Chapter 13

23 5 0
                                    

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 13
Delio POV

Medyo hindi makasagot ang tatlong babae na nasa harapan ko ngayon, Bakas sa mukha nila na kinakabahan ang kanilang itsura.

Kaya inulit ko ang tanong "Handa na?" Medyo nakakulot na ang tingin ko para makita nilang na-iirita ako sa kanilang kaduwagan ngayon.

"Opo kuya Delio!" Sabay-sabay nilang sagot nila Klerisa, Lelani at Kathleen.

Nang narinig ko ang kanilang sagot ay tumango ako sa kanila habang nakapamewang, Pumunta ako sa isang gilid para kunin ang tatlong dos por dos na kahoy para ibigay ko sa kanila isa-isa.

Niramdam nila ang kanilang sandata na alam kong nakuha nila ang  gusto ko na mangyari na lalabanan nila ang Zombie gamit ang kahoy na ito, Dito na ako pumunta sa gate ng marahan.

May padlock ito na nakasabit nakalock ito pero hindi na-ilock para magsarado, Marahil nataranta na si Mang Ben ang landlord ng inuupahan namin ng compound noon ng nakita nya ang mga nag wawalang tao na nagiging Zombie na pala.

Dahan-dahan ko itong binuksan at nasilayan ko na mas dumami ang mga Zombie sa paligid sa labas ng aming compound.

Napa iling nalang ako na kinabahan habang tinitignan ang mga halimaw na ito.

Alam ko ang detalye ng mga Zombie base sa mga movie na napanood ko noon at sa mga search ko sa internet kaya nag tataka nalang ako ngayon kung bakit...

Hindi pa na bubulok ang kanilang katawan, Para magmuka lalong bulok na bangkay na tao.

Diba patay na sila?

Kaya dapat nasisira na ang kanilang laman sa naka lipas na 13 na araw mula ng nag simula ang Zombie Apocalypse.

Wag mong sabihin buhay pa sila kaya hindi pa na-aaganas ang kanilang katawan?

Pero kung buhay pa sila eh papaano sila na bubuhay?

Walang pagkain o tubig sila na pwedeng gamitin saka magdamag silang nakatayo na parang hindi napapagod sa halos 13 na araw silang naka tayo.

Hindi ito kaya ng normal na tao.

Hindi ko na masyadong inisip pa at nag focus nalang ako ng atensyon sa gagawin namin na pagsasanay lalo na para sa tatlong babae na aking kasama.

Ang gagawin ko lang ay kunin ang pinakamalapit na Zombie papasok sa aming compound, Gamit ang Palakol ko bilang pang kawit ay kinuha ko ang isang Zombie na lalaki papasok sa loob ng gate at mabilis kong sinarado ang ito ng mabilis pero tahimik para hindi ko makuha ang atensyon ng ibang Zombie na malapit sa akin.

Syempre may ilang Zombie ang naka rinig pero hindi nila ito masyado pinansin.

Pag-balik ko ng atensyon sa Zombie ay naka-tanga lang ito na parang hindi alam ang gagawin pero nasa utak nito ang sugudin ang sino mang buhay kaya lumalapit na sya kala Klerisa, Lelani at Kathleen.

Kita ko ang takot sa mga mata nila lalo na sa mata ni Klerisa.

Hindi ito ang unang beses na nakakita si Klerisa ng Zombie na ganito kalapit pero natuwa padin ako sa kanya dahil naging matapang ang kanyang mga mata sa oras na ito habang hawak-hawak ang dos por dos na binigay ko sa kanila.

Nangiti ako ng kaunti para kay Klerisa na masasabi kong may pinag huhugutan sya ng lakas para tumapang.

Nilipat ko ang tingin kay Lelani na tahimik lang na naka abang ang kanyang atake hawak din ang kahoy na dos por dos. Matalino itong si Lelani at may lakas ng loob kahit ito ang unang beses nya na makita ang Zombie ng malapita, kaya masasabi kong magandang sanayin ang babae na ito.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon