Chapter 15

23 6 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 15
Delio POV

Nang hindi ko nakita ang kanyang kasintahan at ang nadatnan ko lang ay ang mga buto sa lababo ay nakaka-siguro na ako sa isang bagay.

Kinain nya nga ang kanyang babae.

Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ko ngayon, Handa na ako sa hinala ko ito na nagka-totoo na ngayon.

Pero ngayong sigurado na ako ay talagang nandiri ako sa kanya.

Nasusuka, Namumuhi, Nagagalit, Nalulungkot at Naawa.

Para sa babaeng kinain.

Hindi ko alam kung ano ang kwento nila kung paano sila humantong sa ganito pero alam kong nagtiwala sa kanya ang kanyang babae.

Ayos lang sana kung Zombie ang kumain sa kanya dahil halimaw na mga iyun...

Pero itong lalaki na ito na tinitignan ko ngayon ng lumabas ako sa kanyang apartment ay gusto ko na agad syang...

Patayin.

Isa syang halimaw.

Masahol pa sa sa isang halimaw.

Nauunawaan ko na halos gagawin natin ang lahat para lang mabuhay, Maging bayarang babae para mabuhay o mag sakripsiyo ng kung anong makakaya kapalit ng kinakailangan.

Pero itong bagay na ito ay masyado ng sobra para sa salitang sakripisyo. Matatawag ko sya na sobrang makasarili mabuhay lang.

Naglakad ako ngayon papalapit sa lalaki na hawak-hawak ang kanyang tagiliran na sumasakit at takot syang nag salita sa akin.

"A-anong gagawin mo?" Banggit ng lalaki na panay tingin sa nanlilisik kong mga mata at sa hawak kong palakol.

"Demonyo ka!" Sigaw ko at itinapon ko sa tabi ang palakol na hawak ko saka ko sya binugbug.

Galit na galit kong binali ang kanyang mahinang katawan, Nginudngud ko ang kanyang mukha sa magaspang na semento sa sahig. Sinuntok ko ang mukha nya ng sinuntok, binasag ko ang kanyang mata, Ilong, ngipin, panga, kamay, paa at marami pang iba.

Malakas na ako kahit papaano kaya matagal ko syang sinaktan ng hindi ko sya napapatay.

Patayin ko nalang?

Napakatangang desisyon.

Parang pinalaya ko lang ang basurang tao na ito kung pupugtan ko lang sya ng ulo.

Halos inabot ako ng limang minuto bago ako nakontento at tumigil.

Narinig ko na ang pagdating nila Klerisa, Lelani at ni Kathleen na nagtatakang naka-tingin sa akin kung bakit ginagawa ko ang bagay na ito sa lalaki.

Huminga ako ng malalim para kumalma ang galit kong mukha saka ko tinuro ang kwarto ng lalaking ito at sinabi kong pumasok sila para maunawaan.

Medyo nagtataka pa sila kung ano ang meron, Sa pagpasok ng tatlong babae ay hindi nauunawaan ni Klerisa at ni Kathleen kung anong meron.

Napansin lang nila ang tulad ng nakita ko na may mga buto sa lababo na kapansin-pansin agad pagpasok.

Pero si Lelani ay mabilis lumabas sa apartment at galit na sinakal ang lalaki nakahandusay na parang wala ng buhay.

"Masahol ka pa sa mga Zombie!" Gigil na sinasakal ni Lelani ang lalaki gamit ang buo nyang lakas na may motibong patayin ang lalaki.

Ang lalaki na parang walang lakas ng binugbug ko ay sinubukang pumalag at pinipigilan nya kahit papaano ang kamay ni Lelani para sa gayon makahinga pa sya.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon