Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 46
Delio POV"Anong ibig mong sabihin kuya?" Takang tanong ni Lelani na parang nag-aalala.
Maigi ko pa din pinagmamasdan si Aysa na nakapatay na ng 22 na Zombie sa sandali na ito, Nagulat nalang ako na parang nag-aalala si Lelani sa tono ng kanyang boses kaya tinuon ko muli ang aking atensyon sa kanya.
"Hindi mo pa nakuha ang mangyayari sa kanila?" Taka kong tanong na medyo duda kay Lelani na hindi pa nakuha ang punto ko.
Dahil matalinong babae ang tingin ko sa kanya kaya akala ko nakuha nya agad.
Nahiyang napailing nalang si Lelani ng kanyang ulo senyales na hindi nya pa naiitindihan ang sitwasyon ng mga survivor dito.
"Ano sa tingin mo Lelani? Ang ganito nilang pamamalakad ay tatagal ba sila?" Simple kong tanong na tuloy lang ang tingin ko sa kanyang mga mata.
"Pamamalakad....Ang ibig mong sabihin ang pag-bigay nila ng pagkain sa lahat ng kanilang miyembro?" Sagot at tanong ni Lelani.
Tumango lang ako na tama sya.
Naging seryoso ang mukha ni Lelani at napalinis sya ng kanyang salamin habang nag-iisip, Lumipas ang higit sampung segundo ay sumagot na sya.
"Hindi kuya" Sagot ni Lelani at binalik nya na ang salamin sa kanyang mata.
"At bakit?" Simple kong tanong.
"Dahil madami sila" Napakulot ang kilay ni Lelani na sinabi at sa bandang huli ay sumuko din ang ekpresyon ng kanyang mukha na parang naaawa.
"Ito ang dahilan kaya nagpaparty ako, Sympre para kumain tayo ng madami para sa crystal pangalawa ay dahil marahil ito na din pinakamasarap nilang makakain habang nabubuhay pa sila" Banggit ko sa kanya.
"Hindi mo sila tutulungan kuya?" Tanong ni Lelani na parang may tono ng pakikiusap.
Ang babae na to....
Alam nya na hindi ako samaritano hindi porket may kakayahan ako ay gagawin ko ang pagtulong na parang alipin sa kahit sinong tao na makasalamuha ko.
"Mauubos lang ang oras ko sa kanila, Malaking tulong na ang mag-iwan ako sa kanila ng mga pagkain hindi pa ba ako mabait sa lagay ko nato?" Paliwanag ko kay Lelani.
"Naunawaan ko na kuya" Sagot ni Lelani na bumalik na muli sa normal ang kanyang emosyon at pumasok na sya sa restaurant para mag-tanong-tanong ng mga nalalaman nila tungkol sa military.
Kita ko na dismayado sya sa sagot ko.
Ano ang magagawa ko?
Ano ba ang gusto nya na tulong ang gawin ko sa kanila?
Maging tagakuha ng pagkain at maging palamunin sila?
Parang sa kasabihan yan na mas mabuting turuan mo silang mangisda kaysa sa bigyan sila ng isda.
Pero wala din akong panahon para turuan silang mangisda.
46 sila na katao.
10 na senior citizen babae edad 60+
6 na senior citizen lalaki edad 60+
3 na binata edad 15-29
7 na dalaga edad 15-29
9 na batang babae below 14
7 na batang lalaki below 14
2 na ginang edad 30-59
2 na ginoo edad 30-59Wala na ako halos pakinabang sa 16 na matanda pero sa 16 na bata ay may pakinabang pa sila sa hinaharap, Pero sa ngayon mga pabigat din sila tulad ng mga matatanda.
Alam ng ilan sa kanila ang mga bagay na ito ang tungkol sa may pakinabang na miyembro na dapat pakainin para buhayin.
Kaso nagbubulag-bulagan lang sila dahil sino ba naman ang hindi gusto makasama pa ang mahal nila sa buhay sa bagong mundo na ito?
![](https://img.wattpad.com/cover/376666532-288-k513144.jpg)
BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HororKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.