Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 27
Delio POVMalinaw pa sa sikat ng araw ang takot sa mukha ng lalaking nagtutuk sa akin ng baril kanina lamang, Ayoko ng mga bagay na pwedeng mag-banta sa aking buhay lalo nat wala naman kaming pinag-samahan para pag-bigyan ko sya tulad ni Kathleen.
Hindi ko na pinatagal pa ang takot sa kanya kaya malakas at mabilis kong iwinasiwas ang bagong linis kong palakol sa kanyang braso.
Whoosh!
Dyuk!
"Hhhhhhhhhhmmmmm!hhmmmm...hmm..." Narinig kong iyak ng lalaki na iniinda ang matinding sakit habang nakatakip ang kanyang bunganga.
Alam ko yun dahil naputol din ang braso ko.
Sa lakas ng atake ko sa kanyang braso ay malinis ko itong naputol. Saktong-sakto ang pagkakaputol ko sa braso nya na bagay ang sukat sa kaliwa kong balikat na walang braso.
Walang emosyon ko syang tiningnan, Ni hindi ko magawang maawa sa kanya kahit tumutulo na ng mabilis ang dugo sa kanyang putol na braso.
Ang sarap sa pakiramdam na parang nakapatay ako ng masama.
Ewan ko lang bakit ganito ang pakiramdam ko na para akong sadista.
Sa totoo lang kanina ko lang ito naisip ng muli kong nasaksihan kung gaano ka-milagro ang crystal ng pinagaling nito si Kathleen sa kanyang mga pasa at bali ng buto.
Ang bali na ganoon kalala ay aabutin pa ng dalawa o tatlong buwan bago gumaling ng tuluyan.
Pero nagawa lang ng crystal pagalingin ito sa loob lang ng kaunting minuto.
Isang milagro.
O isang gawa ng siyensha.
Alam ko din na kaya din nito ihilum agad ang brasong naputol dahil ako mismo ang nakaranas kanina nito.
Dahil dito ay napatanong ako sa aking isipan, Bakit hindi ko gamitin ang braso ng ibang tao para idugtong ko sa aking katawan?
Naisip ko din kanina na gumamit ng braso ng iba tulad ng braso ng Zombie. Pero alam kong delikado yun dahil braso ito ng Zombie na may virus ang katawan, Wala ako sa tamang utak pag-ginawa ko yun.
Naisipan ko din na putulin ang braso ni Kathleen kanina pampalit sa aking braso pero hindi maganda ang braso ng isang babae na malayo sa laki ng braso ko na isang lalaki.
Hindi tugma ang buto at mga ugat.
Ito ang dahilan kaya matagal kong tiningnan ang lalaking matanda na ito, Mas tama sabihin na kanina ko pa tinitingnan ang braso nya na ini-imagine ko nang ikabit sa aking kaliwang braso.
Malaki sya na may taas around 5'9 na maputi na halos kano ang itsura, Dads body ang katawan nya kaya mataba tingnan ang kanyang bisig. Kahit may edad na sya na sa tingin ko around 55 na taong gulang ay malakas pa din ang kanyang pangangatawan.
Binalik ko na ang aking isipan sa pinutol kong braso ng lalaki, Ang gagawin ko nalang ngayon ay putulin ang balat ng aking kaliwang braso para lumitas ang mga ugat at buto ko.
"Klerisa buhatin mo ang braso nya patayo, Lelani buksan mo ang mga delata at ilagay mo sa mangkok na meron dito, Kathleen ilabas mo ang lahat ng crystal sa bag ko" Utos ko sa tatlong babae.
"Walang problema kuya Delio.
"Ok kuya"
"Sige kuya Delio.
Kung hindi ako nagkakamali nasa 223 ang nakuha kong puting crystal ngayong araw plus 7 na green na crystal kanina sa pinatay kong anim na mabilis tumakbo na Zombie at may isa akong nakita muli na mabilis na Zombie kaya naging pito.

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HororKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.