Chapter 14

30 7 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 14
Delio POV

Iniisip kong mabuti kung ano ba ang batong crystal na ito, Binasa ko kanina sa tubig nang hinugasan ko kanina pero hindi naman ito na tunaw. Wala din akong nakikita sa loob ng batong crystal na ito kahit itapat ko pa sa araw.

Ito ang komokontrol sa mga Zombie?

Hindi ko sigurado sa teorya ko.

Wala akong nakikitang uuod o insekto sa loob ng crystal, Maaring nasa utak talaga ito ng tao na ito?

Tinignan ko ang lalaking Zombie na nakahandusay at inalala ko ang itsura nya na mukang office worker base sa kanyang pananamit.

Masyado atang imposible yun.

Hindi naman natural sa tao na may bato sa utak, Hindi ko na inisip pa sa ngayon ang tungkol dito.

Sa ngayon pagod pa sila Klerisa, Lelani at Kathleen habang ako naman ay sanay na binubuksan ang lamang utak ng ulo ng Zombie gamit ang aking palakol.

Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako nandidiri kahit first time ko gawin ang ganitong bagay.

Marahil nasanay lang ako sa angul-ngul ng mga Zombie sa labas ng gate o kaya dahil ito na ang pang limang Zombie na napatay ko.

Wala akong nakita na ibang bagay sa utak ng Zombie, Inutusan ko si Klerisa na kunin nya ang kutsilyo ko sa kusina at mabilis syang sumunod.

Gamit ang kutsilyo ay binuksan ko ang leeg ng medyo may kahirapan, Pakiramdam ko sa aking isipan na parang baboy lang ang aking binubuksan na karne.

Wala ako nakita sa leeg kaya sinubukan kong buksan ang dibdib para buksan ang baga nito pati ang puso.

Ginagawa ko ang kadiring bagay na ito para ako makasigurado sa isang bagay na naiisip ko, Ilang minuto ang lumipas ay naririnig ko nang nag-susukaan na si Klerisa at Kathleen na nasa aking likod.

Hindi na nila nakaya pang tingnan ang madugo at makalat bangkay na akala mo pinasabog sa loob ng katawan ang isang bomba na nakahandusay ngayon.

Mahina talaga ang loob ng dalawang babaeng ito, Tiningnan ko si Lelani na mabusising naka-tingin sa laman ng Zombie binuksan ko na akala mo ay karne ng isang baboy lang ang tinitignan.

Kakaibang babae.

Hindi ko na sinayang ang oras pa at itinuloy ko lang ang pagbukas sa katawan ng Zombie na ito, Ang tiyan nya, muscle sa paa, talampakan, siko, tuhod, ari, pwet, itlog lahat tiningnan ko.

Walang crystal o ibang bagay akong napansin na kakaiba.

Ibig sabihin sa utak lang talaga makikita ang crystal na ito.

Para makasigurado ay kumuha muli ako ng isa pang Zombie pag bukas ko ng gate.

Tulad ng proseso kanina sa pag kuha ng Zombie ay ginamit ko ang palakol bilang pang kawit sa isang Zombie na babae at pinasok ko agad sya sa loob compound namin.

Mabilis ang aksyon ng Zombie na ito ng pinapasok ko sya sa gate ay mabilis syang nagtangkang hablutin ang aking mukha para kagatin.

Gusto kong sipain ito pero delikado iyun sa pagkakataong ito dahil maari nya akong mahawakan sa paa at makalmot na maging dahilan para maging Zombie ako de oras.

Hindi talaga nakakatakot ang Zombie sa totoo lang pag nasanay ka lalo nat mabagal pa din sila kumpara sa tao na kayang tumakbo.

Kaso pag-marami na sila na naka-palibot saiyo ay sigurado...

Humanda ka ng makain ng buhay o maging Zombie.

Ang nakaka takot lang sa akin talaga ay ang virus na nasa katawan nila na pwede kang mahawa at maging Zombie bukod doon wala na akong kinakatakutan pa.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon