Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 16
Delio POVPag-lapit ko sa gate ay dito ko na nilabas ang sampung piraso ng crystal na inipon ko, gamit ang lalagyanan ng tubig ay ininum ko ito ng sabay-sabay saka nilunok na parang gamot.
Huminga ako ng malalim na medyo kinakabahan kung ano ang mang yayari sa akin. Naghintay ako ng ilang segundo hanggang minuto ang lumipas.
"Walang nag bago?" Taka kong tanong sa aking sarili.
Tiningnan ko ang aking katawan, wala naman ako nararamdaman na pagbabago.
Akala ko may papasok na matinding lakas sa aking katawan katulad sa Super Saiyan na medyo lalaki ng kaunti ang katawan ko.
Pero wala...?
Sandali lang....
Ngayong napansin ko lang...Parang nawala ata palakol ko.
Tiningnan ko ang palakol ko na nasa kanang kamay ko naman.
Akala ko nawala, Gumaan pala para sa akin, Ibig sabihin lumakas na ako ng ganun nalang?
Walang drama?
Gaano ang kinalakas ko?
Kaya kong bumuhat dati ng 100-110 kilo sa loob ng lima o sampung segundo, ngayon na nagtraining ako ng kalahating buwan ay baka kaya ko pa din bumuhat ng ganito kabigat pero mas matagal.
Nangayayat na din kasi ako kahit papaano.
Ang tingin ko ngayon para akong lumakas ng halos 110-120 kilo na kayang buhatin...yata?
Kinuha ko muli ang sampung piraso ng batong crystal at mabilis kong kinain katulad ng kanina.
Nakita kong medyo nagulat sila Klerisa at si Kathleen. Lalo na si Lelani na parang natakot sa ginawa ko na muling pagkain ng crystal na bato.
Hinayaan ko lang sila na tingnan ang aking ginagawa at pinagpatuloy ko ang pagkain ng mga bato....Hanggang sa...Sumakit na ang katawan ko pagdating ng pang 50 na crystal na ang kinain ko.
Matinding pagka-gutom ang naramdaman ko sa oras na ito.
Mabilis akong pumunta sa kusina at inubos agad natitirang limang itlog saka dalawang chocolate pati isang kalderong kanin na natira.
Nakakatakot na nakaka tuwa ang pakiramdam ko ngayon.
Kahit papaano ang pag-lakas ng aking katawan ay isang magandang baga.
Nauunawaan ko na para lumakas ang katawan ng tao ay kailangan scientifically ng pagkain kaya heto ako ngayon biglang ginutom.
Ano nag papalakas sa katawan ng tao?
Syempre pagkain at tubig.
Kaya ganito nalang ako nagutom ng biglang lumakas ang aking katawan. Hindi ako sigurado kung ano pa nang-yayari pero mabilis tinunaw ng tiyan ko ang aking kinain para maging sustansya agad ng aking katawan ito.
Pero hindi pa ako busog, Gutom pa ako ng kaunti.
Pagkatapos kong kumain ay mabilis din ako nag-banyo para ilabas ang bagay na hindi na kailangan ang dumumi. Matapos nito na pakiramdam ko ay naging presko ang aking katawan.
Para-bang naging mas magaan ang aking loob, Pinalagutok ko ang aking braso, balikat, leeg, bewang, tuhod, siko, mga daliri at talagang na preskohan talaga ako na para akong nakawala sa mabigat kong baluti.
"K-kuya Delio...Ayos ka na?" Tanong sa akin ng isang boses.
Lumingon ako at nakita ko si Klerisa na nag aalala na tumitingin sa akin.

BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HorrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.