Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 42
Delio POVNang lumabas ako ng computershop na ginawa kong pasamantalang base ay hindi ko napansin na may naka abang na sa akin.
Nasa magkabilang gilid lang ang mga sundalo na ito naka abang sa akin na handa na akong barilin ano mang oras.
Dalawa sa kaliwa at isa sa kanan bali tatlong sundalo.
Ano dapat kong gawin?
Patayin ko ang mga sundalo na to?
Hindi pwede, Dahil ginagawa lang nila ang kanilang trabaho.
Masyado akong brutal pag-ginawa ko yun saka ako lang talaga ang kahinahinala para mapagkalaman na may masamang motibo.
Umaligid ba naman ako sa Circle ng umaga, tanghali, gabi at madaling araw syempre mapapansin talaga nila ako gamit ang CCTV etc. na hindi ko napapansin.
Well....masama naman talaga ang motibo ko na gusto ko lang naman nakawin ang armored truck nila.
Pero mabait naman ako wala na akong balak na iba bukod sa pagnanakaw.
"Hello po mga sir ano ang kailangan natin?" Tanong ko sabay marahan kong binaba ang aking palakol at tinaas ko na ng kusa ang aking magkabilang kamay para ipakita na wala akong gagawin na masama.
Naging komportable ang kanilang tingin ng ginawa ko ito.
"Bakit ka nandito?" Seryosong tanong ng lalaki na tumawag sa military walkie-talkie kanina na ngayon ay focus na ang atensyon sa akin.
"Nandito po ako para maghanap ng pagkain mga sir" Simple kong sabi habang nakangiti na nahihiya.
Tumingin ng mabuti ang sundalo sa aking mukha papunta sa aking paan sabay tingala nya muli sa akin.
Napansin nya ata ang laki ng katawan ko na hindi dapat katawan ng isang ordinaryong size Pilipino na lalaki.
"Talaga? Paliwanag mo kung bakit may limang L3 Zombie dito na nakatali na wala ng buhay, Hinuli mo sila?" Tanong sa akin ng leader na sundalo.
L3?
Level 3 na Zombie kaya meaning?
Ang tukoy nya ata ang mga malalaking Zombie na may taas na 7.5 feet sa labas ng computer shop na pina evolve ko mula sa ordinaryong Zombie.
"L3 Zombie?" Tanong ko na talagang gusto ko malaman ang nalalaman ng military.
"L3 Zombie sila" Tinuro ng leader na sundalo ang limang patay na mga malalaking Zombie na nakatali.
"Ewan ko sir ng dumating ako dito ganyan na sila" Taka kong sinabi.
"Nagmamaang-maangan ka pa?" Nagalit ang leader at lalo nyang itinutuk ang baril hindi na sa aking katawan kundi sa aking mukha.
Tumalim ang tingin ko sa pagkakataon na ito.
Nangtinutuk ng leader na sundalo ang kanyang baril sa aking mukha ay mas lumaki ang chance ko na maiwasan ito, Mabilis akong lumapit sa lalaki na ngayon ay ipuputok na ang bala dahil sa akin pagsugod pero tinabi ko lang ito pakanan ang kanyang Armalite M16 gamit ang aking kanan kamay at ginamit ko ang aking kanang tuhod para saktan sya sa kanyang tiyan.
RATATATATATATA!
Naibaril nya pa pero saglit lang.
Thud!
Bullet proof vest?
Ito ang naramdaman kong harang para mabawasan ang pinsala ko sa tiyan ng leader na sundalo.

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HorrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.