Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 35
Other POVPapasok na ako sa school ko ng araw na yun at papasok na din sana ako sa loob ng school nang biglang may bumagsak na tao sa aking harapan.
Hindi ko pa alam ang nangyayari.
Ang alam ko lang ay muntik na akong mamatay kung nabagsakan ako.
Tumingala muna ako sa langit na nagtataka, Doon ko nakita na may papaalis na tatlong eroplano at mukang may binabagsak na mga tao.
Nang nakita ko ito ay binalik ko agad ang aking atensyon sa lalaking bumagsak sa aking harapan, Mahirap mapaliwanag ang itsura ng katawan nya ngayon na gumagapang na papunta sa akin.
Natakot ang lahat kahit ang guard ng school ay biglang sinirado ang gate na papasukan ko sana.
Kaya naman mabilis akong tumakas papauwi nalang sana sa aking apartment.
Kaso hindi ganoon kadali ang nangyari dahil nagkandaloko-loko na ang mga traffic sa kalsada.
Mga sasakyan na nagbubungguan makalabas lang agad sa kanilang mga sasakyan, Ang iba tuloy pa din sa pagdadrive para makaalis pero masyado ng marami ang mga nakaharang na tricycle, truck, bus, jeep, motor o kotse sa harapan.
Dahil dito ay wala silang pagpipilian kundi lumabas nalang.
Hindi ko pa talaga alam ang nagyayari kung ano ba ang meron kung bakit nagwawala na ang lahat ng tao hanggang sa...
May sumigaw na matandang lalaki.
"MGA ZOMBIEEE TAKBO!!!!"
Nagtilian at lalong nataranta ang mga tao sa buo kong paligid.
Mga...Zombie?
Parang sa fantasy story ko lang ito naririnig pero ng narinig ko ito sa tunay na buhay ay dali-daling gumana ang aking utak kung ano ang mga dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon.
Ang una kong ginawa ay hindi umuwi sa aking tinitirhan na walang pagkain kundi makahanap ng lugar na maraming pagkain.
May mga tindahan sa paligid tulad ng karenderya, gulayan, karne pero mabilis nilang sinara agad ang kanilang mga tindahan, Ito ang unang reaksyon ng kahit sino ang isara ang kanilang lugar.
Pero wala akong ibang mapupuntahan kahit gusto ko man umuwi, Masyado ng nagbara ang mga kanto lalo nat nasa kalsada ako kung saan nagkalat ang mga Zombie.
Mamamatay lang ako pagnagpatuloy pa akong nakatanga sa gitna ng daan.
Kaya naisipan ko nalang magtago sa isang jeep na may pinto at isinara ko ito.
Ito ang pinaka praktikal na naisip ko na pagtaguan lalo nat malapit lang din dito ang 7/11 store na pwede kong pagkunan ng pagkain at tubig.
Sa unang araw mahirap, Dahil ito ang unang beses na naranasan ko na magutuman at mauhaw ng ganito tindi.
Kahit sa pagdumi at pag-ihi ay mahirap gawin dahil takot akong lumabas.
Hindi komportable pagpinigil ko kaya lumabas din ako sa bandang huli.
Umihi ako sa kalsada at dumumi na hindi kalayuan sa jeep na pinagtataguan ko.
Nakakadiri pero tiniis ko para lang mabuhay.
Sa pangalawang araw ay may mga taong nagtangka na buksan ang 7/11 store, Binasag nila ang mga salamin para makapasok.
Dahil din sa pagbasag nila na ito ay naipon ang mga Zombie para habulin sila na gusto silang kainin, Buti nalang nakuha nila ang atensyon ng mga Zombie ang kinaganda pa ay nabuksan pa nila ang 7/11 store.

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HororKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.