Chapter 37

19 5 0
                                    

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 37
Delio POV

Hindi na ako lumingon pa na iniwan ang grupo nila Richard, Mabagal kong minaneho ang motor kaya pa jogging ang takbo nila Klerisa, Lelani at Kathleen na sumusunod sa amin ni Maria Isabel na nakasakay sa likod ko.

Simple lang ang paglalakbay, Pag may mga nakaharang na bangkay ay pinapatabi ko kala Klerisa at kung may Zombie man na naligaw dito ay papatayin nila at syempre kukunin ang crystal sa kanilang utak.

Nasaksihan lahat ito ni Maria Isabel na humahanga sa kanilang tatlo na parang fan na nakakita ng idol nyang artista.

Marunong naman at malakas sila Klerisa, Lelani at Kathleen dahil naturuan ko sila kahit papaano sa paraan ng pakikipaglaban at tibay ng loob sa mga nakakadiring bagay. Masyado lang talaga malakas ang malaking Zombie para komprontahin kaya nagmuka silang mga mahihina.

Kahit ako ay hindi ko lalabanan yung malaking Zombie ng mag-isa kung wala kukuha ng atensyon nun.

Pero kahit papaano ay nakapagpakitang gilas ang tatlong babae, Napahanga nila si Maria Isabel na nakakaya ng ibang babae ang pagpatay sa mga Zombie.

Salamat sa kanilang pagsasanay at crystal na nakain ay lumakas sila na kahit mawala na ako ay kakayanin na nila.

Sa tingin ko ang lakas nila ay kaya nilang labanan ang anim o pitong Zombie ng sabay-sabay yun ang kasalukuyan nilang lakas ngayon. Kung mabilis na Zombie na marunong tumakbo kaya ata nila ang dalawa at pag malaking Zombie syempre takas nalang talaga magagawa.

Sa ngayon ay sekreto ang tungkol sa crystal na ayaw kong makita o malaman muna ng kahit sino.

Alam ko na para akong makasarili dahil maganda na ipaalam ko ito sa buong mundo para lahat ng tao ay lumakas tama?

Ang sagot ko lang dyan ay....

Eh ano ngayon?

Tulad nga ng sinabi ko ay sarili ko ang aking uunahin, Sarilli ko ang aking prioridad.

Isa pang dahilan kaya ayaw kong ipaalam ang tungkol sa impormasyon na ito ay takot ako sa kapwa ko tao.

May utak ang tao.

Katulad kanina nang nakita ko si Richard ang leader ng maliit na grupo, Hindi pa sya nakakain ng crystal sa lagay ng katawan nya yan. Matangkad sya, nakapagsanay dahil sa pagbabasket ball at matipuno din ang katawan dahil may tulukan o bungguan na nangyayari sa larong ito.

Ang tanong muli ay...

Paano nalang kung makakain sya ng crystal para lumakas lalo sya at makalaban ko sya?

Madadaan ko pa sa teknik ang laban pero sa lakas, bilis at liksi ay mahihirapan akong talunin sya sa mga aspeto na ganun.

Well may baril naman ako kaya madali lang talaga labanan ang kahit sino sa ngayon.

Pero paano nalang kung wala?

Kaya gagamitin ko lang ang crystal para sa akin at sa mga mapagkakatiwalaan kong mga kasama.

Ito ang advantage ko ngayon ang tungkol sa crystal habang hindi pa alam ng mga tao ang bagay na ito.

Kaya kahit nagdududa si Maria Isabel sa ginagawa nila Klerisa, Lelani at Kathleen sa pagkuha ng bato sa utak ng mga Zombie ay ayos lang dahil ipapaliwanag ko din ito sa kanya pag uwi.

Sa pag-uwi namin sa hardware store ay binuksan nila Klerisa ang gate at pinasok ko sa loob ang tricycle para iparada malapit sa bahay ng hardware store.

Mabilis binaba nila Klerisa, Lelani, Kathleen ang mga pagkaing nahakot na nakalagay sa kahon at sako, Tumulong din si Maria Isabel sa kanila para na din makihalobilo.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon