Chapter 47

26 6 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 47
Lieutenant POV

Madami akong desisyon na masasabi kong pinagsisisihan ko talaga.

Mula ng nag-umpisa ang bangungut na ito.

Nagsimula sa isang simpleng exercise exhibition ang pagpunta ng platoon namin dito sa Quezon Memorial Circle, Maraming tao ang nagjojogging, naglalakad, kumakain, piknik, practice ng dance step, Zumba, nagliligawan, naghihintay ng ka-meet up at marami pang iba.

Ibat iba ang kanilang pinagkakaabalahan.

Ang ginagawa namin ay inaayos ang mga pwesto ng aming mga sasakyan, tanke at ang aming formation kung paano lumaban na ipapakita.

Kaso nasira lang ang lahat ng ito nang may dumaan na eroplano ng araw na iyun at doon na nagkalat agad ang mga taong nababaliw sa paligid na parang nakakahawa.

Hanggang na husgahan nalang namin na sila ay isa na palang mga Zombie.

Sino ang maniniwala na may Zombie sa tunay na buhay?

Pero heto kami ginagawa ang mga makakaya para protektahan ang ilang libo na tao dito sa Circle.

Ang protektahan ang aming mga kapwa Pilipino.

Ito ang sinumpaan namin na serbisyo kaya ginampanan namin ng mabuti.

Kaso masyado silang madami ang mga Zombie kaya napagamit din kami ng maraming bala para labanan silang lahat at nasagip namin ang aming sarili pati ang karamihan ng natitirang tao dito.

Naging mapayapa kahit papaano dito sa Circle dahil sa amin.

Sayang lang dahil limitado lang ang kakayahan namin kaya hanggang dito lang muna kami sa Circle.

Mabilis kumalat ang mga Zombie sa paligid, Kahit may mga sasakyan kami ay masyado ng madami ang nagkakagulo sa mga kalsada sa unang araw palang.

Libo-libong tao ang nagkakagulo sa loob at lalo na sa labas ng Circle lalo dahil malapit lang kami sa sentrong bayan na maraming tao. Nagbababaan ang mga tao sa kanilang mga sasakyan dahil sa mga nagbabaradong daanan at kanya-kanyang sagip ang mga tao sa sarili nila na ang ilan ay pumunta sa amin dahil kami ang military.

Wala kaming magagawa dahil kami lang ang may kakayahan lumaban kaya kinupkup lang namin ang mga taong humahanap ng aming proteksyon.

Sa ngayon tanging tanke lang ang makakadaan pagpinilit naming umalis dito sa Circle kung gugustuhin namin.

Naisipan namin na umalis para bumalik na sa Headquarters namin sa Armed Forces Of The Philippines kaso madami ang tao dito sa Circle na umaasa sa tulong namin na mga sundalo.

Hindi namin sila pwedeng iwan at pabayaan nalang.

Kaya ginawa namin ang buo naming makakaya sa paglingap ng mga tao, Kahit sa paghahanap ng mga pagkain sa paligid may maibigay lang sa kanila.

Bilang leader na nangunguna sa kaayusan ay ginawa namin ang mga makakaya namin maalagaan lang sila at mabigyan ng pagkain ang higit dalawang libo na katao dito.

Naghanap at nagbigay din kami ng mga tent na pwede nilang tirhan at unan pati kumut na pwede nilang tulugan.

Lahat ito inialay namin sa kanila kahit naiinis na ang ilan kong kasamahan na sundalo.

Madaming sundalo ko ang nagsasabi na dapat na namin silang iwanan at umuwi na dapat kami sa Headquarters.

Na unahin na namin ang kapakanan namin na mga sundalo.

Kaso naaawa ako at tinibayan ko ang aking loob na tulungan pa din ang mga tao dito na patuloy dumadami.

Maraming nainis sa akin na kapwa ko sundalo pero sumunod pa din sila sa aking mga utos bilang Lieutenant na may pinakamataas na ranggo dito sa ngayon.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon