Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 59
Delio Mother / Gem POV"Ibaba nyo ang mga baril nyo mga walang utak!" Galit na utos ni Mayor sa kanyang mga taohan.
Nataranta ang mga body guard ni Mayor na naiwan dito sa loob ng building ng munisipyo at ibinaba nila agad ang kanilang mga baril.
Matapos sila sabihan ni Mayor ay humingi agad sya ng pasensya sa malaking lalaki, Nakita ko ang mukha ni Mayor na gusto nyang sumipsip. Walang emosyon lang ang mukha ng malaking lalaki na kanina pa tinitingnan ang mga tao dito, Kami na mga nakaligtas.
Parang may hinahanap sya.
Ilang sigundo pa ang lumipas sa paglibot ng kanyang mata ay napatingin sya sa direksyon namin ni Jena, Nagulat nalang ako ng ngumiti sya sa oras na ito.
Kinabahan ako sa ngiti nya...
Huwag mong sabihin na...Napansin nya si Jena?
Pumunta agad ako sa harapan ni Jena para ako mismo ang humarap sa malaking lalaki na ngayon ay naglalakad na sa direksyon namin.
May bilis ang paglakad ng malaking lalaki papunta sa amin, Nakaramdam ako ng kaba. Mukang mataas na opisyal sya sa military na kahit si Mayor ay sobrang amo makipag-usap pag kaharap sya.
Sa paglapit ng malaking lalaki ay nagulat ako na lumuhod sya paupo sa harapan ko at naiyak syang tinitigan ang aking mukha.
Bakit sya...umiiyak?
Gusto ko sana magsalita pero walang lumalabas sa aking bibig sa sandaling ito. Kusa nalang gumalaw ang aking kamay para hawakan ang kanyang mukha, Mukha na nagbago na.
Pamilyar nga...
Napakapamilyar nga ng kanyang mga mata habang minamasdan ko ito. Sa ilang segundong lumipas ay tahimik lang sya na hinayaan ako na hawakan ang kanyang mukha, Napangiti akong naiiyak ng nalaman ko na ang dahilan.
Kusa ko nalang tuloy nasabi ang salita, Salita na sabik kong sabihin para sa kanya noon pa.
"Maligayang pagbabalik anak" Sinabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit, Ang mahal kong anak.
"Nakabalik nako Ma" Marahan nyang binalik sa akin ang pagyakap ng buo.
Pakiramdam ko tuloy ay wala na kong problema. Wala na kong alalahanin.
Masayang masaya ako, Hindi ko man mapakita ng sobra sa mukha ko ay alam ko na alam nya. Na masaya ako ngayon na kapiling ko na sya.
Matapos ako yakapin ng aking anak ay naging seryoso na muli ang kanyang mukha na parang walang emosyon tulad ng kanina. Hinaplos nya ng may pag-aalala ang kaliwa kong pisngi kung saan sinampal ako kanina ng kapatid na lalaki ng asawa ko.
"Sino gumawa saiyo nito Ma? Nasaan si Papa?" Simple nyang mga tanong.
Kilala ko sya, Anak ko sya kaya alam ko na kanina nya pa napansin ito at kanina pa sya nagpipigil ng galit.
Gusto ko agad sabihin ang lahat ng kwento pero...
Bigla nalang napuno ng emosyon ang isipan ko at hindi ko mapigilan na maging emosyonal.
"Anak si papa mo...si papa mo..." Naiyak nalang agad ako na nag-aalala sa aking asawa.
"Ako na po bahala Ma, Sabihin nyo ang nangyari" Hinawakan ng anak ko ang aking kamay para pakalmahin ang malungkot kong emosyon.
"P-pinalabas sila ni mayor para kunin ang atensyon ng mga Zombie sa pagkuha ng mga pagkain kaya...hindi...hindi pa sya bumabalik kanina pa" Sinabi ko sa aking anak na nanlilisik na talaga ang mata habang nakikinig.

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HorrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.