Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 24
Lelani POVTahimik kong minamasdan ang tulog na mukha ni Kathleen ngayon, Ang babae na ito.
Hindi ko inaasahan na nag-abala pa si kuya Delio sa pagligtas sa kanya. Kung ginawa nya nalang sana pang-pain si Kathleen edi mas kanina pa kami nakalayo at hindi na kailangan pang lumaban ni kuya Delio sa anim na Zombie na kayang tumakbo.
Sa bandang huli ay hindi pa talaga matibay ang puso ni kuya Delio.
Muka lang syang walang awa dahil na din ata sa balbas nya na akala mo minsan terorista.
Kanina walang awa nya binubug at pinatay ang lalaking kumain sa kanyang kasintahan kaya naiisip ko na hindi magdadalawang isip si kuya Delio na pumatay kahit pa tao ito.
Pero kay Kathleen na maraming binasag na batas ni kuya Delio ay pinagbigyan nya pa din.
Ano ang meron?
Bakit sya ganito kay Kathleen?
Mukang may pinag-samahan din talaga sila na higit pa sa inaasahan ko.
Tama nga ata ang hinala ko na may nangyari sa kanila ng araw na yun noong hindi umuwi si Kathleen sa apartment namin.
"Papatay lang ako ng mga Zombie kaya huwag kayong maingay, Lelani alam mo na ang contact number ko at tawagan mo lang ako pag may problema" Bilin ni kuya Delio matapos nyang uminum ang soft drinks na galing sa bag nya.
Napunta ang atensyon ko sa kanyang muka at sumagot ako "Sige kuya"
"Ok kuya Delio" Sagot din ni Klerisa.
Saglit lang nya kami tiningnan na parang nag-aalala pero tinuloy nya na ang pag-alis pabalik sa direksyon ng malaking Zombie.
Sana maging maayos lang sya.
Ilang minuto ang lumipas nang umalis si kuya Delio, Maayos naman kami dito nila Klerisa at ni...Kathleen.
Natutulog pa din sya habang si Klerisa naman ay umiinum ng tubig na galing sa kanyang bag. Uminum na din ako para mawala ang kaba.
Kanina ang oras ng nag-simula na kami sa pagpunta sa mini-market ay 8:00 AM then around 8:10 AM ay pinatay na ni kuya Delio yung lalaking demonyo. Sunod doon ay pag-punta kami sa mini-market around 8:12 AM, Nang nakapasok na kami ay nasa 8:13 AM.
Sa tingin ko around 8:16 AM na ng muntik ng maging Zombie si kuya Delio after that nagpahinga si kuya Delio half hour at around na 8:50 AM na nagsimulang nag-inarte itong si Kathleen para patayin si kuya Delio.
Then around 8:55 A.M ay palabas na kami ng mini-store dahil no-choice kami dahil sa malaking Zombie, Ang oras naman ng nakarating kami dito sa sari-sari store na maliit ay around 9:02 AM at ngayon around 10:29 AM na tuloy pa din naghihintay kay kuya Delio.
Halos isat kalahating oras din kami dito na naghihintay kay kuya Delio. Sa mga oras na nandito lang kami na nagpapahinga ay takot na din maiiwasan na baka magkaroon ng emergency ano mang oras kaya naman para mawala ang tensyon ay nagsalita na si Klerisa.
"Sa tingin mo ayos lang si kuya Delio?" Tanong ni Klerisa.
"Anong ibig mong sabihin?" Taka kong tanong kay Klerisa na hindi malinaw ang tinutukoy nya.
"I mean...Bakit ang tagal nya? Sa tingin mo may nangyari kaya?" Alala nya ng tanong.
Napakulot ang tingin ko kay Klerisa sa panget na tanong na narinig ko "Huwag kang mag-isip ng masama kay kuya Delio ayos lang sya"
Medyo na realize ni Klerisa na panget ang ganito nyang tanong kaya tumahimik nalang din sya.
Ayokong mag-isip ng negatibo at umaasa ako na walang magyayaring masama sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/376666532-288-k513144.jpg)
BINABASA MO ANG
Zombie sa Pilipinas
HororKung paano lampasan ang hirap ng katapusan ng mundo dahil sa mga Zombie na nanggaling sa kaaway na bansa.