Chapter 51

17 4 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 51
Lelani POV

"4:15 P.M na wala pa din si kuya" Banggit ko na medyo nag-aalala.

Nakaupo ako ngayon sa lugar kainan na pilit kumakalma pero hindi ko talaga magawang pigilan na manginig ang kamay ko sa pag-aalala.

Dahil narinig ko ang putok ng mga armalite hindi kalayuan sa lugar namin na ito.

Kinakabahan ako para kay kuya.

Hindi pa sya pwedeng mamatay.

Ito ang dalangin ko.

"Lampas dalawang oras na" Banggit din ni Kathleen na kanina pa hindi mapakali na panay lakad.

"Ang sakit mo sa mata Kathleen kalma ka nga" Pagod kong sinabi.

Nakakapagod syang tingnan.

"Sige sige kalma lang ako kalma lang ako" Sagot ni Kathleen sabay tingin nya muli sa pinto.

Tumigil sya sa paglakad pero hindi mapakali ang kanyang mata na parang magnanakaw ng gamit.

"Ayos lang si kuya Delio wag po kayo mag-alala" Nakangiting sinabi ni Aysa habang nakaupo.

Napatingin ako kay Aysa na walang pangamba na makikita sa kanyang mukha.

Ganun kalaki ang tiwala nya kay kuya?

"Tama si Aysa Lelani, Kathleen malakas si kuya Delio" Simpleng sinabi ni Klerisa habang nakatingin din sa pinto ng restaurant na parang may inaantay na dumating.

Masyado silang relax....

Ako lang ba ang natatakot?

Military yun!

Isang grupo yun ng mga sundalo na may bomba, tanke at baril!

Anong laban ng katawang laman sa bala ng baril!?

Maliit lang ang tsansa ni kuya manalo...

Kahit ganun pa man ay umaasa ako na sana makakaligtas sya.

"Sana nga" Sagot ko na umaasa.

Naghintay lang kami dito sa loob ng restaurant na baka ano mang oras ay dumating na si kuya.

Kahit ang mga survivor dito ay nakaramdam ng pag-aalala dahil wala si kuya na pasalamanta din nilang pinuno.

Ilang minuto pa na paghihintay ay napalitan din ng saya ang nararamdaman ko sa oras na ito.

Buti nalang dumating na si kuya at pumasok na sya sa pinto.

Na may kasamang pusa.

Maine Coon?

Tanong ko aking isipan pero tinuon ko muna ang aking pansin kay kuya para batiin sya.

"Buti naman naka balik kana kuya nag-alala kami saiyo" Masaya kong sinabi.

Ngumiti si kuya sa akin sabay hawak nya sa kanan kong balikat at sinabi.

"Salamat sa pag-aalala, Bigyan mo to ng pagkain" At inabot nya ang pusa sa akin.

"Meoww~?"

Hinawakan ko ang pusa pero nilagay ko din agad sa lamesa para bigyan muna ng pagkain.

Laki pala nito

Buti masayang kumain ang pusa ng hotdog at meatloaf.

Tagal ko na din hindi nakakita ng ordinaryong hayop tulad ng pusa lalo na ang Maine Coon na maganda ang lahi.

May pusa naman din kami nakita nakaraan nga lang ay mga Zombie na pusa yun na mailap sa mga tao.

Hindi gaya ng aso na lalaban pagpakiramdam nito na kaya nya ang kalaban.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon