Chapter 30

19 2 0
                                    

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 30
Klerisa POV

Malinaw ang kahalati ng kanyang mukha na nasa labas ng bintana na parang naka-silip at mabagal nya kaming pinagmamasdan dito sa loob.

Kita ko ang malaki nyang mata na kasing laki marahil ng mata ng baka na tumitingin muna ng maigi sa buong paligid sa loob hanggang tumigil muli ang kanyang titig sa aking pwesto.

At dahan-dahan syang ngumiti.

Kinalibutan ang buo kong katawan sa takot.

B-bakit ganito ang halimaw na to?

Tuloy lang ang titig nya habang hinawakan nya muli ang bintana para buksan ito, Parang sapot ng gagamba ang nangyari sa bintana ng sasakayan na unti-uti ng nasisira hanggang sa...

Craack!

Nabasag ang salamin at nagkalat ang mga bubug sa loob at labas ng aming pinagtataguan na sasakayan.

Gusto kong sumigaw ngayon para makapaglabas ng takot pero hindi ko magawa dahil inaabot na ng malaking Zombie ang aming mga paa, Akin mismong mga paa at pilit akong lumalayo sa kanan nyang kamay para hindi nya ako mahablot.

"L-labas na tayo!" Alala kong sigaw sa takot.

"Sige!" Umupong binuksan ni Lelani ang kabilang bintana malapit sa amin at nauna syang lumabas sa puting Van na pinagtataguan namin. Mabilis bumuntot si Kathleen at susunod na ako.

"ROAAAAAAAARRRR!!"

Hindi ko napigilan mapatakip ng aking tenga gamit ang magkabila kong kamay sa lakas ng kanyang boses.

Malakas na sumigaw sa inis ang malaking Zombie ng napansin nya kaming tumatakas kaya naman binalik nya agad ang kanan nyang kamay para dalawang kamay na ang kanyang gamitin sa pagtulak sa gilid ng bubung ng puting Van kung saan ako naiwan.

Malapit na sana ako makalabas pero sahig nalang ng kalsada ang humarang sa akin.

BAAAAM!

Mabilis nya lang naibagsak pagilid ang sasakyan na pinagtataguan ko at lalo akong natakot na para ba akong daga na pinaglalaruan nya sa kahon.

Bumangga ang ulo at katawan ko sa bintana ng tumaob ang Van pagilid, Medyo muli akong nahilo pero nagawa ko pa din gumalaw agad para iwasan ang dalawang kamay ng malaking Zombie na tuloy pa din sa paghuli sa akin.

Hindi na ako makakalabas pa sa kabilang salamin para sundan sila Kathleen at Lelani, Ang tangi ko nalang lalabasan ngayon ay yung bintana na sinira ng malaking Zombie malapit sa kanyang pwesto.

"Si Klerisa naiwan!" Rinig kong sigaw ni Kathleen.

"Lumalapit na ang mga Zombie na naipon sa kanto alalahanin muna natin sarili natin!" Kabadong sinabi ni Lelani kay Kathleen.

Hindi ko alam ang ginagawa nila Lelani at Kathleen ngayon pero sa tingin ko hindi pa sila ganoon kalayo sa akin.

Andito pa din ako sa loob ng Van na nakakulong, Mabilis muna ako umiwas sa pagdampot sa akin ng malaking Zombie at pumunta muna ako sa isang sulok para buksan ang likoran ng sasakyan. Dito sana ako lalabas ng napansin ko ang anino ng malaking Zombie na pumunta din sa likoran ng sasakyan para abangan ako.

"Kakainin nya ko..." Naiiyak ko nalang nasabi at mabilis pa rin akong lumipat pabalik sa bintana kung saan sumilip kanina ang malaking Zombie para doon agad tumakas habang di pa sya nakabantay dito.

Nang lumabas ako sa bintana ay nakita kong nakangiti lang sa akin na nakatingin ang malaking Zombie na inaabangan na din pala ako dito.

Gusto ko sanang umalis agad kaso mabilis nahawakan na ng malaking Zombie ang kaliwa kong braso. Lalo akong hindi makagalaw sa takot ng nahuli nya ko ilang saglit pa ay hinawakan nya na din ang kabila kong braso para hindi ako lalong makawala.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon