay sigurado pipiliin ko ang huling paraan na nabanggit ko.

Ang gawin syang pain.

Para lang makaligtas.

Ang iligtas ang aking sarili habang nakukuha nya pa ang atensyon ng mga Zombie.

Pero...

Hindi kaya ng aking konsensya.

Oo nakikita at medyo pamilyar ako sa kanya na mas bata sya sa akin ng dalawang taon, Minsan na kaming nagkakwentuhan sa school dahil parehas kami ng tinatambayan pag wala pa ang next subject namin.

Pero ilang beses lang yun.

Hindi ko nga masyadong tanda ang pangalan nya kasi mawawala rin naman sya sa buhay ko pagnaka-graduate na ako.

At hindi ito sapat na dahilan para ibuwis ko ang buhay ko para sya ay tulungan.

Kaso hindi ito talaga kaya ng konsensya ko.

Bwesit!

Putang ina talaga oo!

Hindi ako palamurang tao, Nasasabi ko lang ito ngayon paggalit na galit na ako.

Tama...Galit na galit ako dahil...

Sinasabi ng damdamin ko na tulungan ko daw sya.

Puso ang umiral hindi ang utak.

Kung hindi ko lang talaga sya nakakausap kahit kaunti noon ay marahil wala na akong paki-alam sa kanya kahit lapain pa sya dito ng buhay.

Gusto kong sumigaw ngayon pampalakas loob at pangpalabas ng sama ng loob pero kumalma na ang isipan ko sa sandaling ito.

Naging praktikal muli ang aking kokote at tiningnan ko muli ang sitwasyon.

Sa oras na ito ay sa babae nakatuon ang atensyon ng mga Zombie at naglalakad sila ng mabagal papunta sa kanya.

Normal na lakad ng tao ang bilis pero parang tamad ng kaunti ang galaw.

Nang kumalma ang isipan ko ay hindi ko sinayang ang saglit na pagkakataong ito.

At hindi na rin ako nagdalawang isip pa kaya inunahan ko ng pugutan ang ulo ng isang Zombie na lalaki sa aking bandang kanan.

Itong Zombie na ito ang pinakamalapit din sa akin.

Whoosh!

Baaag!

Malaki ang bwelo at mabilis ang hataw ko na tumama sa leeg ng Zombie. Doon sana ang puntirya ko ang leeg lamang.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon