Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 20
Lelani POV"Tulog na si Kuya..." Mahinang narinig ko na sinabi ni Lelani habang nakatingin sa direksyon ni kuya Delio na nasa likod namin.
Akbay ko silang nilalayo papunta sa isang sulok. Sa bandang hindi masyado abot ang liwanag bumbilya ng binuksan ko ang ilaw sa loob ng tindahan ng nakapasok kami.
"Sandali nga lang ano bang nang yari? Bakit naputol ang braso ni kuya Delio?" Taka kong tanong pa din.
Nag-tinginan muna ng sandali sila Klerisa at Lelani bago nag kwento si Lelani tungkol kay kuya Delio.
Nakikinig ako sa kwento ni Lelani habang hinihilot ang pwet kong sinipa ni kuya Delio ng ginising nya ako.
Grabe bakit bigla sakit ngayon ng sipa nya na parang pumasok hanggang buto?
Galit na naman sya sa akin?
Dapat ko ata syang 'pa-amuhin' mamaya pag-balik namin sa apartment nya.
Kunting saglit pa ay dito na ako nagulat sa kwento ni Lelani, Ibig sabihin muntik ng maging Zombie si kuya Delio nang-nakagat sya dahil niligtas nya si Lelani?
Posible pala yun na idaan sa pag putol ang nahawang parte ng katawan para hindi maging Zombie?
Diba dapat nakalat agad Zombie virus sa buong katawan?
"Ang bait saiyo ni kuya Delio Lelani ah" Birong tono ko.
Nahiyang tumingin si Lelani bago nya sinabi "Hindi ko din inaasahan na ililigtas nya ako, sabi nya kasi pagnagkamali man isa sa atin ay iiwanan nya...."
Napataas ang kilay ko at napaseryoso "Kaya nga...hindi ko expect na mabait pala sya talaga"
"Mabait talaga sya!" Napalakas ang boses ni Klerisa at bigla nyang hinanaan "Mabait talaga sya di ba tulad ng kwento ko nakaraan na kahit puro sablay ako ay tsinaga nya akong iligtas"
"Well kaya nga pero iniisip ko talaga that time katawan mo lang ang habol nya kaya ka nya niligtas" Honest na komento ko sabay tiningnan ko ang cellphone ko kung may signal at ano na ang oras.
"Hindi sya ganun" Namulang sinabi ni Klerisa na parang naiinis.
Nakaharap pa din ako sa aking cellphone pero gumalaw ang mata ko patingin sa kanya na matindi ang titig sa akin "Oo na hindi sya ganoon saiyo pero sa akin ganoon sya"
"Talagang ganoon si kuya Delio saiyo lalo na ng inalok mo ba naman ng pera na akala mo sino ka maka-asta sa kanya" Sabi ni Lelani.
"Malay ko ba? Dami nya pang sinasabi pero need nya lang ng kapalit para sa pagkain nya" Binaba ko na ang aking cellphone at nainis akong tumingin kay Lelani sumasagot pa.
"Hindi sa kampi ako kay kuya Delio pero kung titignan mo ang sitwasyon dapat patay kana sa gutom kung hindi lang din sya naawa saiyo" Katwiran ni Lelani.
Napabugtong hininga nalang ako sumagot "Alam ko yun pero naging alagad naman nya tayo di ba?" Sabi ko sabay tingin ko kaliwat kanan kala Klerisa at Lelani.
"Sa tingin mo kailangan nya ng maraming alagad sa sitwasyon ng pagkain nyang natitira? Kung may pagkain pa sana sya sigurado ako ay balak pa ni kuya Delio ang pumatay ng mga Zombie para mas makapag-sanay at para sa crystal" Sagot ni Lelani.
Crystal?
Parang yun ata ang bato sa utak ng mga Zombie na kinukuha ni kuya Delio.
BAM!
BAM!
BAM!
"GRRRaawww!"
"Raaaawww"

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HorrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.