Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 48
Lieutenant POVAno na ang dapat kong gawin?
"Kailangan ko ng unahin ang gusto ng mga sundalo ko" Bulong ko sa aking sarili.
Ito ang naisip ko na sagot na dapat matagal ko ng ginawa.
Lumubas muna ako ng strategy camp para magpahangin at maglakad-lakad muna para magpahangin na din.
Gawin ang nakasanayan kong paglilibut dito sa circle.
Naglakad ako at nakita ko ang mga tao na puro natutulog lang sa kanilang tent, nagtatalik pampalipas ng oras na halata sa galaw ng kanilang tent, Umiinum, umiihi sa tabi, naglalaro, nagpupustahan na taya ang pagkain, nagkukukwentuhan, nanigarilyo at marami pang-iba.
Napasabi tuloy ako sa isip ko na....
Wala silang kwenta.
Napailing nalang ako ng aking ulo sa pagkadismaya.
Sa paglakad ko naman pabalik ay narinig ko ang pamilyar na ungol ng babae sa isang tent hindi kalayuan sa akin, Halatang kakatapos lang ng kanilang pagtatalik at lumabas na ang lalaki na isang...
Sundalo.
Napabugtong hininga nalang muli ako ng nakita ko sya at natawang nahiya nalang ang sundalo ng nakita nya ako.
Mabilis nyang iniayos ang belt ng kanyang pantalon at may nilabas sya sa military bag nya na dala.
Binigyan nya ng dalawang maliit na Tobleron at isang Coke na maliit ang babae edad 25-30 na binibenta ang katawan para makakain.
Hindi ko masisisi ang babae dahil karapatan nya naman kung ano ang gusto nyang gawin sa kanyang katawan.
Hindi na bago ang kalakaran na ito dito sa Circle dahil pagod at stress na din talaga ang mga sundalo ko.
Basta wag lang nila pupwersahin ang babae ay ayos lang ito para sa akin.
"Lieutenant sir kayo po pala hehehe..." Kamusta ng sundalo sa akin.
"Ayos lang nauunawaan ko" Sagot ko sa kanya.
"Salamat sir!" At mabilis syang umalis marahil pabalik na sya sa trabaho nya o itutuloy nya ang break nya sa ibang lugar.
Tutuloy na sana ako para tingnan muli ang buong paligid sa kabilang part ng circle ng biglang may narinig akong sigaw na tawag sa ranggo ko.
"Lieutenant! Nakita na po namin sya" Sinabi ng sundalo ko sa intelligence unit.
"Sa strategy camp tawagin ang iba" Sinabi ko at dali-dali akong bumalik din agad sa pinaggalingan kong lugar.
Lumipas ang halos limang minuto ay nagkatipon-tipon na kami para pag-usapan ang kakaibang lakas ng malaking lalaki.
Sya ang susi para malaman namin kung paano nya nakuha ang lakas na ito.
Mahalaga ito para mas makatipid kami sa mga bala at mas makaligtas kami sa panganib ng paligid.
Maraming magagawa ang malakas na katawan sa pagpatay, pagtakbo, pag-iwas, pag-akyat, pagbuhat at marami pang iba.
Napakaganda ng ganitong katawan.
Pwera nalang kung ganito na talaga ang lakas nya noon pa na walang pinagmulan.
Saka ayoko ng baliwalain ang aking mga sundalo na ilang beses ko ng hindi pinagbigyan ang kanilang mga ideya.
Kaya pumayag na ako sa desisyon ng nakakarami at nagpagkasunduan namin na hulihin ng buhay ang lalaki.
Sa ilang minuto na pag-uusap ay naisipan ko na din maging buo ang desisyon ko sa isa pang importante na bagay.

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HororKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.