Chapter 53

18 4 0
                                        

Title: Zombie sa Pilipinas
Author: ATCS Delio
Part 53
Cecil POV

"Boss! May tanke kayo at tatlo pa!?" Gulat at hanga ko na tanong kay Boss.

Ito nalang ang topic na nasabi ko para magkaroon kami ng usapan tungkol naman sa military strength na meron sya.

"Kanina mo pa nakita at ngayon ka lang nag-reak?" Nakangiti nyang sinabi sa akin habang naka-angkas kami sa ibabaw ng tanke nya na nangunguna sa harapan.

"Hahahaha oo nga no" Nahiyang natawa nalang ako.

Kanina pa nga talaga dapat ko ito tinanong sa kanya, Ngayon ko lang naisip.

Sa ngayon kalmado ang paglalakbay namin, Malinis na kasi kahit papaano sa labas ng Binondo na walang Zombie. Parang jogging lang sa bilis ang takbo ng mga sasakyan na gamit namin kaya komportable saka maulap kaya hindi mainit.

Mabilis kami lumarga agad palabas kanina ng barko ko sakay sa bangka papunta sa mga sasakyan ni Boss na dala nya.

Tatlong tanke at dalawang armored truck ang dinala nya na may laman na mga bala ng tanke, bala ng baril, armalite, bomba at walkie talkie ang nakita ko kanina nang nag-handa sila. Ang dala nya naman na tauhan ay ang apat nyang babae na nasa ibabaw din sa kabilang tanke sa kanan side ko at si Leader na sundalo isang Lieutenant Rank kasama ang tatlo kong opisyal. May lima pa syang sundalo na taga drive ng tatlong tanke at dalawang armored truck na gamit namin ngayon, Kasama din pala namin ang pet ni Boss na mukang Leon na kulay Black.

L3 Beast?

L3 Beast nga ata, Mamaya itanong ko ang bagay na ito sa kanya.

Bali naiwan ang 8 na sundalo at 14 na survivor nya sa port para magbantay siguro ng tatlong truck container nila na puno yata ng pagkain at kagamitan.

Sinabihan ko din ang mga taohan ko na tulungan sila ang grupo ni Boss na bantayan ang mga ito habang wala kami.

Grabe tatlong truck na puno ng pagkain, Saan sila nakahakot ng ganito karami?

Binalik ko na muli ang aking atensyon sa tanke na dala nila, Ito ata ang Type 74 Medium Tank na galing sa Japan na last year lang binigay sa Pilipinas. Sa pagkakatanda ko idedemo ang mga tanke nato sa Circle, Bali doon pala nakuha ni Boss ang mga sundalo pati ang mga military vehicle nya ngayon.

Swerte nya.

"Walang duda patay agad ang L4 sa kanyon ng tanke mo Boss" Kampante kong sinabi.

Ito nalang ang komento ko pampawala ng kaba.

"Ano pala ang nalalaman mo sa L4 Zombie?" Tanong ni Boss.

Hmmm?

Hindi nya sinakyan ang komento ko, Mukang seryoso syang lalaki.

"Sa L4 ba kamo? Sa palengke limang araw nakararaan namin unang nakita ang L4 na may taas na anim na metro kakulay ang tao, walang buhok, ari, puson, utong at pula ang mga mata. Kaya nyang sumira ng building sa apat o limang suntok lang, Mabagal sya kumilos dahil sa bigat pero kasing bilis nya pa din ang L3 sa paghabol at ang pinaka nakakatakot sa kanya ay hindi sya tinatablan ng baril kahit sa mata pa tumama" Detalyado kong kinuwento kay Boss.

Matatakot kaya sya?

"Nakalaban mo?" Tanong nya.

Mukang hindi....

Hindi man lang nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha.

"Hindi ko nakalaban, Mas inuna nalang namin ang tumakas, Kawawa nga lang na naubos ang grupo ng Black Guards" Sagot ko habang nakatingin ako sa kanyang mukha na nakatingin din sa akin.

Zombie sa PilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon