Chapter 22

24 4 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 22
Delio POV

Limitado na ang oras, Tiningnan ko ang babaeng nasa kanang kamay ko ngayon at napapaisip kung paano ko sya gagamitin.

Sa totoo lang hindi na ako masyadong nagulat ng sinabi ni Kathleen na papatayin nya ako, Di lang sa kanya pati kala Lelani at kay Klerisa ay maingat ako.

Na baka balang araw ay magtraidor din sila sa akin.

Dahil alam ko ang dumi ng tao na kahit kapatid ay nagpapatayan para lang sa lupa.

Kaya kahit nakahiga ako kanina at na-iglip ay alerto pa din ako sa aking paligid lalo na ng lumapit sila Klerisa at Lelani sa tabi ko habang ako ay nakatalikod.

Gusto kong magtiwala pero hindi ko lubusan magawa.

Kaya kahit nakakatalik ko si Kathleen ay alerto pa din ako sa mga galaw nya lalo na pag-umaalis sya ng apartment ko matapos namin gawin ang bagay sa kama.

Ngayon may awa pa din akong nararamdaman sa babae na ito, Awa na kahit papaano sya lang naman ang babaeng kumuha ng aking pagka-inosente gamit ang kanyang nakakalibog na katawan.

Base sa sinabi nya kanina ay masama talaga ang loob nya tungkol sa akin, Kahit rinig ko ang kanyang ungol sa kama nakaraan na akala mo masaya at malambing sya sa akin ay natatago pala talaga ang galit na nabubuo sa kanyang isipan.

Deep inside galit sya sa akin kahit mag-kahalikan kami sa kama na parang mag-asawa.

May kailangan lang talaga sya kaya nagagawa nya ang pagbenta nya ng kanyang dangal.

Kanina ng sinunggaban ko sya ay naramdam ko ang kaunting lakas ni Kathleen ebidensya na kinain nya ang crystal ko na natira sa banyo. Alam ko ang pakiradam ng pagkain ng crystal na parang sasama ng saglit ang isipan.

Baka ito ang dahilan kaya hindi nya na napigilan pa ang bugso ng kanyang damdamin, Ang pakiramdam na gusto nya maglabas ng sama ng loob.

Wala naman akong naramdaman na galit, Yung sobrang galit na gusto nya akong patayin tlaga o sila Klerisa at Lelani hindi ko naramdaman iyun.

Mukang tinatakot nya lang sila at wala talaga syang balak na patayin ako o sila.

Parang sa pagbabanta sa text o tawag na hanggang salita pero hindi nya magagawa.

Napabugtong hininga nalang ako na ibinaba ng saglit si Kathleen para kumuha ng lubid pang-tali malapit sa pwesto ng fire extinguisher.

Napatingin sa akin si Kathleen na nagtataka at natatakot kung ano na ang gagawin ko sa kanya mula ngayon kaya habang may pagkakataon pa at habang pansin nya ang mukha ko na madali kausap ngayon ay naglakas loob sya nagsalita.

"Kuya Delio patawarin mo po ako, hindi ko na uulitin pangako kuya" Lumuhod sya na umiiyak na inuuntog ang kanyang noo sa sahig na semento mapatunayan lang na ayos lang sa kanya masaktan mapakita nya lang na seryoso sya.

Hindi ako kumibo dahil nakita ko na itong drama nya na ito, Na napabugtong hininga nalang ako habang tuloy pa din sya sa paghingi ng tawad sa akin. Sumenyas ako kay Lelani na tulungan nya ako sa pagtali sa katawan ni Kathleen.

Sumunod agad si Lelani na itinatali ng maayos ang lubid sa katawan ni Kathleen. Sa kanyang bewang, hita at braso ayon sa gusto kong pagkakatali na desenyo.

Muli kong nilapag si Kathleen sa sahig at hinihintay ko nalang mabuksan ng malaking ang Zombie ang bakal na harang ng tindahan na kanina nya pa ginagawa.

Baaam!

BAAAM!

Ang lakas ng mga hampas lalo na ng Zombie na malaki.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon