Chapter 41

24 5 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 41
Delio POV

Noong araw na yun ay nagpaalam ako sa apat na babae na kasama ko.

Kala Klerisa, Lelani, Kathleen at Maria Isabel.

Medyo nakakalungkot dahil nasanay ako na may mga magagandang babae sa aking paligid, Sila din ang nagpapadali ng mga gawain dahilan para makapagfocus lang ako sa laban.

Kahit ganon pa man ay kailangan ko ng gawin ito ang iwanan muna sila para mas mapapadali ang mga dapat kong gawin ng walang pinoprotektahan.

Medyo panget nga lang ang pag-alis ko dahil hindi na ako nakapag-paalam ng mabuti kay Maria Isabel ang batang babae na bagong miyembro ko.

Babawi nalang ako sa susunod.

Ganun talaga pag naghahabol ng oras.

Dahil may alam ako na hindi lang malaking Zombie ang limit ng mga halimaw na ito.

Kailangan ko ng maghanda.

Unang araw puro ordinaryong Zombie lang sumunod na linggo noon ay nagsimula ng lumabas ang mabilis na Zoombie na marunong tumakbo at ngayon lumampas na ang dalawang linggo noong nagsimula ang Zombie Apocalypse ay may mga malalaki ng Zombie.

At lilipas ang mga panahon ay may mas malakas pa dadating kumpara sa malaking Zombie.

Natatakot akong isipin ang mga bagay na ito na para bang wala ng pag-asa mabuhay kung puro ga-building ang laki ng mga Zombie ang naglalakad sa kalsada.

Sigurado

Mauubos ang lahat ng tao sa buong mundo pag dumating na ang panahon na yun.

February 3, 2023 ng nag-simula ang Zombie Apocalpyse yan ang pagkakatanda ko.

Marami akong naranasan sa na masasabi kong swerte pa din ako kumpara sa kwento ng ibang tao.

5 days lang na ako lang ang nagsasanay at sumunod ay 8 days na pagsasanay kasama sila Klerisa, Lelani at Kathleen. 2 day na mga pangyayari sa mini-store kasama ang pagpunta namin sa hardware at pananatili bago umalis at 4 days na paglalakbay ko mag-isa patungo sa SM North na balak kong kuhanan ng mga gamit.

Bali 19 days na ang lumipas at ngayon ay February 22, 2023 na.

Nakaka panibago lang ng mag-isa muli ako, Wala ako mautusan na pwedeng umalalay sa akin.

Sa pakikipaglaban, pagkuha ng crystal sa utak ng mga Zombie, pagkain, pag-inum, pagbuhat ng mga pagkain at inumin at pag-aayos ng lugar na tutulugan.

Inabot ako ng apat na araw para malinis ko ng mabuti ang rutang dadaanan ng apat kong kasama, Dahil medyo malakas ako ay hinarangan ko ang pwedeng lusutan ng mga Zombie sa pagtulak ng mga sasakyan, motor o tricycle.

Kahit paano kung may Zombie man sila na makalaban ay kaunti lang.

Bawat araw ay nakakapatay ako higit sa 1500 o 2000 na Zombie kada araw mula 6am hanggang 8pm na ng gabi.

Para akong ibon na nakalipad ng malaya na sarili ko lang ang aalalahin ko.

Napaisip tuloy ako ng tanong.

Ano mas pipiliin nyo may mga babae ka nga kasama pero mahina ka?

Or...

Malakas ka nga wala ka naman mga kasama?

Napaisip ako ng malalim sa debate na ito.

Sa sumunod na araw ay natuon ang aking atensyon sa SM North kung paano ko uubusin ang mga Zombie dito.

Pero mas tama atang sabihin ko na sa Circle na focus ang aking atensyon ng nakita ko ang ilang sundalo malapit sa SM North na umuwi sa Circle.

May mga nakita ako na tanke, 2 armored vehicle at 10 tucktical truck.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon