Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 10
Delio POVSa ngayon nag huhugas ako ng plato, saglit lang naman talaga ang paghuhugas pero masususi ako sa kalinisan dahil ayoko maging Zombie dahil nainum ako ng maduing tubig kaya mineral water ang aking gamit para walang mikrobyo lalo na sa Zombie.
Matipid ako sa pag gamit ng tubig, limitado lang kasi ang dami ng galon na meron ako.
Habang naghuhugas ako ng plato ay muling pumasok sa utak ko kung bakit sya naririto, at iyun ay tungkol sa pagkain hindi lang para sa kanya.
Marahil may iba pa syang kasama.
Kaya direkta na ako sa punto at sinabi.
"Hindi ko bibigyan ng pagkain ang mga kasama mo"
Matapos ko itong sabihin ay ilang saglit lang tapos na ako sa aking paghuhugas ng plato, Nang pagtalikod ko para tingnan si Klerisa ay nakita ko agad kanyang mukha na gulat, malungkot at dismayado.
Mahina pa talaga ang puso ko, Kaunting awa dahil sa maganda nyang mukha ay na aawa na agad ako. Ito ang nakakainis sa mga magagandang babae, Mahirap tanggihan pero para sa sarili ko ay babaliwalain ko ito.
Lalo na wala naman ako mapapala pag tinulungan ko sila, ano ngayon kung maganda sya?
Kailangan kong lumakas ang aking pangangatawan gamit ang mga pagkain at ehersisyo kaya hindi ko pwede ipamigay ito basta-basta.
Sa ngayon malakas ako kumain na apat na takal ng kanin sa isang araw saka dalawang delata na pang agahan bandang alas otso at hapunan bandang ala kwatro ako kumakain.
Yan ang araw-araw kong ginagawa para mawala ang taba na hindi kailangan ng aking katawan at mapalitan ng lamang pang laban.
Base sa dami ng kinakain ko at supply ng mga pagkain na meron ako ngayon ay tatagal pa ako ng dalawang buwan.
Kung isasama ko si Klerisa sa papakainin ng dalawang kanin at isang delata sa isang araw ay tatagal kami ng halos isat kalahating buwan.
Kung dumagdag pa ang isa nyang kasama bali tatlo na kami tatagal ang pagkain ng isang buwa at kung dalawa ang kanyang kasama ay halos kalating buwan nalang ang itatagal ng pagkain namin.
At hindi ko yun gusto.
Ang problema kasi pagnaghintay lang kami ng naghintay dito sa compound ay lalo lang dadami ang mga Zombie sa paligid kada araw.
Wala naman akong pwede pang ibang gawin lalo nat wala din kasiguraduhan na kung kailan pa darating ang tulong ng gobyerno.
Magpakabayani at magligtas ako ng mga tao? Si Klerisa nga lang mabigat na ang loob ko ibang tao pa kaya idagdag?
Pumunta sa Gobyerno? Wala silang balita sa TV kung tuloy pa din ba hanggang ngayon ang kanilang rescue, Radyo, Internet o post sa social media.
Hindi sila kumikibo sa mga kominikasyon marahil mabagal ang pamamalakad nila o may ibang prayoridad sila na inasikaso tulad ng pagtulong sa ibang lugar.
Iligtas ang aking magulang? Hindi nila kailangan ang tulong ko, Malakas si Papa at marami silang pagkain na aabot higit sa tatlong buwan.
Sa ngayon ako ang nasa mas alanganin na sitwasyon kumpara sa magulang ko dahil mas maraming Zombie dito sa Quezon City.
Ang magagawa ko lang ngayon ay maghintay ng balita tungkol sa tulong o kaya pag-naubos na ang pagkain ko ay sigurado, Doon na ako gagalaw para lumaban sa labas.
Sa totoo lang marami akong isipin sa bawat sandali kagaya nito, Mga bagay na dapat planuhin ng mabuti na puro 'What If?' ang tanong.
Ito ang gawin ko?

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HorrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.