Chapter 52

8 1 0
                                    

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 52
Lieutenant POV

"Bakit mo naman pinatay kuya" Narinig kong sinabi ni mam Lelani.

"Hmmm? Narinig ko na mabuti syang tao kaya pinagpahinga ko na ayos lang yan para kunin na sya ni papa Jesus" Natawang sinabi ni Boss Delio habang pinapahid ang dugo sa kamay nya sa damit ng pinatay nya na leader.

Mukang madaling mairita si Boss Delio kaya kailangan ko mas maging maingat sa mga sinasabi ko.

"Ang bait mo naman kuya" Simpleng sinabi ni mam Lelani ng nakangiti.

"Naman ako pa" Sabay tumayo na sya para hugasan ng tubig ang kamay nya na dala ni mam Lelani na may kaunti pang dugo.

"Sino ang Vice Leader nyo?" Tanong ni Boss Delio sa grupo ng sasakayan na nakaharang sa aming dinadaanan.

"A-ako po s-sir!" Kabadong lumapit ang isang lalaki na hindi nalalayo ang itsura sa dating nilang leader.

Nakakabatang kapatid?

"Ano ang pangalan ng pinatay ko?"

"Charito po sir"

"Pangalan palang basura na" Sabay hikab ni Boss Delio na medyo inaantok.

"Hehehe opo ganun na nga sir ha..ha..ha" Natawa nya nalang nasabi pero kita ko sa kanyang mga mata ang sama ng loob.

Kahit papaano ay kapatid nya ang pinatay kaya galit sya sigurado.

"Ipaliwanag mo sa dalawang advisor ko ang sitwasyo dito, Lalo na ang tungkol sa barko na pwedeng gamitin, Malinawag?" Simpleng sinabi ni Boss Delio habang napunas nalang sya ng kanyang kanang kamay sa damit nya na suot para matuyo.

"Maliwanag sir!"Masiglang natatakot na sagot ng vice Leader.

At tumabi na ang grupo nila, Kahit ang ilang survivor na nanunood ay lalong tumabi sa nakitang pangyayari.

Hindi ko sila masisisi na magulat dahil sino ba naman ang kayang magpaputok ng ulo na parang pakwan gamit lang ang isang kamay?

Sa ngayon ay sinamahan kami ng vice leader ng grupo na ito na ang tawag ay Redhunter.

Ayon sa vice Leader o mas tamang sabihin na bagong leader ng Redhunter ngayon na ang lugar lang ng port area ang may barikada na pangharang, Dito daw kasi ang unang taguan ng ilang survivor noon lalo na ang tatlong kapitan.

Ang tatlong kapitan ng barko dito ang tanging marunong maglayag o magpaandar ng mga barko tulad ng cruise ship o cargo ship.

Nabawasan lang ng isang kapitan na ang pumalit naman ay ang anak nito na babae, Ang babae na yun ang isa sa current leader ng lugar dito sa port na umabot ang teritoryo papunta sa San Nicolas hanggang Binondo na ngayon ay kilalang market area kahit sa mga taga labas na survivor.

At ang babaeng leader ang kailangan namin kausapin na mas madali daw kausapin kumpara sa dalawang kapitan na matanda sa ibang grupo.

Hindi nagtagal ay nakapasok na kami sa pinaka looban, Ito ang main camp nila ang port area katabi lang ang dagat. Makikita ang ilang light house, cranes pangbuhat at mga barko pang hatid ng tao o cargo ship pang deliver ng mga kagamitan.

Sama-sama daw dito ang 100 to 200 each na survivors na naka-grupo, Na ang isa nga ay ang Redhunter then ang tawag sa ibang grupo ay Blue Army, Yellow Fighters at White Rebel.

Hindi ko maintindihan bakit ganun ang mga pangalan ng mga grupo nila na parang Color Pencil ng grade 1 student lang ang katunog.

Nagtutulong-tulong sila pag may pagkakataon daw pero hiwa-hiwalay naman paglumabas na sila ng Binondo sa paghanap ng mga pagkain o pagpatay ng mga Zombie.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon