Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 6
Delio POVPagpasok ko sa loob ng compound ay naging komportable na ang aking pakiramdam.
Kaso...
BAM!
"Raawwr!"
BAM!
"Gruuuu..."
BAM! BAM!
"Gwarrr!"
Sinira ng mga Zombie sa labas ng gate ang panatag kong pakiramdam, Narinig ko ang kanilang mga kalapag at pagtulak sa gate na gusto nila akong sundan dito sa loob.
Buti nalang makapal ang gate kaya imposible ang balak nila...
Pwera nalang kung madami ang tutulak sa gate na ito.
Yan ang lakas ng marami.
Medyo kinabahan tuloy ako, baka makapasok sila.
Kaya naghanap agad ako na pwedeng pangkuha ng atensyon nila. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at doon ko nakita ang isang salamin pang bintana na kalahating metro ang laki.
Sorry nalang landlord, pahiram muna ng salamin mo.
Inihagis ko agad ito sa labas ng gate at bumagsak sa daan.
Tunog ng nabasag ang kumuha agad ng atensyon ng karamihan sa kanila at nilingun nila ang kanilang mga ulo sabay pinuntahan nila ang nabasag na salamin.
Dito na ako tuluyan naging panatag dahil kaunti nalang ang tumutulak at humahampas sa gate.
"Haaa...." Napabugtong hininga nalang ako sa wakas.
Ligtas na ko.
Ito narin ang pagkakataon ko para patayin ang pagcall ng aking cellphone sa bulsa na kanina pang gumagana. Binuhat ko ang aking sandatang palakol at umaalis na ako sa aking kinatatayuan para magpahinga sa tinutuluyan ko apartment.
Pero...
Natigil ako sa aking paglalakad ng narinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae at tiningnan ko sya ng saglit.
"Kuya Delio?... Ano na ang gagawin natin?"
Ang boses ni Klerisa.
Medyo nalimutan ko na may kasama pala ako.
Magulo pa ata ang isipan ng babae na ito kung hindi nya pa alam ang susunod na gagawin mula ngayon.
"Ayos na ang lahat Klerisa, Pwede ka nang umuwi sa apartment mo para maghintay ng rescue" Payo ko sa kanya at pinagpatuloy ko na ang aking paglakad pauwi sa aking apartment.
Para syang nagising sa simple kong paalala.
"Sige kuya, Maraming salamat sa lahat ng tulong mo po sa akin" Sabi nya sa akin.
Naglalakad na ako papunta sa aking apartment ng nasilayan ko ang napakagandang ngiti ng babae na ito.
"Mag ingat ka" Hindi ko napigilang ipayo sa kanya bilang paalam.
Panget isagot na 'Walang anuman' dahil buwis buhay ako para sa kanya kanina. Kaya hindi ko masasabing 'Walang anuman' ang bagay na tungkol sa aking buhay.
Ginamit ko ang aking susi at pumasok na ako sa maliit kong apartment. Nakita ko na nasa labas parin si Klerisa na kumakaway sa akin. Kumaway ako ng kaunti bago ko tinakpan ng kurtina ang aking bintana.
Sinilip ko muli sya sa katiting na agwat ng kurtina at nakita ko ng umaalis na sya pabalik sa kanyang apartment pa akyat sa pangalawang palapag sa kabila.
![](https://img.wattpad.com/cover/376666532-288-k513144.jpg)
BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
TerrorKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.