Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 25
Klerisa POVNag-aayos na kami ng aming mga dalang gamit at pagkain, Nilagay ko na sa loob ng aking bag ang pagkain galing sa plastic na dala ko dahil nabawasan ko naman na ang laman ng aking bag ng kumain ako ng crystal kanina at sinisik ko ito ng mabuti.
Para magkasya.
Chineck ko ang aking sapatos syempre sinintas ko ng mahigpit. Nagsuklay ako ng aking buhok at itinali ko ito ng pony tail style para hindi masyadong istorbo sa pagtakbo.
Wala na akong bitbit sa aking mga kamay kaya mas makakagalaw na ako.
Napatingin ako kay Lelani na parehas kami ng ginawa na naka pony tail din ang buhok. Ngumiti lang ako saglit sabay lipat ko ng aking pansin kay Kathleen na nag-ayos ng kanyang buhok at sintas na walang dala na gamit.
Parang di ata patas na wala syang dala-dala.
Ito pa sana iisipin ko ng biglang binigay ni kuya Delio ang kanyang malaking bag kay Kathleen para ipabuhat.
"Oh baka magalit ka na naman na uutusan kitang buhatin yan" Birong tono ni kuya Delio habang na stretch ng kanyang nag-iisang braso.
"Uhgg..hindi na ako magagalit kuya Delio susunod na ako" May kahirapan nyang pasan ang malaking bag, Na sabi ni kuya Delio kanina ay humigit kumulang 50 kilo daw ang bigat.
"Dapat lang pag-umulit ka pa ipapakain na talaga kita sa Zombie ng buhay" Biro pa din ni kuya Delio.
Namutla sa kaba si Kathleen sabay sabi nya na matino na daw sya talaga.
Ewan ko lang talaga.
Sa ngayon walang buhat si kuya Delio na gamit, Pinansin kong mabuti ang kanyang itsura na nakasando syang puti na duguan pa din na may suot na dalawang gloves na akala mo pang welding ang itsura.
Sa bewang nya ay meron syang kutsilyo na ang lalagyan ay karton na mukang ginawa nya lang, Sa pants ay pang P.E sa school na kulay black at yung sapatos sa pagkakatanda ko kanina ay nakuha ng Zombie yung marunong tumakbo. Mukang nakuha nya ang bagong sapatos sa pinatay nyang Zombie habang hinihintay namin sya.
Jordan pa ang tatak pang sports shoes.
Bakit hindi pa sya nanguha ng bagong damit?
Ewan ko lang.
"Nga pala kuya Delio tindahan to oh bakit di natin kunin din ang mga pagkain dito?" Taka kong tanong.
Napatingin si kuya Delio sa sari-sari store na pinagpahingahan namin at sinabi "May tao sa loob"
"May tao sa loob ng tindahan?" Taka kong tanong.
Nagulat kami nila Lelani at Kathleen sa narinig, Meaning buhay pa ang tao sa loob ng tindahan.
Ni-hindi man lang namin namalayan na may tao pala.
"Gusto mong agawin natin pagkain nila?" Simpleng tanong ni kuya Delio ng nakangiti.
"Ahhh hindi kuya Delio madami pa tayong dala" Mabilis kong sagot para hindi ako pag-isipan ng masama.
Tumingin lang ng sandali si kuya Delio sa akin sabay sinabi nya sa aming tatlo "Handa na?"
"Handa na" Sabay-sabay naming sagot
Nang sinabi namin ito ay naglakad na kami papalabas sa iskinitang ito, Mabilis na lakad ang ginawa namin na inabot lang ng ilang segundo ay nakita na namin ang dalawang direksyon.
Kaliwa at kanan.
Sumunod kami kay kuya Delio na saglit lang tumigil para tingnan ang mga Zombie sabay tuloy lang ang paglakad nya sa kaliwa ganun din kami na pumunta sa kaliwa.

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
УжасыKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.