Chapter 39

21 3 0
                                    

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 39
Lelani POV

Hindi na maganda ang tingin sa akin ni Klerisa at kahit si Aysa nagdududa na sa akin.

"Bakit hindi ka makakibo Lelani?" Kompyansang tanong ni Kathleen sa akin na akala mo may ipinanalo.

Bwesit talaga ang babae na to.

Noong ka-roommate ko sya ay masaya at kwela naman syang kasama pero ngayon parang komokontra na sya sa akin lagi.

Baka dahil masama ang loob na pinapakita ko sa kanya kaya gumaganti sya sa akin ng ganito.

Nakakainis

Kung nandito lang si kuya Delio hindi magkakaganto babae na to.

Palibhasa hindi lang sya 'Nadiligan' ni kuya Delio kaya akala mo may dalaw ang loko.

Napabugtong hininga nalang ako na parang no choice na talaga ako sa pagkakataong ito.

Mamaya ko pa sana sasabihin pero bahala na.

"Tama lahat ng sinabi mo Kathleen" At kinuha ko na ang aking cellphone kay Kathleen ng lumapit ako sa kanya.

Hinayaan lang ni Kathleen na makuha ko ang aking cellphone at nagsalita sya "Di ba tama ako? iiwan nya tayo Klerisa sinasabi ko saiyo, Porket may baril ka na akala mo sino ka maka-asta na kakayanin mo maglakbay papunta sa circle na kayong dalawa lang ni Aysa?"

Tahimik lang nakikinig si Klerisa at si Aysa sa sinasabi ni Kathleen habang nakatingin silang tatlo sa akin.

Nainis ako kaya kinuha ko sa holster ang baril at inihagis ko kay Kathleen na sinapo nya naman agad.

"Yan ang baril kung gusto mo saiyo na, Ikaw na leader ngayon patayin mo pa ako kung gusto mo" Simple kong sagot sa kanya.

Nainis si Kathleen na binato pabalik sa akin ang baril "Bakit kita papatayin tanga ka ba!? Kaibigan pa din kita, Ang kinaiinis ko lang ay bakit mo iiwan si kuya Delio pati kami Klerisa"

Hindi ako makapaniwalang tiningnan si Kathleen kahit si Klerisa ay nagulat ng binato nya pabalik ang baril.

Yun na ang pagkakataon nya hindi ba?

Tinanong ko si Kathleen na medyo duda "Hindi ba gusto mo kaming patayin nakaraan nila kuya?"

Napataas ang kilay ni Kathleen at naging seryoso na nalungkot "Hindi ko magagawa yun sainyo ni Klerisa kahit papano may pinagsamahan tayong tatlo"

Nagulat ako kahit si Klerisa sa narining at tinuloy nya ang kanyang sinasabi.

"That time...si kuya Delio lang talaga ang gusto kong patayin dahil lalaki sya na hindi bagay sa grupo natin na tatlong babae, Alam kong may utang na loob tayo sa kanya pero sooner or later pagsasamantalahan nya din kayong dalawa tulad ng ginawa nya sa akin...kaya ayokong mangyari yun" Nahiyang sagot ni Kathleen.

"B-basta bakit ka ngayon nagkaganto Lelani!?" Muling binalik ni Kathleen ang topic tungkol sa akin.

Ahhh....nakikita ko na.

Yun pala talaga balak ni Kathleen, Hindi ko sya masisisi dahil hindi ko naranasan ang pinagdaanan nya kay kuya Delio.

Dismayado lang ako sa kanya noon, Hindi ko kasi malilimut ang panggugulang nya sa amin ng mga pagkain ng nasa compound pa kami.

Baka iniisip nya na sya lang dapat ang maging malakas sa aming tatlo pagbusog sya para mas kayanin nyang patayin si kuya Delio noong mga panahon na yun?

Kaya pala nag-sasanay syang mabuti para makasabay si Kathleen kay kuya Delio.

Kahit ganoon pa man ay dapat may utang na loob parin sya kay kuya Delio pero para syang Aso na kinagat ang kamay ng nagpakain sa kanya.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon