Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 55
Delio POVHanga ako at natatakot.
Humahanga dahil nagkakaisip na ang mga Zombie sa pakikipaglaban.
Natatakot naman dahil magagamit na nila ang kanilang talino para mas mapadali ang pag-ubos sa aming mga tao.
Sa madaling salita...
Bad news.
Tatlong metrong layo at limang metro ang taas, Yan ang pwesto ng L300 Van na patama sa amin ni Black Leo sa oras na ito. Hindi na kailangan sabihan si Black Leo at kusa na syang umiwas sa kanan at ako naman sa kaliwa.
CRAAASH!
Tinamaan ang tinataguan naming sasakyan na parang target lang sa bowling at tumuloy lang rumagasa ang inihagis na L300 Van.
Ang lakas.
Hindi na hagis ang tawag dun kundi pagbato ng sasakyan na may pwersa.
Kakaiwas palang namin ni Black Leo ay may mga patama na naman sa akin mismo na apat pang L300 Van na madali lang itinapon ng higanteng Zombie na ito at tumakbo na sya papunta sakin habang nalipad pa ang apat na sasakyan.
Susugod na sya.
CRAAASH!
CRAAASH!
CRAAASH!
CRAAASH!
Madali lang kay Black Leo ang pag-iwas habang ako naman ay may takot na nararamdaman, Natataranta ako kung saan ba ako iiwas. Bawat iwas ko tuloy ay sobra sa kailangan huwag lang tamaan ng mga lumilipad na kotse.
Ito yung pakiramdam na ayaw ko mabunggo sa daan pagtumatawid, Ganun ang feeling.
Hindi na ako takot sa L1, L2 at sa bala ng ordinaryong baril, Pero heto ako natatakot mapisa ng kotse na may bigat lang naman na halos dalawang tolinada. Kung idagdag pa ang pwersa sa pagbato nito ay halos naging apat o limang beses pa ang bigat ng pwersa na kaya lang naman ako pisain na parang ipis.
Mukang natuklasan ko ang dati kong takot ng ordinaryong tao palang ako, Ang mabunggo ng sasakyan.
"OOOOOOUUUUUMMMMMMMMMMMM!!!!"
Narinig ko ang nakakakilabot na boses ng L4 na prang trompeta ng katapusan, Napakalakas na mahinahon, Parang sinasabi nito ang malaking babala.
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo ng mabilis matapos ko iwasan ang mga kotseng ibinato.
Hindi ko alam gaano kalakas ang L4 pero tingnan nyo naman halos ginawang laruan lang nya ang mga sasakyan. Sigurado ako mas malakas pa sya sa excavator na kayang bumuhat ng 13 to 14 na tolinada.
Mali ang nalalaman ni Cecil tungkol sa lakas ng L4, Hindi apat o limang beses para masira nya ang building kundi isang suntok lang sigurado tibag nya na ang isang building.
"OOOOOOUUUUUMMMMMMMMMMMMM!!!!"
Nakakabingi ang ungol nya na parang katulad sa busina ng higanteng barko.
"Takbo!" Sigaw ko kay Black Leo sa aking likoran.
"Roaaaaar!" Sigaw nya na narinig ko sa aking harapan.
"Lokong pusa ka! Ang layo muna!" Natawang komento ko ng napansin ko na sa harap ko pala sya.
20 metro na ang layo sa akin ni Black Leo, Mas duwag pa pala sa inaasahan ko ang pusa ko na ito.
Pusa pa din sya sa bandang huli.
Sa ngayon hinahabol kami L4 Zombie 30 metro ata ang distansya nya sa akin na patuloy ko pa nalalayuan, Patuloy lang ako lumulusot sa ilang sasakyan na nakaharang na binabaliwala lang ng L4 pagdinadaanan.

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
TerrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.