Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 21
Klerisa POV"Kathleen anong balak mo?" Seryosong tanong ni Lelani kay Kathleen na lumalapit sa amin.
Napatigil sa paglakad si Kathleen sa tanong na ito at sumagot si Kathleen kay Lelani na may kunting inis na makikita sa kanyang mukha.
"Hindi ba ito na ang pagkakataon natin para lumaya tayo kay Delio? Yung hindi na tayo uutus-utusan pa?" Rason na katwiran ni Kathleen sabay tingin nya din sa akin na parang naghahanap ng sasang-ayon sa kanyang pananaw.
"Hah!?" Napatakip nalang si Lelani ng saglit sa kanyang mata gamit ang kanyang kaliwang kamay sabay inalis nya din ito ng sumagot muli sya.
"Anong utos utusan? Pinag sanay lang naman tayo, pinagising lang ng maaga e halos 8am pa nga yun saka may pagkain tayong natatanggap dalawang beses sa isang araw at araw-araw yun Kathleen! Hindi ba tama lang na utusan tayo dahil ito ang usapan!?" Parang natatawang sumagot si Lelani sa katwiran na narinig nya kay Kathleen ng sinabi nya ito.
"Para saiyo simple lang ang tingin mo pero para sa akin hindi! Ginamit nya ang katawan ko! Ginamit nya ako!" Galit na sagot ni Kathleen.
Nakikinig lang ako sa bangayan nila, Hindi ko alam kung kailangan ko bang awatin sila.
"Simple daw?" Dito ko na nakita na napatingin si Lelani kay Kathleen ng hindi ka aya-aya.
Ang tingin na natatangahan na talaga sya sa isang tao.
"Tanga ka talaga Kathleen"
Kinabahan ako sa sinabi ni Lelani na lalong ikinagalit ni Kathleen.
"Huh!?" Gigil na reaksyon ni Kathleen at humakbang papalapit kay Lelani habang hawak ang palakol.
"Ano gagawin mo? Papatayin mo ako tulad ng balak mo kay kuya Delio? Sa tingin mo maAakit mo ako sa balak mong kampihan ka? lalo nat sya ang taga pag-ligtas ko!? Ulitin ko lang sayo Kathleen hah!? Patay na dapat tayo sa gutom noon pa kung hindi lang nakilala ni Klerisa si kuya Delio! wala ka bang utang na loob!?" Sabay hakbang ni Lelani para ipakita na hindi sya takot.
Bam!
Bam!
Bam!
"Grasaasa!"
"Raooaoaor!"
"Gaaau!"
Naingayan lalo ang mga Zombie sa labas ng mini-market dahil sa sigawan nila Lelani at Kathleen. Parang masisira ang bakal sa pag tulak ng mga Zombie sa oras ngayon.
Naku po wag naman sana.
"Eh ano ngayon!? Wala na syang kwenta! Tignan mo nga sya isa nalang ang braso nya ano pa magagawa nya!?" Sagot ni Lelani sabay turo nya sa direksyon ni kuya Delio.
Huminga ng malalim si Lelani bago sya nag tanong muli ng mahinahon na.
"Ang balak mo ay patayin si kuya Delio tama ba?"
"Tama" Sagot ni Kathleen.
"Bakit?"
"Wala na syang kwenta, Ayoko ng sumunod at gamitin nya"
"Yan lang ang dahilan mo?" Tanong ni Lelani na parang nababawan sya sa dahilan ni Kathleen.
"Oo" Walang halong pag-dadalawang isip ang sagot ni Kathleen.
"Binalaan na kita Kathleen" Bilin ni Lelani na napapa-iling nalang.
Kahit ako napa-iling na parang nasayangan kay Kathleen. Sa totoo lang masaya ka-roommate si Kathleen kumpara kay Lelani, Masiyahin mapagbigay at palakwento. Hindi ko lang alam bakit sya nagkaganto.
BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
KorkuKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.