Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 29
Klerisa POVBAAAM!
CRACK!
Tunog na parang dambuhalang lata ang unti-unting binubuksan ang nagkalat na ingay sa aming buong paligid.
Hindi ako makagalaw sa takot, Bigla kong naalala kung paano kinain ng malaking Zombie ang mag-ina na walang kalaban laban.
Ako na hindi makagalaw sa takot ngayon ay tuloy pa din akong nakatangang minamasdan ang kamay ng malaking Zombie na unti-unting binubuksan na ang nabutas nyang bakal na pintuan, Hanggang sa nakita namin na sumilip sya saglit at ipinasok nya na ang kanyang mukha para tingnan kaming tatlo ng mabuti.
Pakiramdam ko nakangiti sya na hindi din nakangiti.
"Takbo!" Sigaw ni Kathleen na nauna ng lumabas dito sa hardware sa likoran dala ang kanyang palakol.
Nagising ako bigla sa sigaw ni Kathleen kaya sinundan ko agad sya na dala ko din ang aking palakol habang si Lelani naman ay mabilis nilagay ang dalawang kahon ng bala sa loob ng malaking bag ni kuya Delio na may mga pagkain at inumin.
Hinintay ko sya saglit na bitbit nya na din ang kanyang palakol saka ako mabilis tumakbo kasabay sya at sinundan namin si Kathleen.
"ROOAAAAARRRRR!!
BAAAM!
Ang lakas ng kanyang sigaw na akala mo Dinosaur sa Jurassic Park ang hiyaw. Binasag nya ata ang mga salamin sa counter ng nakapasok sya base sa narinig ko.
Hindi ko nalang inintindi pa ang malaking Zombie ang mahalaga makatakas kami agad ngayon kung saan ligtas.
Nakalabas na kami sa hardware store at nandito na kami ngayon sa bakuran na may taas din na dalawang metro katulad sa harapan ng main gate. May mini-gate dito na hindi nakalock kaya madali lang kami lumabas papalayo sa malaking Zombie na hanggang ngayon ay nag-aabala na hanapin kami sa loob ng hardware.
Nag-tataka lang ako bakit nalaman ng malaking Zombie na nandtio kami?
Nakita?
Naamoy?
Narinig?
Paano?
Hindi kasi kami pwede tumakbo ng mabilis na parang natataranta lalo nat hindi na nakasunod ang malaking halimaw. Pag mabilis kasi ang takbo namin ay baka may bumungad nalang agad sa amin na isang Zombie o grupo ng mga Zombie dahilan para dumami lalo ang humabol sa amin.
"Saan tayo pupunta?" Lumingon si Kathleen na nagtanong sa akin habang natakbo kami na parang jogging ang bilis.
Buti nalang wala halos Zombie dito pero may mga nakikita ako na mga bangkay ng Zombie.
Si kuya Delio pumatay?
"Hindi ko alam" Ito nalang ang masagot ko habang iniisip kung si kuya Delio nga ba talaga pumatay sa mga Zombie kaya wala kami masalubong.
"Nako Klerisa naman teka nga lang tawagan ko si kuya Delio" Banggit ni Kathleen at tinawagan nya ang number ni kuya Delio na tuloy pa din kami tumatakbo hanggang lakad nalang ang bilis naming tatlo.
Ring...ring....ring...
Lumipas ang isang minuto na paglalakad at paghihintay ay hindi pa din nasagot si kuya Delio.
"Yan na naman po tayo sa ring-ring na to" Gigil na banggit ni Kathleen.
"ROAAAAAARRRRR!!!"
THUD!
THUD!
THUD!
Narinig na naman namin na sigaw ng malaking Zombie na mukang papunta na sya sa direksyon namin at sa tunog palang may tinibag syang pader, Malayo na kami sa hardware kaya imposibleng pader ng hardware store yun.

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
УжасыKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.