Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 18
Delio POVBwesit bwesit bwesit
BWESIT!
Galit kong sigaw sa aking isipan habang patuloy ko pa ding nilalagyan ng alcohol ang aking kaliwang braso.
Ang braso kong nakalmot.
Maliit na sugat lang ito kanina na parang kalmot ng pusa kaya hindi problema ang laki ng sugat, Ang problema kasi ay ang pumasok na mikrobyo o dumi na galing sa pangatlong Zombie na tumatakbo na nakalapit kay Lelani kanina ng niligtas ko sya.
Kaya lang lumaki ito dahil mabilis kong pinalaki ang butas gamit ang dala kong kutsilyo sa bewang na umaasa na baka mailabas ko pa ang duming pumasok na galing sa kuku ng Zombie.
Hindi ko na alam kung mag-sisisi ba ako na niligtas ko pa si Lelani o hindi ko nalang sana sya tinulungan pa.
Lagi kong sinasabi sa aking sarili na uunahin ko dapat ang kaligtasan ko, Pero heto ako ngayon nakalmot ng halimaw na Zombie dahil tinangka ko pang iligtas ang iba.
Isang ba itong katangahan o kabayanihan?
"Tang ina naman oh!" Galit kong bulong habang ako nasa banyo.
Tuloy pa din ako sa paglagay ng alcohol sa nasugat kong braso at ipinapasok ko pa sa loob ng muscle ng braso ko ang alcohol matanggal lang nito sana ang mikrobyo ng Zombie.
Hindi ako alam kung sa laway lang ba ng Zombie ang mikrobyo o virus pero kung iisipin kong mabuti ay lahat ng maduming bagay na galing sa kanila ay may tsansa makahawa.
Buti nalang maliit na sugat lang ito kanina ibig sabihin hindi madaming virus ang pumasok sa aking braso.
Pinunasan ko na ngayon ang aking braso gamit ang bulak na nadampot ko sa tindahan ng pagpasok namin dito at nilinis ko ng mabuti ang aking sugat para magsara muna.
Kabado ako ngayon, Iniisip ko kung hanggang saan na kaya kumalat ang virus sa aking katawan.
Pumunta na kaya ito sa aking ulo?
Magiging Zombie na ba ako?
Tok tok tok!
Nagulat at mabilis akong napalingon sa pinto ng banyo ng narinig kong may kumakatok.
"Kuya Delio...?" Alalang tawag ng boses sa kabilang pintuan.
Si Lelani?
"Ano yun Lelani?" Kalmado kong tanong.
"Ayos ka lang kuya? Hindi ka naman nasugatan...?" Alala nya pa ding tanong.
Ang babae na ito, Napansin nya kaya?
Ano gagawin ko...
Itago ko ang tungkol sa bagay na ito?
Pero pag-tinago ko ito ay maari akong maging Zombie ano mang oras at atakihin ko sila.
Sa oras na mangyari yun ay mababalewala ang lahat.
Ayoko silang matakot dahil sigurado pang-hihinaan sila ng lakas ng loob na ako na inaasahan nila ay naging Zombie din.
Mukhang itago ko nalang muna at sa oras na malapit na akong maging Zombie ay papatayin ko nalang ang sarili ko.
Inayos ko saglit ang sarili ko at nag-hilamos, Tinanggal ko ang suot kong damit panghood style at ang natira nalang ay sando na parang Tank-top style kaya kitang-kita ang braso ko ngayon.
Ayos na ito kaysa sa walang damit.
Lumabas na ako sa banyo pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili.
Sa pag bukas ko ng pinto ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Lelani na nakatingin sa aking mga mata, Medyo na tulala syang tumingin sa akin at namula ng kaunti ang kanyang pisng.

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HorrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.